PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz Confirms Love for Julie Anne Amid Livestream Backlash

Rayver issues apology letter, following a live stream incident.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 18, 2024
Rayver Cruz affirms love for Julie Anne San Jose
Rayver Cruz affirms deep affection for girlfriend Julie Anne San Jose: "Si @MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay..."
PHOTO/S: Rayver Cruz Twitter

Muling pinanindigan ni Rayver Cruz ang tapat niyang pagmamahal sa nobyang si Julie Anne San Jose sa kabila ng intriga sa kanilang pag-iibigan.

Nitong Linggo, March 17, 2024, nang mag-post sa X (dating Twitter) si Rayver ng litrato nila ni Julie Anne matapos niyang batikusin online.

Kalakip nito ang sweet caption niyang, "Si @MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay hehe [heart emoji] let’s go team sun!!"

Mabilis naman siyang nireplayan ni Julie Anne ng: "Forever [kiss and heart emoji] ily [I love you]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong March 16, nakatanggap ng kaliwa't kanang batikos si Rayver sa social media matapos punahin ng netizens ang "hyper behavior" niya sa isinagawa nilang livestream ni Julie Anne.

Dito, inakusahang ng ilang netizen si Rayver na "naka-drugs" at "nakainom" dahil sa pagiging makulit at hyper nito habang sila'y naka-live.

Read: Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."

Pinabulaanan naman agad ni Rayver ang malisyosong akusasyong ito.

Sa isang mahabang post niya sa X, ipinaliwanag ni Rayver ang kakaibang kilos niya sa livestream kung saan marami sa kanilang fans ang na-offend.

Binigyan diin din ng TV host-actor na hinding-hindi niya kayang saktan si Julie Anne gaya ng ilang ibinibintang sa kanya.

Read: Rayver Cruz declares love for Julie Anne San Jose: “Ikaw na talaga yung nakikita kong makakasama ko habang buhay.”

Aniya sa post (published as is), "Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Playful and happy talaga ako. Lalo na when I'm with my love. She knows that, she knows me.

"I don't usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right.

"Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don [folded hands emoji]

"I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya.

"Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun.

"At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight! [heart emojis]."

Read: Rayver Cruz clarifies actions in live stream with Julie Anne San Jose amid backlash

JULIE ANNE DEFENDS RAYVER

Maging si Julie Anne ay hindi rin pinalampas ang aniya'y "below the belt" na akusasyong ibinibintang sa kanyang nobyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang tweet ang nireplayan niya para depensahan ni Rayver.

Aniya, "Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop [folded hands emoji]"

Read: Haters ni Rayver Cruz, tila nahimasmasan sa ginawa ni Julie Anne San Jose

Nagpaliwag din si Julie Anne nang makapanayam siya ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Paglilinaw niya, mababa talaga ang energy niya dahil sa stress noong nag-live sila ni Rayver.

Naiintindihan din daw niya ang pagiging makulit at hyper noon ni Rayver para hindi siya mahalata ng kanilang manonood.

Depensa ni Julie Anne, "Ang dami kong iniisip tapos hindi pa maganda yung pakiramdam ko nun, stress talaga ako.

"Pero kasi kung ano si Ray as a person, siya po talaga yon.

"Para malinaw lang din sa lahat na wala pong ganon [sa ibinibintang sa kanya]."

Read: Rayver Cruz “araw-araw kinikilig” because of girlfriend Julie Anne San Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz affirms deep affection for girlfriend Julie Anne San Jose: "Si @MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay..."
PHOTO/S: Rayver Cruz Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results