"OA."
"Walang pambili ng ticket?"
Ilan lamang ito sa mga batikos na natanggap ng aktres na si Barbie Forteza matapos siyang mag-post kamakailan ng video na umiiyak.
Sa video ay makikitang lumuluha si Barbie habang nagpapasalamat sa fellow Kapuso artist at host na si Rain Matienzo.
Pinasalubungan kasi ni Rain si Barbie ng T-shirt at bracelet na nabili nito nang manood ng concert ng sikat na American singer-songwriter na si Taylor Swift sa Melbourne, Australia.
Ongoing ang The Eras Tour ni Taylor at isa sa pinagkakaguluhan ng fans ay ang official merchandise items na ibinibenta sa concert venues.
View this post on Instagram
Read: Anne Curtis on fangirling at Taylor Swift concert: "Pasensya sa voice ko. Wa-poise..."
Read: Kathryn Bernardo goes viral for singing along to “We Are Never Ever Getting Back Together”
Hindi kaila sa madla na "Swiftie" — bansag sa fans ni Taylor — si Barbie at madalas pa nga niyang gamitin ang ilang linya sa kanta ni Taylor para sa captions at posts nito sa social media.
Bagamat big fan ay pinili ni Barbie na hindi manood ng concert ng kanyang idolo, kaya ganun na lang ang buhos ng emosyon at pasasalamat nito nang matanggap ang regalo ni Rain.
May mga netizen namang bumatikos kay Barbie matapos mapanood ang video.
May ilang tinawag si Barbie na "overacting," "maarte," at nagtanong kung wala ba raw pambili ng ticket ang Kapuso Primetime Princess.
Meron pang nagpayo sa aktres na walang masama kung paminsan-minsan ay gawin nito ang gusto at mag-enjoy dahil pinaghirapan naman niya ang perang gagastusin.
BARBIE BEING PRACTICAL
Sa panayam kay Barbie ng GMA News, nagpaliwanag si Barbie kung bakit hindi siya manonood ng kasalukuyang concert ng kanyang idolo.
"Kasi, para sa akin, ito po ay sa akin lamang, I just feel like it is a splurge for me. Sabi ko sa sarili ko, if magpe-perform siya dito sa Pilipinas, I will definitely watch it," bungad ni Barbie.
Bukod kasi sa ticket ay may iba pang pagkakagastusan—eroplano papunta at pabalik, otel, pagkain, inland transport—lalo na't sa ibang bansa ang pagdarausan ng concert.
Hindi kabilang ang Pilipinas sa mga bansang gaganapan ng The Eras Tour, bagay na ikinalungkot ng maraming Pinoy fans ni Taylor.
Sabi ni Barbie, "But to have to spend for a flight, accommodation, and siyempre to maximize your time to wherever she's performing, parang it’s too much of a splurge, especially I'm coming from just finishing a house."
Kakalipat pa lang ni Barbie kasama ng kanyang pamilya sa ipinatayo nitong three-story house.
Read: Barbie Forteza, magpa-Pasko sa bagong bahay na ipinatayo niya
"So, parang if it’s just for that, I'd rather spend it for something else. Feeling ko naman magpe-perform siya ulit soon," dagdag pa ni Barbie.
Sobrang "na-touch" at "na-appreciate" daw ni Barbie ang gesture ni Rain kaya ito naiyak nang makita ang regalo ng kaibigan.
"'Yung effort talaga ni Rain na pumila. Napakahaba ng pila sa merch talaga and yung friendship bracelet talagang made me feel like I was there."
Read: Taylor Sheesh in drag as Taylor Swift, foreign press take notice
Hindi man nakapunta sa Australia para manood ng concert ni Taylor ay lilipad naman papuntang Canada si Barbie para sa isang show kasama ang love team partner na si David Licauco at iba pang Kapuso stars.
Read: Maria Ozawa reacts to David Licauco's viral Family Feud answer
Read: David Licauco addresses fans who want him and Barbie Forteza to become a couple
Gaganapin ang Sparkle Goes to Canada sa April 5 sa Southview Alliance Church sa Calgary, Canada, at sa April 7 sa Toronto Pavilion sa Toronto.
Makakasama nina Barbie at David ang real-life couples na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Bianca Umali at Ruru Madrid.
Read: Rayver Cruz at Julie Anne San Jose pinag-uusapan na ang tungkol sa kasal
Inaabangan na rin ng fans nina Barbie at David ang kanilang upcoming movie na pinamagatang That Kind of Love with Cathy Camarillo as director.
Kaabang-abang din ang teleseryeng pagsasamahan ng dalawa na isang historical-drama at may pamagat na Pulang Araw at mapapanood sa GMA Network.