Watch: Highlights of Night of 100 Stars for Mr. M Johnny Manahan
by Rommel R. Llanes In-upload na at na-publish ng Nice Print Photography ang highlights ng tribute party na inihandog para sa kilalang star maker at director na si Johnny Manahan o mas kilala sa showbiz circle as Mr. M.
Birthday party na rin ito sa itinuturing na "ama" ng halos lahat ng mga Kapamilya stars na umalagwa nang husto ang mga career, kaya't hindi bumaha ng pagkain, inumin, at magagandang performances mula sa mga bisita at mga kaibigan ni Mr. M.
Puro magagandang pagpaparangal o tribute para kay Mr. M naman ang inihandog ng kanyang mga "anak" at mga kaibigang nagmamahal sa kanya at malaki ang utang na loob sa kanya.
Panoorin ang kanilang pagpapahayag ng pagmamahal para sa isa sa itinuturing na haligi ng local showbiz!





