Ultimate family bonding ang ginawa ni KC Concepcion kasama ang amang si Gabby Concepcion at dalawa pang kapatid sa ama ni na sina Garie Concepcion at Samantha Concepcion.
Nagtipun-tipon ang mag-aama noong nakaraang weekend para salubungin ang Easter Sunday sa isang beach sa Batangas.
Batay sa post ng isa sa mga anak ni Gabby, sa Lobo, Batangas sila nagbakasyon. Si Gabby ay may private resort sa naturang lugar.
Read: KC Concepcion on love life: “Gusto kong malaman kung ano talaga ang intention sa akin.”
Makikita rin sa mga posts ni KC na sinulit niya ang bonding time kasama ang mga kapatid.
"Core memories unlocked with my sisters. A weekend to remember,” simpleng post ni KC sa Instagram kalakip ang mga larawan at videos.
Sa isang picture, kasama ni KC ang mga kapatid na sina Garie at Samantha. May picture din si KC kasama ang amang si Gabby. May picture din si Garie at Gabby.

Gabby Concepcion with daughter Garie
Nagkomento rito ang nakababatang kapatid ni KC na si Samantha.
Komento nito (published as is): “my lovely family”
Sagot ni KC sa komento ng kapatid: “a Royal rumble”

Matutukoy din ang closeness na nabuo ni KC sa mga kapatid.
Sa Instagram account ni Garie, nag-post siya recently ng mga larawan ng bakasyon sa Canada kasama ang kanyang anak na babae.
“Mom era,” simpleng caption ni Garie.
Komento ni KC sa post ni Garie: “My favorite era of yours.”
Sinagot naman ito ni Garbie. Reply niya sa kanyang ate: “Aww.. same Ate, same!!! Hihi Can’t wait for your Mommah Era tooooo!”

Read: Steve Michael Wuethrich: This guy's in love with KC Concepcion
Hindi naman nagpahuli si Gabby sa pag-post ng bonding time kasama ang tatlong mga anak.
Ni-repost ni Gabby ang ilang kuhang larawan kasama ang mga anak sa kanilang recent bonding sa beach.
Kalakip ng photo collage nilang mag-aama ay ang kantang “I Love You Always Forever” ni Donna Lewis.
Si KC ay anak ni Gabby kay Sharon Cuneta. Si Garie naman ay anak ng dating matinee idol sa dating aktres na si Grace Ibuna.
Si Samantha ay isa sa dalawang anak na babae ni Gabby sa non-showbiz wife na si Geneviee Yatco Gonzales.
Ang isa pang anak ni Gabby ay si Cloie Syquia na anak ng aktor sa dating nakarelasyong model-turned-actress na si Jenny Syquia.
Sina Cloie at Jenny ay nakatira sa Sweden.
