PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dani Barretto Clarifies Parents vs Kids Statement

Do you agree that helping your parents should be voluntary not obligatory?
by Bernie V. Franco
Published Apr 3, 2024
Dani Barretto
AGREE KA BA? Netizens have mixed reaction to Dani Barretto's “Ang opinyon ko po is that giving back [to parents] should be voluntary, not obligatory."
PHOTO/S: Dani Barretto on TikTok

Nagpaliwanag si Dani Barretto matapos makatanggap ng batikos dahil sa pahayag niya ukol sa mga magulang na ginagamit ang utang na loob laban sa kanilang mga anak.

Nitong weekend, ibinahagi ni Dani sa TikTok ang video clip mula sa kanyang podcast episode ukol sa “toxic Filipino culture: utang na loob sa magulang.”

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dating karelasyon nitong si Kier Legaspi.

Sa video clip, iginiit ni Dani na hindi utang na loob ng mga anak ang pag-aaruga at pagpapaaral sa kanila ng kanilang mga magulang.

Bahagi ng pahayag niya, “Hindi ka puwedeng magkaroon ng utang na loob sa isang bagay na dapat nilang gawin para sa yo.

“…kasi there are some people who use that against people, parang, ‘Pinaaral kita, pinaganito kita, ganyan-gayan… so, dapat ito yung binibigay mo sa akin.’”

Ayon pa kay Dani, bilang mga magulang, responsibilidad nilang alagaan, pag-aralin ang kanilang mga anak hanggang sa makatayo na ang mga ito sa kanilang sariling mga paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi raw dapat nila obligahin ang mga anak kapag naging independent na ang mga ito.

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos

Dani Barretto

NETIZENS REACT

Tumanggap ng mixed reaction ang naging pahayag ni Dani.

Marami ang nakaka-relate sa kanyang sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May netizens na nagkomentong nararamdaman ang pressure mula sa mga anak na dapat sila naman ang tumulong sa kanilang mga magulang.

Pero meron ding ibang netizens na hindi pabor sa pananaw ni Dani.

Sabi ng isa, bakit naman magiging “toxic” ang ganito? Ang pagtulong daw ay pagpapakita ng pasasalamat sa mga magulang.

Katuwiran pa ng isa, “hindi required magbigay pero utang na loob mo yun sa magulang mo. Di makatao nun kung babalewalain mo lang.”

comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

Sagot ng isa pa (published as is), “laki kami sa hirap. I love my parents. It is my responsibility to provide for them. I viewed it not as utang na loob but an act of love.”

Sabi ng isa pa, paano kung biglang magkasakit ang mga magulang mo, pababayaan na lang ba ito dahil “hindi mo naman responsibilidad un?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan ding sinumbatan si Dani. Nasasabi lang daw niya ito dahil iba ang estado nito sa buhay at dahil kaya ng mga magulang nito na hindi umasa sa kanya.

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Manny Villar retains "Richest Man in the Philippines" title

DANI EXPLAINS HER POINT

Kasunod ng maraming reaksiyon sa kanyang post, sinundan agad ito ni Dani ng pahayag.

Sa sumunod na five-minute video, nagpaliwanag si Dani.

“Just to clarify some things…” aniya.

Caption pa niya, “This is just my opinion, kung hindi man tayo pareho ng pananaw, nirerespeto ko po yun.”

Paglilinaw ni Dani: “I never said na huwag kayong magi-give back sa pamilya niyo, na huwag ninyong susuportahan ang pamilya niyo, or huwag kayong maging mabuting anak at i-spoil sila.

"Whatever you said in the comment section, I never said that.

“Ang opinyon ko po is that giving back should be voluntary, not obligatory. Yun lang po ang opinyon ko, hindi ko po sinabing mag-agree kayo o dapat yun yung sundan niyo.”

Nanindigan si Dani na sinabi niyang “toxic Filipino culture… na inoobliga o nire-require nila ang mga anak nila na suportahan sila, buhayin sila, and all of that…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil sinusumbat nila sa mga anak nila na pina-aral sila, pinakain sila, they put a roof over their heads.”

Giit ni Dani, obligasyon ng magulang na buhayin, pag-aralin, pakainin, at bihisan ang kanilang mga anak.

“Ang sinasabi ko lang po I think it’s unfair na yun ang ginagamit na panumbat sa mga anak pag lumaki na sila, at kumikita na sila ng sarili nilang pera…”

Kung tumulong man daw ang anak sa mga magulang ay “out of love, hindi dahil sinumbat nila sa yo lahat kaya mo sila sinusuportahan.”

Dagdag niya, “Yun lang po ang mini-mean ko. Wala po akong sinabi na huwag niyo pong suportahan, huwag niyong i-spoil, huwag niyong bigyan yung pamilya niyo…

“Yung statement lang po na yon is about those parents who still obligate or require their children to give money to them. And kung di po sila bigyan, sinusumbatan po sila ng mga responsibilidad na ginawa nila para doon sa mga anak nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AGREE KA BA? Netizens have mixed reaction to Dani Barretto's “Ang opinyon ko po is that giving back [to parents] should be voluntary, not obligatory."
PHOTO/S: Dani Barretto on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results