Ngayong Martes, April 2, 2024, ang ika-21 kaarawan ni Leon Barretto, bunso at nag-iisang lalaking anak ng estranged ex-couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Read: Marjorie Barretto is against son Leon Barretto joining showbiz: “No way!”
Wala man siyang birthday post, ni-repost ni Leon sa kanyang Instagram Story ang mga mensahe ng mga kapatid na sina Dani Barretto, Julia Barretto, at Claudia Barretto.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dating boyfriend nitong si Kier Legaspi.
Sina Julia at Claudia ay kapatid naman ni Leon sa inang si Marjorie at sa amang si Dennis.
Read: Leon Barretto spends "peaceful birthday celebration" aboard yacht with family
DENNIS'S MESSAGE TO SON LEON
Kaugnay nito, may madamdaming birthday message si Dennis para kay Leon sa Instagram.
Kalakip nito ang selfie photo ni Dennis kung saan hawak niya ang mensahe para sa anak at larawan kasama si Leon noong bata pa ito.
Gamit ni Dennis sa mensahe ang totoong pangalan ni Leon na Leon Marcux.
Mababasang mensahe ng komedyante, "Dear Leon Marcux,
"Happy b-day anak.
"God bless you more.
"Papa, April 2/24"
Caption dito ni Dennis, "Dear Leon... Happy birthday anak!! Love you... Hope to see you soon [praying hands, cake, heart emojis]"
View this post on Instagram
Tumugon dito si Leon.
Sabi niya sa ama, "Thank you Papa [smiling, praying hands emojis]"

Ikinatuwa ng ilang netizens ang pag-acknowledge ni Leon sa ama.
Ayon sa isang netizen, "thanks God at ok na po kau sa papa nyo.. hopefully to see u reunite with ur papa together with ur sibs juju and clau"

Mukhang nagkaayos na rin sina Dennis at Leon matapos malaman ng publiko na ayos na rin ang relasyon ng ate Julia niya sa kanilang ama.
Read: Dennis Padilla "naluha" sa birthday message ni Julia Barretto
Read: Dennis Padilla, nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto
Matatandaang pinukaw ni Leon ang atensiyon ng amang si Dennis noong may parinigan pa sa social media sina Julia at Dennis.
MARJORIE'S HEARTWARMING MESSAGE TO LEON
Samantala, emusyonal ang ina ni Leon na si Marjorie sa kanyang mensahe para sa nag-iisang anak na lalaki.
Sabi niya sa una nitong post sa Instagram, "Happy 21st birthday to my only son Leon!! I can’t imagine a life without you, Kuya.
"You are everyone’s go to person. Our gentle giant, the best son, brother and friend! Thank you for all the hard work you put into school, Kuya. I appreciate how you make everything easier for me. I love you so much.
"My greatest wish and prayer for you, a bright future, good health and that you will be surrounded with all the right people around you. Cheers to 21!"
View this post on Instagram
Sagot ni Leon, "LOVE U MOM"

Isa pang mensahe ni Marjorie sa anak, "You and me always. The best son one could ever have! Happy Birthday, Leon! I’m so blessed to be your Mom"
View this post on Instagram
Ni-repost naman ito ni Leon sa kanyang Instagram Story.

