Ikinatuwa ng fans nina Robi Domingo at Gretchen Ho ang muling pagsasama nila sa isang hosting gig.
Dating magkasintahan ang dalawa.
Taong 2013 nang isapubliko nina Robi at Gretchen ang kanilang relasyon.
Ang kanilang pag-iibigan ay tumagal ng halos tatlong taon hanggang magdesisyon silang maghiwalay noong March 2017.
Read: Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Patungkol sa kani-kanilang career ang sinabi nila noong dahilan kaya sila nag break.
Gayunpaman, nananatili raw silang magkaibigan.
Read: Gretchen Ho happy for ex-boyfriend Robi Domingo's newfound love
Napatunayan naman ito nang magkasama sila kamakailan.
Sa Instagram post ng Star Magic, ang talent management ni Robi, nitong Huwebes March 7, 2024, ipinost nila ang litrato ng Kapamilya TV host at ni Gretchen na magkasama sa isang event.
Base sa caption ng Star Magic, hosts ang dalawa sa isang trade partners' night.
"Magic was brought in during a trade partners night with Robi Domingo and Gretchen Ho as hosts!
"Thank you for having our Star Magic artists host your event once again!," caption ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
NETIZENS REACT
Ikinatuwa naman ito ng netizens. Marami sa kanila ang bumilib sa pagiging mature at professional nina Robi at Gretchen.
Komento ng isang netizen (published as is), "Ang saya lang makita ulit silang magkasama...the maturity and being profesional."
Sabi ng isa, "Namiss ko to! grabe ang mature na nila. literal na pinagtagpo pero di tinadhana."
"Buti nalang they're both professional. Good job!," ani pa ng isang fan.
Dagdag pa ng isa, "Past is past and they are both happy in their own lives now! Good job"
Sa ngayon ay masaya na sa kani-kanilang buhay sina Robi at Gretchen.
Si Robi ay ikinasal na sa kanyang longtime girlfriend na si Maqui Pineda noong January 6, 2024.
Read: WEDDING ALBUM: Robi Domingo and Maiqui Pineda's modern Filipiniana-themed nuptial
Pag-amin naman ni Gretchen, masaya siya sa kinahantungan ng relasyon nina Robi at Maqui na pareho raw niyang mga kaibigan ngayon.
Read: Gretchen Ho happy for ex-boyfriend Robi Domingo's wedding to Maiqui Pineda
