Mukhang wala nang sama ng loob si Paolo Contis sa sinapit ng dating kinabibilangang noontime show, ang Tahanang Pinakamasaya.
Nagpaalam sa ere ang TAPE, Inc. noontime show noong March 7, 2024.
Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air
Kasunod nito ang makasaysayang kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA-7 para sa pagsasahimpapawid ng It's Showtime sa GMA-7, kapalit ng timeslot na binakante ng Tahanang Pinakamasaya.
Nagdaos ng isang engrandeng welcome at contract signing sa balwarte mismo ng GMA Network noong March 20, 2024.
Read: It's Showtime hosts, mainit na sinalubong sa GMA Network
Sa pagtitipon ng Sparkle GMA Artists Center para sa February at March celebrants, isa si Paolo sa nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kapwa Kapuso stars.
Dito ay nausisa siya tungkol sa pagpalit sa timeslot ng now-defunct Tahanang Pinakamasaya ng It's Showtime.
Read: It's Showtime, kumpirmadong papalit sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7
Ayon sa aktor, willing siyang maging panauhin sa Kapamilya noontime show.
Sabi niya sa ulat ng 24 Oras kahapon, March 25, 2024, “Oo. Work is work and I'm very happy na meron silang lugar.”
Gusto rin daw niyang makipag-collaborate sa mga co-host ng It's Showtime na itinuturing niyang mga kaibigan.
Dagdag niya, "Lahat, alam mo kaibigan ko naman sila, kaibigan ko karamihan sa kanila. Si Ogie [Alcasid], si Vice [Ganda]. I'm very close to Vhong [Navarro], so lahat naman yan very open tayo.”
Nauna na ring itinanggi ni Paolo na may sama siya ng loob sa GMA.
Sa isang pagtitipon kung saan hiningan siya ng birthday wish, ang madamdaming sagot ni Paolo, "Wala po akong wish.
"Nais ko lang pong magpasalamat sa suporta ng GMA-7 sa akin.
"Again, I wanna thank GMA for always supporting me, for always supporting the show."
Ang show na tinutukoy ni Paolo ay ang Bubble Gang.
Dagdag pa niya, "May kumalat po na may tampo ako sa GMA. Hindi po yun totoo. Pero pagbigyan na po natin yung mga nagkakalat nun.
"Content po nila yun, para po sa kanila yun.”
Giit ng aktor: "Pero, it’s not true. I love GMA, and I’m very thankful to GMA.
"They’ve been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So, walang dahilan para magtampo ako sa GMA."
Read: Paolo Contis no ill feelings toward GMA-7
Hindi na pinalawig pa ng network ang kontrata nito sa TAPE, Inc. na hanggang Disyembre 2024 pa sana ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya sa Kapuso Network.
Ayon sa mga ulat, malaki na ang pagkakautang ng mga producer ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
