“Nagkabalikan na ba sina Bea Alonzo at Dominic Roque?”
Ito ang tanong ng ilang netizens matapos nilang mapansin ang suot na singsing ni Bea sa latest post niya sa Instagram.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
Noong March 9, 2024, nag-post si Bea sa Instagram ng isang video slide show ng mga larawan niya habang ineendorso ang isang skincare brand.
Dito, kapansin-pansin ang singsing na suot niya sa kanyang kaliwang kamay.
Hinala ng fans, ito ang engagement ring na ibinigay ng ex-fiancé niyang si Dominic nang mag-propose ito sa kanya noong July 18, 2023.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!
Ngunit sa hindi pa malamang dahilan ay naudlot ang nakaplano nilang kasal ngayong taon nang kumpirmahin nila sa publiko noong February 11 na hiwalay na sila.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
Komento tuloy ng isang netizen (published as is), "Ay confirmed na talaga na love sweeter the second time around."
Sabi ng isa, "Wow suot na makakatulog nako ng mahimbing."
Saad pa ng isang fan, "OMG! Sino nakapansin dito,ung ring... I am sure kukuda na nman ung mga bashers dito...hahaha."
"Miss bea wag Kang makinig sa ibang tao . Pakingan mo ang nararamdaman ng puso at isip mo. God bless sainyo dalawa ni dom. Pray lang po," dagdag pa ng isa.
Read: Bea Alonzo flies to Singapore amid breakup issue with fiancé Dominic Roque
Bukod sa personal IG post ni Bea, may ipinost ding litrato ang pagmamay-aring travel organizer brand ng aktres kung saan makikita ring suot-suot nito ang kanyang engagement ring.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa tukoy kung throwback or latest photo ba ito ni Bea.
Read: Dominic Roque's camp condemns "malicious and defamatory public statements" of Cristy Fermin
BEA-DOM BREAKUP
Nagsimulang umugong ang bali-balitang may pinagdaraanan ang relasyon nina Bea at Dominic nang mapansin ng mapanuring netizens na hindi na isinusuot ng Kapuso actress ang kanyang engagement ring.
Dagdag pa rito, hindi na sila nagpu-post ng litrato nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts, gayong madalas naman silang nagta-travel.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque's most memorable trips abroad
Hanggang noong February 6, 2024, kinumpirma ng kaibigan nina Bea at Dominic na si Boy Abunda sa talk show nitong Fast Talk With Boy Abunda na tinapos na ng dalawa ang kanilang relasyon.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Kasunod nito, ang pagkumpirma ng dalawa noong February 11 na nagdesisyon na silang maghiwalay at hindi na ituloy ang kasal.
Sinabi ni Bea sa joint statement nila ni Dominic na sana raw ay bigyan sila ng publiko ng privacy para sa pag-move on nila sa kanilang breakup.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A relationship timeline
Masasakit na salita na raw kasi ang naglipana sa social media kaya hindi na nila natiis na manahimik na lang.
Mababasa sa kanilang joint statement, "After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.
"It was not an easy decision.
"We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.
"Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.
"Please understand that this is an extremely painful yet united decision, and we sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media.
We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity.
"Thank you for your understanding and support."
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Related Stories:
- Dominic Roque at Bea Alonzo, hinihimok nang magsalita nina Bullet Jalosjos at Bong Suntay
- Dominic Roque slams spread of fake quotes attributed to him
- Politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay clarify condo, gasoline station issues with Dominic Roque
- Cristy Fermin denies calling politicians Bullet Jalosjos and Bong Suntay "benefactors" of Dominic Roque
- Direk Joey Reyes umalma sa pagli-link kay Dominic Roque sa mga lalaking politiko
- Mga politikong pinagbibintangang "sugar daddy" ni Dominic Roque, nagsalita na
- Bea Alonzo moved to tears over V-day surprise from her staff; PA reacts to Bea's bashers
- Bela Padilla mistaken for Bea Alonzo, netizens react
