Muling pinabulaanan ni Ruffa Gutierrez ang mga kumakalat na quote cards na galing umano sa inang si Annabelle Rama.
Read: Ruffa Gutierrez denies she's pregnant with Herbert Bautista's baby
Sa kanyang Facebook account noong April 6, 2024, ibinahagi ni Ruffa ang dalawang magkaibang screenshots ng quote cards na naka-attribute kay Annabelle.
Mababasa sa una ang tungkol sa tinatawag niyang "bruha" na nasa Hong Kong at may kasamang ibang lalaki.
Inuna pa raw nito ang panlalalaki kaysa mag-alaga ng anak.
Nakasaad sa quote card: "Nakikita nyo! Nakita nyo nakikita niyo naman yan hindi ko na kailangan pa magsalita, Oo may kasama sa hongkong ang bruha, oh diba uunahin pa ata ang manglalaki kesa sa mga anak hay jusko makati talaga, mas pogi dyan ang anak ko responsable pa."

Base sa nasabing quote card, malinaw na ang pinatututsadahan dito ay ang manugang ni Annabelle na si Sarah Lahbati.
Kamakailan ay naispatan si Sarah na may kasamang isang lalaki habang kumakain sa isang restaurant sa Hong Kong.
Ngunit nilinaw ni Sarah sa isang panayam na kaibigan lamang niya ang kasamang lalaki.
At kung sakali man daw maugnay siya sa iba ay wala siyang nakikitang masama rito dahil "single" siya ngayon.
Hiwalay na si Sarah sa anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.
Read: Sarah Lahbati reacts to viral photo with mystery man in Hong Kong
Sa ikalawang quote card, sinabi naman umano ni Annabelle na magkasamang nagbakasyon ang anak na si Richard at si Barbie Imperial.
Mababasa rito: "Yes mga 'Day! It's true na magkasamang nag vacation si Chard at Barbie. E ano naman ngayun? Single ang anak ko. Boto ako kay Barbie, mabait na manugang.
"Hindi katulad ni Devil Woman, walang alam gawin kung hindi gumastos ng gumastos. Nakikita nyo naman diba? Hindi na kailangan sabihin pa. [lauging emojis]"

Noong January 7, 2024, namataang magkasama sina Richard at Barbie sa isang gastropub sa Alabang.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted together at Alabang gastropub
Ayon kay Ruffa, "FAKE NEWS" ang mga quote card na ito na nag-uugnay sa kanyang ina.
Tahimik raw kasi ngayon sa pagitan ng magkabilang kampo kaya hindi raw iyon masasabi ni Annabelle.
Ani Ruffa, "FAKE NEWS!!
"My mom DID NOT say this.
"Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way."
Nauna na rito ang pagtatanggol ni Ruffa sa inang si Annabelle dahil naman sa mga mapanghusgang netizens.
