Mariing itinanggi ng Kapamilya actress na si Gela Atayde na buntis ang nakatatanda niyang kapatid na si Ria Atayde.
Ito'y matapos kumalat ang bali-balitang nagdadalantao si Ria kasunod ng kumpirmasyong engaged na ito sa nobyong si Zanjoe Marudo.
Sa panayam ni Gela sa ABS-CBN nitong Linggo, March 3, 2024, pinabulaanan niya ang kumakalat na espekulasyong nag-propose lamang si Zanjoe dahil nabuntis nito si Ria.
Ani Gela, kahit matagal nang plano nina Ria at Zanjoe na bumuo ng sarili nilang pamilya ay isinasaalang-alang din daw ng mga ito ang pagkakaroon ng sakit ni Ria na PCOS o Polycystic Ovary Syndrome.
Kung saka-sakali rin daw magkaanak si Ria ay hindi naman tutol ang kanilang pamilya, lalo na't nasa tamang edad na sila.
Saad ni Gela, "For me, I can’t say much yet. For now, no [hindi buntis]. They’re trying, that’s for sure.
"My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.
"Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age — turning 32 this year — medyo kailangan na din."
Si Zanjoe ay magpu-42 naman sa July.
Read: Sylvia Sanchez excited nang magkaapo kina Arjo at Maine, Ria at Zanjoe
Noong February 20, 2024, inanunsiyo ni Ria sa pamamagitan ng social media na engaged na sila ni Zanjoe.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde now engaged
Ayon kay Gela, ikinatuwa niya ito sampu ng kanyang pamilya dahil alam nila kung gaano kamahal nina Ria at Zanjoe ang isa't isa.
Nakangiting lahad ni Gela, "I love Kuya Z. I was so happy that when they told me, I cried.
"I love how Kuya Z proposed to her. He just did it in bed, just both of them, just woke up, so we weren’t there."
Read: Ria Atayde sums up relationship with Zanjoe Marudo as "comfortable and easy"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na detalye sina Ria at Zanjoe kung kailan at saan sila ikakasal.
Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
