Pumalag ang toy collector at vlogger na si Yexel Sebastian dahil sa ulat ng 24 Oras ng GMA-7 noong Biyernes, March 15, 2024, tungkol sa reklamong inihain sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) at 30 indibiduwal sa Department of Justice (DOJ).
Read: Yexel Sebastian: Toy collector in center of controversy
Ayon sa ulat, dahil sa dami ng complainants, hinati sa tatlong batches ang paghahain ng reklamo lban kay Yexel.
Kung susumahin daw lahat, aabot sa PHP50 billion ang natangay ni Yexel mula sa mga biktima.
Read: Yexel Sebastian, partner Mikee Agustin fly to Japan amid PHP200M investment scam allegation
Matapos lumabas ang ulat, kaagad nag-post sa kanyang Facebook account si Yexel at naglabas ng sama ng loob laban sa 24 Oras.
Hindi raw kasi kinuha ng news program ang kanyang panig ukol sa isyu.
Mensahe niya, "GMA 24 Oras
"Sabi nyo po sinubukan nyo kunin ang panig ni Yexel,
"Wala po ako natatanggap na kahit anong tawag mula sa inyo o mensahe.
"Ako po ang meron mensahe nun Oct 2 2023 sa isang Programa po ninyo na humihingi ako ng tulong.
"Paki ask po sa team nyo jan
"(GMA NEW and Public Affairs)
"meron po ako screenshot nyan and msgs na hindi nyo na sini seen after ko maikwento ang problema"
Pinalagan din ni Yexel ang ulat tungkol sa PHP50 billion daw na natangay niya mula sa mga biktima.
Iginiit niyang hindi sila manloloko ng partner niya si Mikee Agustin.
Himutok niya, "Tapos yun caption na ngayon 50 Billion?
"Mukha po ba kami makakakuha ng
"50 Billion ni Mikee?
"30 katao nagreklamo sa DOJ
"50 Billion
"anong news na ito
"haaay"
Mensahe pa niya, bukas siya sa anumang panayam upang maibigay ang panig nila tungkol sa kinasasangkutang isyu.
Sabi pa niya, "GMA open ako sa interview msg nyo ko.
"Uulitin ko po wala kami niloko kahit isang tao,
"kami po ay nalagay lang sa alanganin
"hindi po namin kagustuhan ang nangyari sa amin lahat
"Paki check din po msg ko sa KMJS page
"hindi napo napapansin"
May mensahe rin siya para sa investors ng kanyang casino junket investment.
Read: Former EB Babes member Ann Boleche, inaming nag-invest sa casino junket ni Yexel Sebastian
Aniya, "Sa lahat po ng Investors nasa inyo padin ang simpatya ko. Wala lang po ako ngayon kakayahan para makatulong sa inyo dahil kahit po kami ay gumagawa ng paraan hanggan sa kasalukuyan sa ibang bansa.
"Kaso sadyang naipit lang po tayo
"God bless"
Ayon sa ulat noong October 2023, lumipad papuntang Japan sina Yexel at Mikee matapos umingay ang diumano'y investment scam.
Read: Yexel Sebastian, umalma sa "fake news" na wanted na sila ni Mikee Agustin sa Pilipinas
Hindi naman malinaw ngayon kung nasa Japan pa rin sila o nakabalik na sa Pilipinas.
UPDATE: Sa update report ng 24 Oras kahapon, March 18, nakuhanan na ng pahayag ng kanilang team si Yexel. Pero sabi lamang nito, babalikan niya ang newsteam kung handa na siyang magsalita.
