Tiniyak ni Vice Ganda na "engrande," "double celebration," at "Philippine TV history" ang mangyayari sa April 6, 2024.
Ang araw na iyon ang debut airing ng It's Showtime sa GMA-7.
Read: It's Showtime hosts, mainit na sinalubong sa GMA Network
Bukod sa pinaghahandaan nilang airing sa Kapuso network, nakaplano na rin ang birthday celebration ni Vice sa noontime show.
Magdidiwang ng kanyang ika-48 kaarawan ang Unkabogable star sa darating na March 31, 2024.
Pero sa April 6 nila ito iniskedyul dahil sa Semana Santa.
Kuwento ni Vice sa exclusive interview ng ABS-CBN News kahapon, March 21, matagal nang nakaplano ang kanyang birthday celebration sa It's Showtime.
Nadagdag na lang daw ang GMA-7 debut nila na wala pa sa picture noon.
Kuwento niya, “It’s gonna be a double celebration.
"Kasi yung April 6 naka-schedule for my birthday episode bago pa nagkaroon tong turn of events na pumirma sa GMA nabuo na namin yung birthday episode.
"So, tamang-tama, madadagdagan doon sa unang birthday episode.
"Hopefully, madami kaming makuha na mga stars ng GMA sa araw na yun para maramdaman talaga natin yung sanib-pwersa and collaboration just like what we did sa GTV."
Noong July 1, 2023, nagsalpukan ang tatlong noontime shows sa tatlong istasyon: ang E.A.T sa TV5, ang Eat Bulaga! sa GMA-7, at ang It’s Showtime sa GTV, ang free-to-air station din ng Kapuso network.
Read: TVJ's new show on TV5 is called "E.A.T."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
Sa unang sultada ng Kapamilya noontime show It’s Showtime sa bago nitong tahanan na GTV, nag-chopper ride si Vice mula sa rooftop ng ELJ Building sa Mother Ignacia St., patungong GMA-7 rooftop sa may EDSA corner Timog Avenue, Quezon City.

Read: Did Joey de Leon take a swipe at Vice Ganda’s "helicopter" ride on 'It's Showtime'?
Makikita ring nag-elevator pababa si Vice mula sa tuktok ng building hanggang sa entrance ng GMA Network kung saan siya nag-perform kasama ang maraming dancers.

Bongga at engrande ang naging opening number ng It’s Showtime katulad na rin ng ipinangako ni Vice dahil sa paglipat nila ng bagong tahanan mula sa TV5.
Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Wala na raw wish si Vice sa kanyang paparating na birthday dahil pinakabongga na raw na nangyari sa pinakamamahal niyang pamilya—ang It's Showtime—na may bago itong tahanan.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Ayon sa TV host-comedian, “Pero feeling ko, ito yung pinakamalaki na natanggap ko— itong oportunidad na makasampa sa GMA, makapag-reach ng mas malaking audience, malaking blessing to sa It’s Showtime and napakahalaga sa akin ng pamilyang to. Ito na pinakamalalang gift."
Read: Darren Espanto hard-launched as newest It’s Showtime regular co-host
