PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celebs, incl. Angel Locsin, mourn Jaclyn Jose

Dimples Romana: "Lost another true icon..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 4, 2024
Celebrities mourns death of Jaclyn Jose
(Clockwise) Angel Locsin, Kylie Padilla, Rayver Cruz, and Andrea Torres post photos from their past projects with the late award-winning actress Jaclyn Jose.
PHOTO/S: Andrea Torres/Rayver Cruz, Kylie Padilla/Angel Locsin Instagram

Nagluluksa ngayon ang local entertainment industry dahil sa biglaang pagpanaw ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose o Mary Jane Guck sa totoong buhay.

Sumakabilang buhay si Jaclyn, sa edad na 60, sa kanya mismong tahanan sa Marikina City nitong Sabado, March 2, 2024.

Kinumpirma ng PPL Entertainment, Inc., ang talent management na kinabibilangan ni Jaclyn, ang malungkot na balita ngunit hindi nila binanggit ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Ang biglaang pagpanaw ni Jaclyn ay ikinalungkot ng marami sa mga kasamahan at nakatrabaho ng aktres sa showbiz industry.

Ilan sa mga naunang nagpaabot ng mensahe sa pagyao ng Cannes 2016 Best Actress ay sina Angel Locsin, Dimples Romana, Gladys Reyes, Ruby Ruiz, at singer-songwriter na si Ice Seguerra.

Maging ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Andrea Torres, Kylie Padilla, Rayver Cruz, Gardo Versoza, at Katrina Halili.

Read: Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagparamdam muli sa social media si Angel Locsin, na matagal nang hindi nasisilayan ng publiko, upang ipaabot ang kanyang pagdadalamhati sa pumanaw na beteranang aktres.

Sa Facebook reel, nag-post si Angel ng ilang video clips ng mga eksena nila ni Jaclyn sa 2016 comedy-romance film na Mano Po 5, kunsaan sila nagkatrabaho.

Kalakip ng video ang caption ni Angel na (published as is), "R.I.P Ms Jaclyn Jose [praying sign emoji]. Your contribution to the Philippine entertainment industry will never be forgotten."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalala rin ni Dimples Romana ang pinagsamahan nilang mga proyekto ni Jaclyn.

Saad ni Dimples, "Lost another true icon @jaclynjose. Tita Jane , I remember all the laughter, the lessons you generously taught me as a young actor back when we were shooting this movie in 2001 and for our May Minamahal remake mahal kita at laging yayakap ng mahigpit you will never be forgotten."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin halos makapaniwala si Gladys Reyes na wala na si Jaclyn.

Ani Gladys, marami siyang aral at tips na natutunan mula kay Jaclyn dahil sa dami nilang napagsamahang proyekto.

Mensahe ni Gladys, "Ate Jane @jaclynjose , nakakagulat naman, binigla mo kaming lahat [sad emoji] ang dami nating pinagsamahan, simula 9 years old ako sa Lovingly Yours Helen hanggang dito sa huling movie natin na Apag, di ka nagbago sakin.

"Isa itong vlog na to sa di ko makakalimutan na masayang bonding natin sa set.
Salamat sa mga tips, pag-alaga mo sakin na parang ate kita talaga.

"Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya.
Mamimiss namin ang nag-iisang Jacklyn Jose."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Ruby Ruiz, mananatili sa kanyang alaala at puso ang masayang pinagsamahan nila sa pelikulang Ma' Rosa noong 2016.

"Rest in peace Ms Cannes Best Actress! I will always keep in my heart all the fond memories we shared in Ma Rosa ... we will miss you," post ni Ruby sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang OPM singer namang si Ice Seguerra, hindi rin nakalimot magpasalamat sa pagmamahal na ibingay ni Jaclyn sa kanyang asawa na si Liza Diño.

Aniya, "Hindi ako makapaniwala. Maraming salamat sa pagmamahal mo kay Liza. Lagi mo siyang sinusuportahan nung nasa FDCP at pinagtatanggol nung wala na siya. Thank you for your kindness. Sobrang nakakalungkot.

"Nakikiramay ako sa pamilya at sa lahat nang nagmamahal sa nag-iisang Jaclyn Jose. Napakalaking kawalan sa buong industriya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAPUSO STARS SAY GOODBYE TO JACLYN

Ikinadurog din ng puso ni Andrea Torres ang pagpanaw ng nanay-nanayan niyang si Jaclyn.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Andrea na malaki ang pasasalamat at utang na loob niya sa aktres dahil sa mga pangaral, pagdamay, at pagmamalasakit nito sa kanya.

Hindi lang daw basta magkatrabaho ang turingan nila sa isa't isa kundi isang mag-ina.

Mababasa sa caption ni Andrea (published as is), "Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami mong naiwan sakin Nay. Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin at gaano kita kamahal at yun na lang ang pinanghahawakan ko.Maraming maraming salamat Nanay.

"Naalala ko nung nagsisimula pa lang ako, hindi ako makapaniwala, pinagtatanggol mo ko. Touched na touched ako sa malasakit mo sakin. Tatlong soap opera kita nakasama. Napakarami mong tinuro sakin.

"Pag nagaaral ako ng eksena minsan bigla ka na lang lalapit sakin “Nak, try mo ito” Kaya naman kapag proud ka iba ang dating nun sa akin. Sabay na nga tayong nagpapakawala ng malakas na “Ha!” bago ang bawat eksena. Hehehe. Hanggang ngayon ginagawa ko yun. Isa sa mga bagay na tumatak sayo kaya lahat ng nakakaalam, gets na lumaki ako sayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Proud ako dun Nay. Proud akong isa ka sa naghubog sakin. At siyempre hindi ko malilimutan lahat ng kwentuhan natin sa likod ng camera. Kilalang kilala na natin ang bawat isa kaya naman ang usapan natin ay hindi pwedeng hindi humaba at kung saan saan din napupunta. Haha. Kahit seryoso ang topic palagi tayo nauuwi sa tawanan. Malambot ang puso mo. Madali ka lang pasiyahin.

"A brilliant actress and a brilliant mother, lagi ko ngang sinasabi sayo. Ang sarap sarap mong mahalin Nay at ang sarap sarap mo ring magmahal. Napakaswerte ko naranasan ko yun mula sa iyo. Kahit na hindi tayo magkatrabaho, palagi mo ko kinakamusta.

"Salamat sa napakaraming alaala. Sobrang mamimiss kita. Lahat ng bilin mo sakin Nay hindi ko kakalimutan. Pipikit na lang ako at aabangan ko pa rin dun ang smile of approval mo. I love you Nay Jane. Pahinga ka na po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katulad ni Andrea, nagdadalamhati rin ngayon si Kylie Padilla.

Sa isang IG post, binalikan ni Kylie ang masasayang alaala at pangaral sa kanya ni Jaclyn noong sila ay nagkasama sa defunct GMA primetime series na Bolera (2022).

Ani Kylie, "Still crying. I keep hearing your voice in my head. I remember our heart to heart conversations under the stars sa taping ng bolera. We talked about motherhood. Life. And love.

"I loved your energy. I remember the scenes sa bolera na di tayo makapagpigil ng kakatawa kasi ganun ka kasaya kasama.

"Thank you for being mom to me but also being a friend to me. It’s only a comfort that I saw you last night in my dreams smiling, I got a sense that you were at peace wherever you were. And that’s what you deserve. RIP Tita Jane."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasasalamat din ang huling mensahe ni Katrina Halili kay Jaclyn.

Kuwento ni Katrina, noong nakaraang linggo lamang ay dinalaw siya ni Jaclyn para kumustahin at damayan sa pagpanaw ng boyfriend nitong si Jeremy Guiab.

Mensahe ni Katrina, "Thank you tita jhane, dinalaw mo pa ako 2weeks ago para i comfort ako, salamat sa mahigpit na yakap, oras at pagmamahal. Rest in peace. mahal kita!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Katrina Halili still grieving over boyfriend Jeremy Guiab's death

Maging si Gardo ay mangiyak-ngiyak ding nagpaalam sa malapit niyang kaibigang si Jaclyn.

Sabi niya sa kanyang IG post, "Mahal na mahal kita abe. masakit na paalam. magkwewentuhan pa tayo di ba."

Labis ding ikinalungkot nina Barbie Forteza at Rayver Cruz ang pagpanaw ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ni Barbie, "Ms. Jaclyn Jose [crying and broken heart emoji]."

Ipinost naman ni Rayver ang kuhang litrato nila ni Jaclyn. Wala itong ibang caption kundi broken heart emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cannes best actress Jaclyn Jose, bumilib sa acting ng Vivamax star na si Azi Acosta

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Angel Locsin, Kylie Padilla, Rayver Cruz, and Andrea Torres post photos from their past projects with the late award-winning actress Jaclyn Jose.
PHOTO/S: Andrea Torres/Rayver Cruz, Kylie Padilla/Angel Locsin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results