PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon reacts to suggestion pushing TVJ as National Artists

Joey De Leon: “Sabi ko WAG NA.”
by KC Cordero
Published Mar 29, 2024
TVJ versus TAPE Inc. legal battle
Matagal na sa entertainment industry ang trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at may nag-suggest na dapat na silang kilalanin bilang National Artists. (Photo courtesy of Joey De Leon’s Instagram)
PHOTO/S: TVJ Facebook

"WAG NA," ang bahagi ng sagot ni Joey de Leon sa suhestiyong isulong ang pagiging National Artists ng TVJ, ang moniker ng kanyang trio with Tito Sotto and Vic Sotto.

Sa Instagram post ng host/comedian nitong March 25, 2024, published as is: “May nag-suggest gawin na raw kaming National Artists pati Eat Bulaga. Sabi ko WAG NA.”

Pero may suggestion din siya.

“Gawin nyo na lang kaming FUNCTION ALL ARTISTS! Eh kasi we’ve covered nearly everything—radio, TV, newspaper, recording, movies, arts, politics, etc.”

Read: Tito, Vic, & Joey emotional as Eat Bulaga! celebrates 42nd anniversary

Screenshot of Joey De Leon's IG post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Eat Bulaga! Dabarkads relate how the show keeps up with times

Apat na dekada nang hosts ng Eat Bulaga! ang TVJ.

Nakatawid na rin ang tatlo, maging ang programa, sa iba’t ibang TV stations.

Unang napanood ang EB sa RPN 9 mula 1979 hanggang 1989.

Lumipat ito sa ABS-CBN noong 1989 at tumagal hanggang 1995.

Nanatili ito sa bakuran ng GMA-7 mula 1995 hanggang March 2024.

Naghiwalay na rin ang landas ng TVJ at TAPE Inc., ang producer ng show, noon lamang 2023.

Sa kasalukuyan ay nasa TV5 ang TVJ at Eat Bulaga!

Bukod sa pagiging noontime show hosts, naging matagumpay ang tatlo sa kanya-kanya nilang ventures.

Si Tito, na naging pulitiko, ay nanilbihang senate president mula 2018 hanggang 2022.

Sina Vic at Joey ay parehong gumawa ng pangalan as comedians and musicians.

Sa kanilang tatlo, ang naging successful producer ay si Vic.

Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang IG post ni Joey ay nakakuha ng halos 7,000 reactions.

May mga nagkomento na deserve ng TVJ na maging National Artists o NA.

Mayroon ding mga kumontra.

Sa bandang hulihan ng kanyang post ay inimbitahan ni Joey ang netizens na panoorin ang kanilang Lenten Special sa Eat Bulaga!

Aniya, “Pero seriously, starting today watch our Lenten offerings in EB. Thanks!”

Taun-taon ay naglalabas ang EB tuwing Holy Week ng drama anthology tampok ang mga hosts ng noontime show at mga bisitang artista.

Watch: TUNAY NA MEANING ng E.A.T. ayon sa TVJ at Legit Dabarkads!

ANG NATIONAL ARTIST AWARD AT MGA BENEPISYONG KAAKIBAT NITO

Ang "National Artist" ay isang honorary title na ipinagkakaloob ng gobyerno ng Pilipinas bilang pinakamataas na pagkilala sa mga nasa larangan ng sining dahil sa malaking ambag nila sa cultural heritage ng bansa.

Ang recipient ng “Order of National Artist” ay binibigyan ng grand collar na nagsisimbolo ng kanyang status.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition

The national artist logo

Read: Fernando Poe Jr., Lino Brocka, Ishmael Bernal and other National Artist Awardees from entertainment industry

Matapos mahirang bilang N A, ang recipient ay tatanggap ng cash award na nagkakahalaga ng PHP200,000 kung buhay pa sa panahong ipinagkaloob sa kanya ang award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pumanaw na, tatanggap ang kanyang pamilya ng PHP150,000.

Mayroon din siyang monthly life pension na PHP50,000.

Ang gobyerno rin ang sasagot sa kanyang medical and hospitalization bills sakaling kailangan niyang magpagamot o magpaopera.

Mayroon din siyang life insurance coverage.

Sa kanyang pagpanaw, bibigyan siya ng state funeral, at ihihimlay ang kanyang mga labi sa Libingan ng Mga Bayani.

Kapag imbitado siya sa mga state functions at cultural events, may nakalaan na puwesto na sadyang para sa kanya.

Read: Aktor, Nick Deocampo nagbunyi sa pagluklok kina Nora, Ricky, Marilou bilang National Artists

SINU-SINO ANG QUALIFIED MAGING NATIONAL ARTIST?

Kailangan na ang isang mapipiling National Artist ay Filipino citizen.

Dapat, ang kanyang mga naging obra at ambag sa sining ay nakatulong sa buong bansa—sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kulturang Pilipino at sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

Ang kanyang kakaibang estilo at mga obra ay malaki ang magiging impluwensiya sa mga susunod na henerasyon ng artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita ang pagkahusay at pagkadalubhasa ng kanyang art form, na nagpapakinang din sa kanyang artistic expression o style.

Prestihiyoso ang kanyang mga obra at nakatanggap na ng pagkilala sa loob at labas ng Pilipinas.

Kabilang sa mga pipili ng tatanghaling National Artist ang Cultural Center of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at ang Pangulo ng Pilipinas.

Read: TVJ LEGIT nang magagamit ang "EAT BULAGA!" ayon sa IPO

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matagal na sa entertainment industry ang trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at may nag-suggest na dapat na silang kilalanin bilang National Artists. (Photo courtesy of Joey De Leon’s Instagram)
PHOTO/S: TVJ Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results