PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo slams body-shamer on social media

Miles delivered a savage reply.
by Bong Godinez
Published Mar 24, 2024
Miles Ocampo
Actress-host Miles Ocampo hits back at a netizen who took a swipe at her current figure. Miles announced in January this year that she's cancer-free after her battle with papillary thyroid carcinoma.
PHOTO/S: Miles Ocampo (Instagram)

Hindi pinalampas ng actress-host na si Miles Ocampo ang komento ng isang netizen sa Instagram.

Sa isang post ni Miles ay may isang nag-comment tungkol sa kanyang timbang.

Tanong nito sa aktres (published as is), "HALA, BAKIT ANG TABA MUNA?!!"

Maanghang naman ang naging tugon dito ni Miles na diretsong sinagot ang basher.

"Kaya ako tumaba kasi 'pag bored ako, kumakain ako imbes na makialam sa buhay ng iba," sagot ni Miles.

Marami naman ang kumampi at humanga kay Miles sa pagiging palaban nito sa tila'y pangungutya ng netizen.

Read: Miles Ocampo hints at possible reconciliation with ex-boyfriend Elijah Canlas

HEALTH ISSUES

Matatandaang sumailalim sa thyroidectomy surgery si Miles matapos itong ma-diagnose na merong papillary thyroid carcinoma.

Ang papillary thyroid carcinoma ay isang common type of cancer na tumutubo sa thyroid gland.

Mataas ang survival rate sa sakit na ito ngunit depende pa rin kung ito'y maagang makita at malapatan ng atensyong medikal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Factor din ang edad at sinasabing mas malaki ang tsansang malagpasan ang sakit ng mga taong may edad na hindi bababa sa 60.

Sa kaso ni Miles ay kinailangan niyang dumaan sa surgery para tanggalin sa kanyang katawan ang cancer cells.

Nag-radiation therapy din siya matapos ang operasyon para patayin ang iba pang cancer cells na "medyo kumalat."

Read: Miles Ocampo on life-threatening thyroid problem: "Meron pa akong last procedure na gagawin."

"I’m good. I’m slowly but surely yung progress pagdating sa health ko. Though for life na nga ako may maintenance. Ang agang magka-maintenance but at least naagapan and pina-priority ko yung sarili ko right now. Lalo na with my health,” kuwento ni Miles nung dumalo ito sa ABS-CBN Ball 2023 nung October 2023.

Read: Behind the scenes, solo flights, and couple moments at ABS-CBN Ball 2023

January naman ng taong ito ng masayang inanunsyo ni Miles na siya ay hanap ng cancer-free.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ito ni Miles sa panayam sa kanya ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube channel nito.

“Yes, Ms. Karen, I am cancer-free," pahayag ni Miles.

"But, ‘yun na nga, maintenance for life. ‘Yung meds ko, habambuhay na siya and dun na ako naka-base.

"Kumbaga ‘yung weight ko rin, dun na siya magbe-base kung tataba or papayat kasi every two months, kailangan ko magpa-blood test para i-check kung ia-adjust ba ‘yung dosage."

Sa kasalukuyan ay napapanood si Miles bilang co-host sa popular noontime show na Eat Bulaga!,

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-host Miles Ocampo hits back at a netizen who took a swipe at her current figure. Miles announced in January this year that she's cancer-free after her battle with papillary thyroid carcinoma.
PHOTO/S: Miles Ocampo (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results