PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda's 'Buwis-Buhay' Scene Insight

Samantala, ano naman ang mga pag-iingat na ginawa ng GMA-7 ngayong tag-init?
by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2024
vice ganda it's showtime
May mga naniwala na talagang nakaupo sa heart logo ng GMA-7 sa tuktok ng GMA Network building si Vice Ganda
PHOTO/S: GMA Network

#PEPcoverage

Pinag-uusapan ang brilliant idea ni Vice Ganda na ipakita siyang nakaupo sa Kapuso logo sa tuktok ng GMA Network building sa kanto ng Timog Avenue at EDSA sa unang araw na pagtatanghal ng It’s Showtime sa GMA-7 ngayong Sabado, Abril 6, 2024.

Read: Vice Ganda to celebrate birthday on It’s Showtime debut on GMA-7

Pinuri ang malakas na epekto ng “buwis-buhay na eksena” ni Vice, pero may mga naniwalang totoong umakyat siya sa mataas na gusali ng GMA-7 na may labimpitong palapag para lalong maging magarbo at maingay ang pagsisimula ng pag-ere ng It’s Showtime sa Kapuso station.

Para sa kaalaman ng mga naniwala, hindi totoong umakyat at pumuwesto si Vice sa logo na makikita sa tuktok ng GMA Network Inc. building.

Ginamitan lamang ito ng chroma compositing o chroma keying para maisakatuparan ang pinapangarap niyang eksena, pagkumpirma ito ng isang award-winning television director.

Dahil sa modernong teknolohiya, hindi na mahirap palabasin at papaniwalain ang publiko sa ginawa ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dapat isipin ng mga mabilis maniwala na hindi siya papayag magbuwis ng buhay.

At lalong hindi magbibigay ng permiso ang network management na gawin ni Vice ang death-defying act na napanood sa pilot telecast ng It’s Showtime sa Kapuso network.

Samantala, inalam ng Cabinet Files mula sa GMA-7 ang mga ipinatutupad nitong pag-iingat laban sa matinding init ng panahon bilang proteksiyon sa mga artista at manggagawa ng network.

Hindi nawawalan ng safety officers sa mga studio ng GMA-7 at sa mga set ng taping ng kanilang mga television program.

Pangunahing responsibilidad ng mga safety officer na suriin ang lahat ng mga sitwasyon.

Ipinaliwanag naman ng isang network executive na “Should it be too hot, we move [the tapings ] indoors. We also take a noon break.

“There are water stations, aircon tents, and fans all over the location venue. Lastly, we have a standby medic to check on people's blood pressure, temperature, and ambulance for emergency situations.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga naniwala na talagang nakaupo sa heart logo ng GMA-7 sa tuktok ng GMA Network building si Vice Ganda
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results