PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rachel Alejandro Grateful for Spotlight with Dad Hajji

Rachel, Hajji headline Awit ng Panahon: Noon at Ngayon concert on April 21
by Rommel Gonzales
Published Apr 13, 2024
Rachel Alejandro
Hajji Alejandro
Rachel Alejandro (with dad, OPM icon Hajji Alejandro) on performing onstage with her dad: “Talagang hindi ko madi-describe sa inyo yung feeling at saya na makasama ang tatay mo onstage, makasayaw at maka-duet. Iba yun, e!

Madalas nakakasama ni Rachel Alejandro sa mga concert at shows ang ama niyang si Hajji Alejandro.

Kaya tinanong namin si Rachel kung ano ang advantages at disadvantages working as a father and daughter tandem sa music industry?

Umpisang pahayag ni Rachel, “Gosh, wala naman akong maisip na disadvantage, kasi it has been an advantage that I used… talagang sinamantala ko na mula nung umpisa pa lang talaga.

“When I was only twelve years old na kinuha ako ni Kuya Germs sa palabas na That’s Entertainment, and of course, that was because nga of him, siyempre nalaman niya… parang nabalitaan niya na kumakanta din yung anak ni Hajji.”

Popular na teen-oriented show ang That’s Entertainment ni German Moreno noong dekada otsenta.

Pagpapatuloy ni Rachel, “So, since then, of course, I had to find my own way din to also find my own voice, my own style.

“And siguro iyon na lang yung medyo hard, kasi siyempre you will always be compared to someone who’s such a big star and to this day, siyempre kahit saan ako pumunta, kahit sa America where I’m based right now, I’m still known as his daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Karamihan ng mga Pilipino na tumitira dun na matagal na matagal, siyempre hanggang ngayon ganun pa rin, di ba?

“So, in that sense, iyon siguro yung medyo mahirap.

“Pero siyempre mas nakakalamang yung advantage because nga nagkaroon ako ng magandang umpisa and the fact na talagang hindi ko madi-describe sa inyo yung feeling at saya na makasama ang tatay mo onstage, makasayaw at maka-duet. Iba yun, e!

“It’s something that I will always, always be grateful for,” ang nakangiting sinabi pa ni Rachel sa mediacon ng show nilang Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon nitong nakaraang April 8, Monday, 3:00 pm sa Avolution Bldg. sa San Juan.

Awit ng Panahon: Noon at Ngayon poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagaganapin ang Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon concert sa April 21, Sunday, 8pm sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Ang iba pang kasama sa concert bukod kina Rachel at Hajji ay sina Gino Padilla, Kris Lawrence, Nitoy Mallilin (formerly of The Boyfriends), Edwin Cando (seven-time defending champion ng Tanghalan ng Kampeon), at John Raymundo (eight-time defending champion of Tawag Ng Tanghalan).

Rachel Alejandro

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rachel (front row, middle) with dad Hajji Alejandro (in shades and red shirt) with their other co-performers

Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksyon ni Ferdi Aguas.

Ang iba pang artists sa concert ay sina Male Rigor (of VST and Company), Pete Gatela and Carlos Parsons (of Hagibis), Arabelle Dela Cruz (of TNT of It’s Showtime and The Clash), Rachel Gabreza and Luzviminda Piedad (of TNT of It’s Showtime), at si Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy).

RACHEL ON THE DIFFERENCE BETWEEN OPM OLD AND NEW

Para kay Rachel, ano ang malaking pagkakaiba ng music noon sa musika ngayon?

Aniya, “Ang main difference? Siguro nagpapalit lang yung style, di ba, and influences.

“Dito naman sa Pilipinas siguro meron talagang you know, yung tunog OPM na tinatawag, but of course, like through the years, medyo nagbabago yung style kasi nai-influence din tayo ng music around the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siyempre ibang-iba na ngayon the way that people listen and the way that songs become hits kasi nung araw di ba, kailangan i-request mo sa radio stations, di ba?

“Kung nagustuhan ng DJ patutugtugin, hindi kagaya ngayon na in just a few taps on your phone you can hear any songs that you want on any of the music platforms, on YouTube, di ba?

“So, in that sense, I think mas mahirap na in a way na gumawa ng hit these days, kasi sobrang bombarded ang mga young listeners with music all over the world, di ba?

“In a way, parang mas may competition, so I think kailangan manaig… yung kailangan talagang super, super, super lakas ng recall ng kanta and all.

“And one thing na masasabi ko is marami pa din talagang magagandang OPM na lumalabas.”

RACHEL UNFAZED BY PETTY GENERATION GAP ISSUES; CITES RECENT OPM FAVORITE

Kalimitang tanong ngayon sa mga mas beteranong artista o singer kung nakaranas na ba sila ng pang-i-snob o kulang na respeto mula sa mga baguhan at nakababatang mga artists. Anong masasabi ni Rachel tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Rachel, “Feeling ko kung hindi ka nabati, that just means na hindi ka nila kilala, which is an honest mistake lang siguro, yun ang naiisip ko.

“Kasi siyempre hindi rin naman na ako lumalabas sa TV that much, so siguro kung dinaanan ka lang nang ganyan, ibig sabihin hindi ka lang talaga nakilala.”

Humahanga si Rachel sa mga younger generation of artists. In fact, may nagustuhan siyang kanta ng younger generation of singers.

“Meron akong isang… it’s not so new anymore, siguro from several years ago, pero pag nagtu-tour ako sa US some years ago, kinakanta ko yung 'Buwan' na kanta ni Juan Karlos [Labajo].

“Gustung-gusto ko yun, parang may pagka-bluesy na rock, yung ganung style, bumagay sa boses ko, so kinakanta ko yun minsan and talagang yung buong audience sinasabayan, kahit yung mga kababayan natin sa America, alam na alam nila yun!

“So I guess sa mga medyo bagu-bago over the past five years na kanta, iyon yung isa sa mga paborito ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachel Alejandro (with dad, OPM icon Hajji Alejandro) on performing onstage with her dad: “Talagang hindi ko madi-describe sa inyo yung feeling at saya na makasama ang tatay mo onstage, makasayaw at maka-duet. Iba yun, e!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results