PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray, Sam Milby seen together after rumored breakup

Are they back together or not?
by Bong Godinez
Published Mar 10, 2024
Sam Milby, Catriona Gray, Isabel Oli, John Prats
Are they back together or not? Many are curious about the relationship status of beauty queen Catriona Gray and Sam Milby (left). Also in pic are their good friends John Prats and Isabel Oli,
PHOTO/S: John Prats (Instagram)

"Nakakaloka anu ba talaga real score ng dalawang yan?"

Ito ang tanong ng isang netizen kaugnay sa latest Instagram post ng aktor at direktor na si John Prats.

Sa larawan kasi na pinost ni John ngayong araw, March 10, 2023, ay makikitang magkasama sina Catriona Gray at Sam Milby.

Kasama rin sa larawan ang maybahay ni John na si Isabel Oli.

Base sa picture ay magkakasama ang apat na naglaro ng pickleball, isang uri ng paddle sport na designed para sa dalawa o apat na manlalaro.

Matalik na kaibigan nina John at Isabel sina Sam at Catriona, at hindi na nakapagtataka na makita silang magkakasama.

MORE QUESTIONS THAN ANSWERS

Hindi kaila sa publiko na nagkakalabuan ang relasyon ng magkasintahang sina Catriona at Sam.

Read: Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline

Kamakailan lang ay umugong ang balitang hiwalay na diumano ang engaged couple.

Marami kasi ang nakapuna na hindi suot ni Catriona ang kanyang engagement ring sa mga events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung February 28 ay pinatotohanan ng talent agency na nangangalaga sa career nina Catriona at Sam ang malungkot na balita.

Sa statement na ipinakalat ng Cornerstone Entertainment ay sinabi nitong totoong may pinagdadaanan ang magkasintahan.

"While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together," saad ng pahayag.

"We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

"We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple."

Marami naman ang umaasa na maaayos nga ng dalawa ang kanilang problema at sa huli ay matuloy ang kanilang kasal.

Read:

John Prats uploads photo with engaged couple Sam Milby and Catriona Gray amid rumors

Engaged couple Catriona Gray and Sam Milby spotted together at an event amid breakup rumor

Dahil sa latest picture ng dalawa na pinost ni John ay lalong nabuhayan ang kanilang mga tagahanga na muling magkakabalikan, o baka nga nagkabalikan na nang tuluyan ang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are they back together or not? Many are curious about the relationship status of beauty queen Catriona Gray and Sam Milby (left). Also in pic are their good friends John Prats and Isabel Oli,
PHOTO/S: John Prats (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results