Bukas ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa posibilidad na muling makatrabaho ang ex-boyfried niyang si Xian Lim.
Wala rin daw kaso sa kanya kung magkasalubong at magkita sila dahil hindi naman sila magkaaway.
Ito ang sinabi ni Kim nang makapanayam siya ni Cata Tibayan sa Saksi ng GMA-7 nitong Huwebes, March 21, 2024, matapos maganap ang historical contract signing ng ABS-CBN at GMA-7 para sa pag-ere ng Kapamilya noontime show sa Kapuso network.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Nakangiting sagot ni Kim nang matanong kung willing ba siyang makatrabaho ulit si Xian, "Okay lang naman. Mag-guest siya sa It's Showtime or mag-prod siya.
"Hindi naman kami magkaaway."
Noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Xian ay marami silang pinagsamahang pelikula at teleserye ni Kim, na dahilan para mas mahalin ang tambalan nilang KimXi.
Kabilang na rito ang mga teleseryeng My Binondo Girl (2011-2012), Ina, Kapatid, Anak (2012-2013), at Love Thy Woman (2019), at mga pelikulang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (2013), Bride for Rent (2014), Past Tense (2014), at Always (2022).
Read: Looking back: KimXi in hit movies and series
December 2023, kinumpirma nina Kim at Xian sa publiko ang kanilang paghihiwalay matapos ang labindalawang taong relasyon.
Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline
Hindi idinetalye ng dalawa kung ano ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay, pero sinabi ni Kim na “sometimes love is not enough.”
Pinag-isipan at mutual decision din daw ang paghihiwalay nila ni Xian.
unconditional love
Bukas si Kim na pag-usapan ang malungkot na kinahantungan ng pagmamahalan nila noon ni Xian.
Sa panayam niya sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo noong March 16, sinabi niyang masaya siya ngayon kahit single siya.
“It’s a little empty pero okay naman. It’s ano naman… part of life and part of growing up,” aniya nang usisain ni Dra. Belo ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.
Read: Kim Chiu on failed relationships: "Wala akong pinagsisihan."
Naungkat din ni Dra. Belo ang ugali ni Kim na sobrang maasikaso at mapagmalasakit sa mga taong minamahal — pamilya man o karelasyon.
Pakiramdam daw ba ni Kim ay kamahal-mahal siya?
Sagot ng Kapamilya star, “Of course. Kaya ang haba ng pasensiya ko and I give my 100 percent para in the end, wala akong pagsisisi. Wala akong regrets, just lessons learned.”
Read: Kim Chiu gets candid about finding "the one" after breakup with Xian Lim
Tinanong si Kim kung hindi ba niya natatanong sa sarili kung bakit hindi nasusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iba.
“Baka one day. Not today, not tomorrow, not yesterday,” may halong birong sagot ni Kim.
“I don’t know when. Growing up, nasanay talaga ako na I always give love.”
Ipinaliwanag ni Kim na hangad niyang darating ang panahong may lalaking lubos na magmamahal sa kanya.
“Yun lang ang gusto ko. I want to give love para someday someone will give me his unconditional love,” ani Kim.
Sa usaping puso pa rin, sinundot ng tanong si Kim kung nakaramdam na siya ng "unconditional love from anyone.”
“Not yet,” mabilis niyang tugon.
Read: Kim Chiu hopes "someone will give me his unconditional love"
XIAN'S RUMORED GIRLFRIEND
Sa interview kay Dra. Belo, hindi rin nakaligtas si Kim sa pag-uusisa sa napapabalitang bagong kasintahan ni Xian—ang film producer na si Iris Lee.
Read: Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor
Ani Kim, wala siyang alam sa nangyayari ngayon kay Xian at hindi rin niya alam kung totoong may karelasyon na ito matapos nilang maghiwalay.
Sabi ni Kim, “Di ko alam… Wala akong idea.”
Read: Kim Chiu says no to second chances: "Bakit mo ako iniwan, di ba?"
