PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo refutes body shaming quote, sees valid point

Miles: "...hindi ko po ito sinabi and hindi po ako nag post nito."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 25, 2024
Miles Ocampo denies quotes on body shaming but agreed anyway
TV host-actress Miles Ocampo becomes a victim of a fake quote card, but agrees to what it says.
PHOTO/S: Miles Ocampo Instagram

Pinabulaanan ng actress-TV host na si Miles Ocampo ang lumabas na ulat na niresbakan niya ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang timbang at pangangatawan.

Nitong Linggo, March 24, 2024, kumalat sa social media ang isang screenshot ng komento ng isang netizen kay Miles, maging ang pagbuwelta umano ng aktres dito.

Read: Miles Ocampo hints at possible reconciliation with ex-boyfriend Elijah Canlas

Mababasang komento ng netizen (published as is), "HALA, BAKIT ANG TABA MUNA?!!"

Maanghang naman ang naging tugon dito ni "Miles" na diretsong sinagot ang basher.

"Kaya ako tumaba kasi 'pag bored ako, kumakain ako imbes na makialam sa buhay ng iba," sagot umano ng Eat Bulaga! co-host.

Mabilis itong nag-trending, kunsaan marami sa netizens ang kumampi at humanga kay Miles sa pagiging palaban nito sa tila pangungutya ng basher.

Read: Miles Ocampo slams body-shamer on social media

Nakarating ito kay Miles, pero nilinaw niyang peke ang nasabing quote card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw siyang ganoong sinabi at hindi siya sumagot sa sinumang basher.

Mahihinuhang hindi rin napikon si Miles sa gumawa ng pekeng quote card dahil wala naman din daw masama sa naging pagresbak nito sa mga nanlalait sa kanyang katawan.

Ani Miles (published as is), "LUH. FYI lang...hindi ko po ito sinabi and hindi po ako nag post nito.

"Pero may point din naman [laughing emoji]."

MILES' HEALTH ISSUES

Sumailalim si Miles sa thyroidectomy surgery matapos niyang ma-diagnose na merong papillary thyroid carcinoma.

Ibinahagi niya ito nang minsang mag-guest siya sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay noong April 13, 2023.

Ang papillary thyroid carcinoma ay isang common type of cancer na tumutubo sa thyroid gland.

Mataas ang survival rate sa sakit na ito ngunit depende pa rin kung ito'y maagang makita at malapatan ng atensiyong medikal.

Factor din ang edad at sinasabing mas malaki ang tsansang malagpasan ang sakit ng mga taong may edad na hindi bababa sa 60.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ni Miles ay kinailangan niyang dumaan sa surgery para tanggalin sa kanyang katawan ang cancer cells.

Nag-radiation therapy din siya matapos ang operasyon para patayin ang iba pang cancer cells na "medyo kumalat."

Read: Miles Ocampo on life-threatening thyroid problem: "Meron pa akong last procedure na gagawin."

Hanggang noong January 2024, masayang inanunsiyo ni Miles na siya ay ganap nang cancer-free.

Sinabi ito ni Miles sa panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube channel nito.

“Yes, Ms. Karen, I am cancer-free," pahayag ni Miles.

"But, yun na nga, maintenance for life. Yung meds ko, habambuhay na siya and dun na ako naka-base.

"Kumbaga yung weight ko rin, dun na siya magbe-base kung tataba or papayat kasi every two months, kailangan ko magpa-blood test para i-check kung ia-adjust ba yung dosage."

Read: Miles Ocampo, Elijah Canlas spotted cozy at an event: Are they back together?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host-actress Miles Ocampo becomes a victim of a fake quote card, but agrees to what it says.
PHOTO/S: Miles Ocampo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results