Ang singer na si Garth Garcia ay producer na rin ng mga concert sa U.S.
Paano ba siya nag-start sa showbiz?
Lahad ni Garth, “Singing competition, pero hindi ako actually dun nag-reach sa finals, but after tha, sa Star in a Million.”
Hanggang monthly finals raw siya umabot at ang winner sa batch nila ay si Frenchie Dy.
Read: U.S.-based singer Garth Garcia, pinanindigan ang paratang laban sa assistant ni Vice Ganda
Pero ano ang maituturing ni Garth na breakthrough niya noon sa Pilipinas?
“Breakthrough was, I don’t know if it’s considered a breakthrough, pero sa MOR 101.9, nag-submit ako ng song na original, then pine-play nila palagi, yung 'Masaya Na Akong Iniwan Mo.'
“Then pine-play na din sa ibang radio stations and after that nanalo ako sa MOR na Best New Artist of the Year 2014, and after that nag-sign ako with Ivory Music.
"I was supposed to release my second album kaya lang lumipad na ako.”
Bakit iniwan niya ang nagsisimula na sanang singing career niya sa Pilipinas at nagdesisyon na mamalagi sa Amerika?
“Kasi nandun na lahat ng family ko, I was supposed to sign with a bigger label after Ivory, tapos patapos na rin yung second album, so nag-pause muna,” pahayag ni Garth.
“Aside from the fact na kasama ko na buong family ko dun, looking back, sa lahat ng na-achieve ko lately, parang modesty aside, I did the right decision na lumipad ako dun.”
Dahil?
“I will never be able to work with these icons or nakatapos ako ng pag-aaral on a prestigious university.”
Nagtapos sa Harvard Business School si Grath ng kursong Program for Leadership Development.
Read: Pinoy showbiz celebrities with Harvard University credentials
GARTH GARCIA'S RECENT GIGS IN THE U.S.
Bukod dito ay nag-produce at naging guest si Garth sa mga concerts sa Amerika ng mga icons na itinuturing ni Garth, katulad nina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Jaya, David Pomeranz, at Jessica Sanchez, among others.
Katunayan, guest si Garth sa recent concert ni Regine sa USA kung saan napabalitang naaksidente si Jaya patungo sa venue upang panoorin si Regine.
Read: Jaya involved in vehicle collision on her way to Regine Velasquez's concert in California
Kuwento pa ni Garth tungkol kay Jaya, “Nagtawagan kami the day before, kasi nakita nga yung poster na guest nga ako.
"So excited siya na magkita kami ulit, kasi taga-Texas siya, e. She was just in San Francisco kasi may private show, so sakto.”
Pero iyon na nga, hindi natuloy sina Jaya at ilang kaibigan dahil nabangga nga ang mga ito.
“Hindi,” wika ni Garth, “nasa ER sila nung nagko-concert, but she’s fine naman.”
GARTH GARCIA'S 2024 SHOW IN METRO MANILA
Sa ngayon ay nasa Pilipinas si Garth at magkakaroon ng concert, ang Garth Garcia: Back Home sa March 9, 2024, sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City.
Bakit niya naisipang umuwi at mag-show sa Pilipinas gayong okay naman ang career niya sa Amerika?
“It’s been a long time, pinaplano talaga namin yung comeback show prior to pandemic, so nagka-pandemic hindi na natuloy.
“Meron pa rin naman kasing ano, alam mo yun, active pa din yung ano, actually active pa din kami sa group chat, Facebook groups. Yung mga sumu-support sa akin before because of my radio playlist career.
"Sila talaga, gustung-gusto nila, ‘Umuwi ka na to do a show, gumawa ka naman ng show sa Manila’, because of that, yeah, natuloy.”
Ang mga guests daw niya sa kanyang concert niya ay sina Klarisse de Guzman ay Faith Cuneta at may special reason si Garth kung bakit sila ang napili niya.
“Naka-work ko na sila dito sa Manila. Si Faith kasi lagi kong kasama sa mga local shows dito dati.
"Then si Klang [Klarisse] naman, nagka-work kami dati sa dating show sa ABS, yung Twist and Shout, then nung nag-U.S. siya, naging personal driver niya ako,” at tumawa si Garth, "Yeah, nagkita kami ulit dun.”
Guests rin sa Garth Garcia: Back Home sina Geca Morales, Deb Victa, RomBoys Club at Carmela Ariola.
Ayon naman sa mga pasabog na aabangan sa concert, aniya Garth, “There’s a lot of creativity, kasi it’s directed by Frank Mamaril, I’ve worked with him in LA and I notice na magaling siyang mag-direk, so hindi siya typical concert.
“Sa mga songs…actually, musical journey, like for the first album na all-Tagalog, then yung hits reimagined, yung all revivals, and then right now yung mga originals naman, isasali ko siya sa concert.”
Magkakaroon rin ng homecoming concert si Garth sa Digos City sa March 10 at sa Digos Davao del Sur sa March 11. Si Frank din ang direktor with Tantan Macalla as the musical director. Available ang mga tickets sa TicketWorld.
Sabi pa nya, “Ano lang, I’m just here for the show, and also catch-up sa family and mga long-time friends.”
Pagkatapos ng mga concerts ni Garth dito sa bansa ay babalik na siya sa U.S.
Bakit ayaw na niyang ituloy dito sa Pilipinas ang career niya?
“Naka-establish na kami dun ng ano, nakabili na kami ng bahay dun, naka-establish na ng businesses.”
Pagkukuwento pa ni Garth tungkol sa kanyang mga negosyo abroad, “We have a mobile doctor business, and I also have a music label, Starlink Music, and also yung concert production, Starlink Promotions.”
Nakausap si Garth ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media nitong Martes, Pebrero 27, sa Via Mare restaurant sa Tomas Morato.
