PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yen Santos' 40th Bday Shout for Paolo Contis, Best Friend

Yen Santos: "Screaming happy 40th birthday to my best friend!"
by Arniel C. Serato
Published Mar 14, 2024
Yen Santos pens short but sweet birthday message for Paolo Contis
Yen Santos greets boyfriend Paolo Contis on his 40th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ngayong araw, March 14, 2024, ang ika-40 kaarawan ng actor-TV host na si Paolo Contis.

Kaugnay nito, nagbahagi ng kanyang birthday message ang kasalukuyang girlfriend ni Paolo na si Yen Santos.

Sa Instagram ngayong araw, nag-post si Yen ng ilang larawan at short video ni Paolo.

Una ay screenshot ng isang lumang show ni Paolo noong bata pa ito na ang eksena ay naglalaba.

Ang pangalawa ay video ng birthday celebration ng aktor kung saan nag-blow ng kandila si Paolo.

Ang pangatlo ay larawan nina Yen at Paolo.

Mensahe ni Yen sa caption: "screaming happy 40th birthday to my best friend! [woman and mam holding hands emoji]

"thank you for everything you do. [heart emoji]"

Naka-off ang comments section ni Yen kaya walang makapag-comment sa post niya.

View this post on Instagram

A post shared by YS (@ysantos)

THE REAL SCORE

January 2023, binasag ni Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ang pag-amin niyang sila na nga ng aktres.

Aniya, "Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

"Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

Nauna rito ay mariing itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis

"Hindi. Hindi," diin ni Paolo.

Sinubukang ipaliwanag ni Paolo kung ano ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni LJ.

Lahad niya, "Somehow medyo matagal na kaming hindi kami okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think it's a combination na ng stress sa pandemic and eveything, 'no.

"One of my biggest mistakes was hindi ko inalala yung mental health ni LJ. Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon.

"Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, 'eeeh...' alam mo yun? 'Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.' Alam mo yung ganun?

"Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanyang yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems.

"So, I won't divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

"Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work... may kalaokohan din akong ginagawa."

Hindi idinetalye ni Paolo kung ano ang mga "kalokokahan" na ginawa niya.

Pero itinanggi niyang nagkakamabutihan na sila ni Yen noong panahong iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin ng Kapuso actor ang "as a friend" na sagot niya noon tungkol sa mga kumalat na larawan nila ni Yen na kuha sa Baguio.

Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio

Ayon kay Paolo, "Well, yung 'as a friend,' nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.

"Nagmukhang baligtad because your [Boy's] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

"Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos greets boyfriend Paolo Contis on his 40th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results