May kirot sa puso ang post ni Mavy Legaspi tungkol sa mga tauhang nagtatrabaho sa likod ng kamera sa noontime show ng TAPE Inc., ang Tahanang Pinakamasaya.
Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!
Sa Instagram ngayong araw, March 4, 2024, ibinahgi ni Mavy ang mensahe niya sa production staff at crew ng magsasarang noontime show.
Ayon kay Mavy, malaking factor ang mga taong nagtatrabaho sa ilkod ng camera para maging makabuluhan ang bawat episode nila.
Panimula ni Mavy, "thank you. maraming salamat. salamat kaayo.
"this wasn’t about me. since day 1, this was always about THEM.
"because of them, i became a stronger person, a better colleague, a better host, a better son to my parents, a better brother to my twin and a better child of God… pwede ko na bang idagdag na better joker? mas magaling na ba ako mag joke? okay maybe not, still corny."
Ipinagdarasal din niyang makayanan ng mga ito ngayong bigla silang nawalan ng hanapbuhay.
Dagdag ni Mavy, "Lord, please do bless the staff & crew that worked so hard day in & day out every single day. they are our show. This show was always about them. please do take care of them and their respective families."
Ayon sa ulat ng Cabinet Files, nasa higit 130 katao ang nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya.
Read: 130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya
Umaasa si Mavy na magkita-kita sila kaagad ng mga kasamahan sa Tahanang Pinakamasaya.
Aniya, "all of the rumors and all of the fights, we always found a way to make it out alive- para makabigay ng tulong at saya. butangi!
"this was always about love & support- making a living. we did not fail, we just ran out of time… but that’s what they think. goodbye? nope, more like good-HELLO. okay ang panget… but, we will see you SOON.
"to the crew,
"to the staff,
"to my TP family,
"i love you"
View this post on Instagram
Nauna na ang pagpapasalamat ni Chariz Solomon sa kanyang mga naging kasamahan sa noontime show.
Read: Chariz Solomon reacts to “Tahanang Pinasara” comment of basher: “Ikakayaman mo yan…”
Simula kaninang tanghali, Lunes, Marso 4, replays ng kontrobersiyal na programa ang matutunghayan, hanggang Marso 7.
Ginagawa na rin umano ang set ng papalit na show.
Read: Tahanang Pinakamasaya, replay na ang pinapalabas; kapalit na show, ginagawa na ang set?
