Likas talagang mapagmatyag ang ilang netizens sa bawat kilos ng mga celebrity.
Hindi rito nakalusot ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati dahil ultimo ang pagmamagandang loob nito sa kanilang mga kasambahay ay minasama pa ng ilang netizens.
Read: Sarah Lahbati gives sneak peek of new home: "switching up the mood for 2024"
Noong March 9, 2024, araw ng Sabado, nag-upload si Esther ng reel ng aniya'y "Lunch Saturday Chill."
Makikita at maririnig sa kanyang video na nagsasandok siya ng ginisang bunga ng malunggay, tinolang manok, at sinangag na Basmati rice para sa kanilang driver na mahal na mahal daw ng kanilang pamilya.
Caption niya, "#Our lunch for today tinolang manok with papaya,lemon grass,luya,onion and garlic plus sautéd bunga ng malunggay at dahon ng malunggay healhty living
"galing ang gulay sa bakuran ni aling Esther."
View this post on Instagram
NETIZENS REACT
Sa comments section, may ilang netizens ang pumuna sa mga pinaglagyan ng pagkain: lalagyan ng cup noodles at microwavable plastic container.
Batikos ng isa, "Tingnan mo naman ungmplato nila mga Morrocan plates.Sana nman sana may sarili sila mga mangkok.di ung sa pinaglagyan ng noodles .Panapon na un...Kala mo lang ok pero masakit un sa tulad ing mahihirap.na ilagay mo ung ulam sa ganung lalagyan"
Buwelta ni Esther dito, "meron po madam sariling Plato ang mga employees namin bakit ba ano ba problema nyo? mind your own."

Ilang netizens din ang nagtanggol sa ina ni Sarah.
Sabi ng isa, "grabe mga tao pati nilagyan ng pagkain isyu ang dapat mag reklamo nyan yung driver mismo hindi kayo"
Komento rito ni Esther, "Tama po. Salamat po."

Sabi pa ng isang netizen, "same po kayo ni mama recycle muna natin lahat; importante masaya sa bahay. God bless po"
Tugon ni Esther, "mismo!"

Pansin ng isa, "Jusmi isyu bayon...para kahit dna ibalik para kong gusto tapon tapon na..Wala NG hugas hugas"
Pagsang-ayon ni Esther, "Thank you po for your kind understanding."

Komento pa ng isa, "Daming issue sa lagayan ah OK naman yan ganyan din mama ko kahit lagayan NG ice cream hinahanap kapag nawala mga tao ngayon masyadong perfect hayyss"
Sagot lang ni Esther ay flower emoji.

Mahabang komento ng isa pang netizen, "Lala ko ba lumaki tayo na gamit plastic maski pag tago ng ulam sa freezer mapa mayaman man o mahiral nilalagay sa ice cream container.
"Bakit ngayon, matapubre agad kasi nag serve ka ng food gamit plastic. Naku ha nag level up na talaga pinoy pero d man lang marunong lumingon sa nakaraan.
"Nagkakamay pa nga kayo kapag kumakain kayo diba? O wag mag lie. Nasa US na ako pero nag seserve pa rin ako misnan gamit plastic containers kahit sa Amerikano na asawa ko.
"Oo GETS KO NA PLASTIC is not safe for health purposes pero wag naman niyo husgahan ang isang tao na matapobre dahil lang plastic pinagamit sa driver.
"Tignan niyo naman pagkain sa container, masarap at marami servings d katulad ng ibang amo, itlog lang pinapakain sa kasambahay at tira tira"

Pasasalamat ni Esther, "Thank you po mam simoleng tao lang kami hindi kami mayaman pero nakakaraos naman."

Narito pa ang ilang dumepensa kay Esther:




Ayon naman sa isa pa, kakalipat lamang ng bahay ni Sarah kaya hindi pa naaayos ang lahat ng gamit.
Sinang-ayunan ito ni Esther.

Sa huli, nagpasalamat si Esther sa lahat ng mga papuri pati na rin sa kanyang bashers.
Sabi ni Esther, "Thank you so much po sa mga naka appreciate sa video ko at salamat den pi sa mga bashers ko."

Read: Cristy Fermin reveals Sarah Lahbati's mother sued her, co-hosts for cyberlibel
