PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto Mourns Jaclyn Jose's Death

Claudine Barretto laments not visiting the lat actress for three months.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2024
jaclyn claudine mula sa puso
The late Jaclyn Jose and a young Claudine Barretto in a scene from the hit teleserye Mula Sa Puso, which aired on ABS-CBN from 1997 to 1999.

Personal ang pamamaalam ni Claudine Barretto sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn dahil sa heart attack noong Sabado, March 2, 2024. Siya ay 60.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Nagsimula ang malalim na pagkakaibigan nina Claudine at Jaclyn nang magsama sila sa classic primetime series na Mula Sa Puso, na umere sa ABS-CBN mula 1997 hanggang 1999.

Read: Remember when Princess Punzalan made life a living hell for Claudine Barretto in this TV show?

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, March 4, 2024, sinariwa ni Claudine ang mga panahong pinagsamahan nila ni Jaclyn bilang magkapitbahay at magkaibigan.

Ina na rin kung ituring ni Claudine ang yumaong aktres.

Mensahe niya, “Nanay Jane u left us. you left me. I’m in unbearable pain. Everything is painful.

"U lived 11 houses down from my house. I will miss u coming up to my room, tulog ako tatabihan mo ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag nagising ako sasabihin mo 'Anak na-miss ka lang ni nanay. Andito lang ako, tulog ka pa d ako aalis ng di kita napapatulog.'

“Pag may pinagdadaanan ako, tatakbo ako mula bahay ko papunta sa bahay mo. Didiretso ako sa room mo at tatabihan kita. Sabay sabi, ‘Nay pwede dito muna ako.’

“Yayakapin mo ako ng mahigpit. Kakantahan at patatahanin. Kinabukasan. may mainit na sabaw, i-aakyat ni Yaya Ging sa akin.”

Sinabi rin ni Claudine na may nararamdaman siyang galit dahil hindi niya nadalaw si Jaclyn sa loob ng tatlong buwan.

Pagpapatuloy niya, “Galit ako kasi 3-months na kita d dinadalaw.

"Ayoko mag-isa ka. Nay, tulungan mo ako pls. I luv u sobra Nay.

“Ang ilap ng tadhana para sa atin dalawa. Ang sakit-sakit Nay. Miss na miss kita. I’m sorry d kita naramdaman gaya ng dati.

“Ikaw bilang nanay ko, alam mo may mali, andito ka kaagad. Mahal na mahal kita Nay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The late Jaclyn Jose and a young Claudine Barretto in a scene from the hit teleserye Mula Sa Puso, which aired on ABS-CBN from 1997 to 1999.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results