PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is Armani Hector?

Armani Hector on second chance in showbiz.
by Jojo Gabinete
Published Apr 4, 2024
armani hector vivamax actor
Vivamax actor Armani Hector on staying long in showbiz: “Kung ako po ang papipiliin, siyempre po I want to be here for the long haul, pero depende pa rin po sa path na ibibigay sa akin ni Lord. Before kasi, I would always ask myself na, 'Five or ten years from now, sino na si Armani o ano na ang nagawa ni Armani?' But bottom line is yung path na ibibigay sa akin ni Lord ang susundan ko pa rin.”
PHOTO/S: Vivamax / @001supremo on Instagram

Armani Hector ang tunay na pangalan ng kontrobersiyal ngayong Vivamax actor.

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), nakiusap siyang huwag nang banggitin ang kanyang apelyido dahil sa kagustuhang protektahan ang pribadong buhay ng kanilang pamilya.

Armani ang nakasanayang tawag sa 22-year-old actor. Mula ito sa Armani Exchange dahil mahilig sa luxury brands ang kanyang mga magulang.

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

Sa kabila ng sunud-sunod na mga pelikula na kanyang ginagawa para sa Vivamax, hindi niya pinababayaan ang pag-aaral.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong taon na si Armani ng kursong kanyang pinili—ang Bachelor of Science in Marine Transportation.

Bata pa lang, nangangarap na si Armani na maging artista dahil malaki ang impluwensiya sa kanya ng aktor na iniidolo niya, si Robin Padilla.

Noong 2013, sumali si Armani sa acting workshop ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Pero hindi niya itinuloy ang pag-arte dahil mas mahalaga sa kanya ang mag-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “It was in 2013 when I attended StarMagic workshop, pinag-talent po ako sa segment ng Why Not? ni Nash Aguas.

"Pero short-lived lang po at hindi ko po itinuloy dahil mas priority ko noon ang pag-aaral,” sabi ni Armani.

View this post on Instagram

A post shared by ?????? ?????? (@001supremo)

HOW ARMANI HECTOR WAS DISCOVERED

Hindi inakala ni Armani na mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataong makapasok sa showbiz noong Agosto 2022.

“Na-discover po ako sa gimikan, sa Reserve BGC sa may Burgos Circle.

“While I was eating alone and my friends were dancing, may lumapit sa akin and asked me kung familiar ba ako sa 'Viva,' and proceeded to explain that Viva was looking for new artists to launch.

“To cut the long story short, I was introduced to Miss Rhina Montemayor who brought me to Viva office where I got to meet Boss Vincent del Rosario and the big boss himself, Boss Vic del Rosario.

“That same day, I got signed up with Viva Artists Agency with Ms. Rhina as my co-talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ultimate dream ko po na maging artista since bata pa ako. I am a big fan of Robin Padilla.

"Lagi kong sinusubaybayan at pinapanood ang mga palabas niya kaya nasabi ko sa sarili ko na, 'Balang-araw, magiging artista rin ako gaya ni Robin Padilla at gagawa rin ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz.'

“Ang first ever movie ko was High On Sex 2 at meron na po akong apat na movies nagampanan—two supporting roles at two lead roles, lahat sa Vivamax.

“May pelikula po ako na dapat gagawin this April pero nag- beg off po muna ako dahil may tatamaan sa school activities ko so I am just waiting for upcoming projects na hindi sana magkakaroon ng conflict sa studies ko.”

Bukod sa High On Sex 2, ang iba pang Vivamax projects ni Armani ay Bisyo!, Karinyo Brutal, at TL.

Ano ang unang binili niya mula sa kanyang unang suweldo bilang artista?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I kept my money," sagot ni Armani.

"Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagalaw ang mga kinita ko sa movies ko. Gusto ko munang palaguin then invest it soon.”

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media

View this post on Instagram

A post shared by ?????? ?????? (@001supremo)

MAINTAINING HIS PRIVACY

Marami na ang pagbabago na nangyari sa buhay ni Armani mula nang magbida siya sa mga pelikula ng Vivamax.

Dahil unti-unti nang nakikilala ng mga tao, naapektuhan na ang pribadong pamumuhay ni Armani dahil sa mga lumalapit sa kanya para magpakuha ng litrato na kasama siya.

Saad niya, “Mainly, yung privacy lang po talaga [ang nabawasan]. May times na may mga nag-a-approach sa akin and they ask to have a photo taken with me.

"Medyo hindi pa rin po ako sanay na may mga 'stranger' na alam yung pangalan ko at sinasabi nila sa akin na fan ko raw sila, pero nakakatuwa rin naman po na malaman yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Personality wise, I feel na wala naman pong nagbago, except maybe I grew up mentally? I mean, I am more mature now.

“Mas maingat na ako na magdesisyon sa buhay lalo na sa pag-handle ng career ko. Nasabihan na po ako minsan na nagbago na ako pero I took it positively.

“Sabi nga po, di ba, ‘When your friends start to say you’ve CHANGED, remember it’s because they don’t know how to say you’ve GROWN.'”

Ano pa ang mga nakikita niyang kakulangan sa sarili bilang aktor at ano ang mga natutunan niya mula nang pumasok siya sa showbiz?

Ayon kay Armani, “Siguro lack of confidence dahil one year pa lang ako sa industry. Ang dami ko pang kailangan na matutunan kagaya ng pagsagot nang maayos sa press people.

“Sabi po ng manager ko, ang hilig ko raw gamitin ang word na sobra sa bawat interview sa akin.

“And also, mahiyain rin po ako kaya madalas na awkward ako na mag-pose at ngumiti kapag may fans na nagpapalitrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa naman sa mga natutunan ko bilang aktor ay ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at pakikisama sa mga kasamahan sa production.

“Ang pagiging open-minded sa directions at pagtanggap ng suggestions mula sa iba ay makakatulong sa akin para mapabuti pa ang craft ko.

“Natutunan ko rin po na dapat buo ang loob ko na magbigay ng 100 percent na dedikasyon at oras sa bawat proyekto na ibibigay sa akin.

“Naniniwala po ako na ito ang mahahalagang aspeto para sa pagiging propesyonal na aktor.”

View this post on Instagram

A post shared by ?????? ?????? (@001supremo)

EXPERIENCE OF BEING SCAMMED

Gaya ng ibang mga baguhang aktor, naging biktima ng panloloko si Armani.

Hindi siya nagbigay ng detalye tungkol sa naranasang panggagamit sa kanya, pero may mga nag-iisip na maaaring may kinalaman ang hindi inaasahang popularidad niya sa kasalukuyan sa social media website na X.

Lahad niya, “Naloko na ako or na-scam dahil sa kagustuhan komng akapasok sa showbiz industry.

“Umasa, sinaktan, nasaktan, nabigo. Muntik na akong bumitaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero The Lord Jesus always gives me a reason to never give up.

"Ipinaparamdam Niya ito sa akin sa pamamagitan ng mga panaginip at madalas Niya na ipinapa-impress sa akin through my surroundings at mga tao sa buhay ko.”

Tinanong din ng PEP.ph kung pangmatagalan o sinusubukan lamang ni Armani ang pag-aartista.

Tugon niya, “Kung ako po ang papipiliin, siyempre po I want to be here for the long haul, pero depende pa rin po sa path na ibibigay sa akin ni Lord.

“Before kasi, I would always ask myself na, 'Five or ten years from now, sino na si Armani o ano na ang nagawa ni Armani?'

“But bottom line is yung path na ibibigay sa akin ni Lord ang susundan ko pa rin.”

Ano ang mensahe niya sa mga sumusuporta sa kanya?

“Thank you to my family. (I don't want to call them my fans,sa totoo lang po).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Your unwavering encouragement feeds my enthusiasm and propels me onward. Thank you for believing in me and being by my side.

“Together, we will continue to create magic and make a difference. You are the heartbeat of my journey, and I am eternally grateful for your love and support.

"Let us continue to inspire one another to attain new heights. May God bless you all," pahayag ni Armani.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivamax actor Armani Hector on staying long in showbiz: “Kung ako po ang papipiliin, siyempre po I want to be here for the long haul, pero depende pa rin po sa path na ibibigay sa akin ni Lord. Before kasi, I would always ask myself na, 'Five or ten years from now, sino na si Armani o ano na ang nagawa ni Armani?' But bottom line is yung path na ibibigay sa akin ni Lord ang susundan ko pa rin.”
PHOTO/S: Vivamax / @001supremo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results