PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Jones: Ex-Partner Refuses Son, 11 Yrs, My Expense.

“Ngayong may asawa na siya, may kumokontrol na sa kanya."
by Melba R. Llanera
Published Mar 2, 2024
Angelica Jones
Angelica Jones on the father of her 11-year-old son: "Hindi ko alam. Kasi nga before wala siyang asawa, di ba? Madali siyang kausap. Ngayong may asawa na siya, iba na kasi pag may pamilya, may kumokontrol na sa kanya. Sa tingin ko mayroong nasa likuran ng tatay ng anak ko na pumipigil pirmahan yung birth certificate ng anak ko."
PHOTO/S: Angelica Jones Facebook

Nilinaw ni Angelica Jones na hindi umano siya naghahabol ng financial support sa dating karelasyong si Dr. Gerald Alday para sa kanilang anak.

Read: Angelica Jones, desididong idemanda ang ama ng kanyang anak

Gusto ni Angelica na pirmahan ni Dr. Alday ang birth certificate ng anak na si Angelo Timothy Benedict, dahil requirement ito para maka-graduate ito ng elementarya.

Diin ng aktres, hindi pera ang habol niya sa ama ng anak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa presscon ng pelikulang Magic Hurts, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City, noong February 24, 2024.

“Wala kaming hinihingi. Hindi namin kailangan ang mana nila.

“Financially, hindi namin kailangan kasi ako naman lahat ang gumagastos.

"Eleven years, ako na gumastos sa anak ko.

“Wala, ang kailangan lang ng anak ko ay mapirmahan lang ang birth certificate–acknowledgement para sa future niya.

“It's just a paper, not money."

Kung gusto raw niyang maghabol ay noon pa sana niya ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin si Angelica kung ano sa tingin niya ang rason kung bakit ayaw pirmahan ni Dr. Alday ang birth certificate ng anak.

Lumabas naman daw sa DNA test na si Dr. Alday nga ang biological father ni Timothy.

Ayon kay Angelica, "Hindi ko alam. Kasi nga before wala siyang asawa, di ba? Madali siyang kausap.

“Ngayong may asawa na siya, iba na kasi pag may pamilya, may kumukontrol na sa kanya.

"Sa tingin ko, mayroong nasa likuran ng tatay ng anak ko na pumipigil pirmahan yung birth certificate ng anak ko."

Read: Angelica Jones umaasang pirmahan na ng ex ang birth certificate ng kanilang anak

Kung sinasabi niyang maayos kausap noon si Dr. Alday, bakit dumating sa puntong ipina-DNA test si Timothy?

Ayon kay Angelica, “Siguro dahil sa sobrang selos. Sobrang seloso kasi siya, sobrang possessive siya kaya hindi ako nagpakasal sa kanya.

“Ngayon, nung na-DNA na siya, nag-aano siya na pakasal na kami, umayaw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masakit yun, papa-DNA yung bata. Lalo ko siyang tinanggihan.

"Nung bago ipanganak ipapa-DNA daw tapos nung na-DNA na, nagyaya uli siyang pakasal.

“Ako talaga ang umayaw kasi nasaktan ako."

Read: Angelica Jones's 10-year-old son still not acknowledged by the father

MULLING FILING A SUIT AGAINST EX-PARTNER

Lahad pa ni Angelica, maayos ang relasyon niya sa pamilya ng ama ng anak.

Ito raw ang mga nakausap niya noong unang beses na kinonsider niyang magsampa ng reklamo laban sa dating karelasyon.

“Nakiusap yung family niya, yung tita niya, yung lola niya. We agreed, yung both parties, na pag pinirmahan, walang kaso.

“Ang nangyari, hindi pa rin pinirmahan. Matigas pa rin yung tatay.

“Yung pamilya naman ni Gerald, e, support sa anak ko, nagagalit kay Gerald kasi naawa sa anak ko.”

Ano sana ang isasampa niyang reklamo?

Sagot ni Angelica, “Tatlong kaso, sabi ng abugado ko—child support.

“Basta may batas sa DSWD, may batas sa children's protection.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Basta once na hindi sumuporta yung tatay financially, and kapag in-abandon, puwede siyang kasuhan."

Ayon pa rin kay Angelica, nadurog ang puso niya isang beses na nag-usap sila ng anak at umiiyak ito at nagtatanong kung paano na ang future niya kung hindi mapipirmahan ang birth certificate niya.

"Masakit sa isang nanay na makita mo ang anak mo, ‘Eleven years ako na di ko naramdaman na may tatay ako, birth certificate lang, di mapirmahan. Paano ako ga-graduate? Paano ang future ko?’”

ANGELICA JONES' LATEST PROJECT

Sa kabilang banda, masaya si Angelica na nakasama siya sa pelikulang Magic Hurts.

Aniya, "Nandito ang mga magagaling at mababait na mga artista.

“At si Direk Gab Ramos, napakahusay na direktor. Nailabas ko yung acting ko dito bilang nanay ni Ernest.

“Ibang Angelica ang makikita niyo dito. Mostly ang role ko maingay, funny. Dito is drama talaga. Mararamdaman mo yung sakit, yung pain.

"I am so happy na sunud-sunod ang projects nung 2023, and this 2024 yung Loyalista ginawang movie tapos ito ngang Magic Hurts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May isu-shoot pa ako ngayong month of March, ako yung nanay ni Derrick Monasterio naman.

“Silang dalawa ni Elle Villanueva ang kasama ko sa movie."

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Jones on the father of her 11-year-old son: "Hindi ko alam. Kasi nga before wala siyang asawa, di ba? Madali siyang kausap. Ngayong may asawa na siya, iba na kasi pag may pamilya, may kumokontrol na sa kanya. Sa tingin ko mayroong nasa likuran ng tatay ng anak ko na pumipigil pirmahan yung birth certificate ng anak ko."
PHOTO/S: Angelica Jones Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results