Back for good na sa Pilipinas si Tom Rodriguez matapos ang dalawang taong pamamalagi nito sa Arizona sa Amerika.
Matagal-tagal namalagi si Tom sa ibang bansa dahil pinahilom nito ang kanyang puso matapos silang maghiwalay ng asawang si Carla Abellana, tatlong buwan lamang pagkatapos silang ikasal noong October 23, 2021
Read: “Welcome home!” Tom Rodriguez is back in PH
Unti-unti na ring bumabalik sa kanyang trabaho si Tom.
Ayon kay Tom, sa panayam ng 24 Oras kahapon, February 27, 2024, simple lang ang naging pamumuhay niya sa Amerika na naging daan din ng kanyang emotional healing.
Lahad ng Kapuso actor, “Two weeks lang dapat ako nandun. Nawili din ako.
“Long story short, I really had to take time to really recover.
“And now, I do feel, I do feel it. I do feel na buo na ako ulit."
Natuto rin daw siya ng iba't ibang responsibilidad sa bahay.
Saad niya, "Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself.
"Maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, yung washing machine at saka dryer doon.
"Mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko."
Bukod sa TV shows, naghahanda na raw si Tom sa gagawin niyang Ibarra:The Musical.
Nakatakdang ipalabas ang musical sa second quarter ng 2024.
Saad niya, "I'm glad na they offered me this role.
"I'm really been yearning to go back into theater. Napagbigyan ulit."
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana ipa-finalize na ang divorce sa pagbabalik ng aktor
Samantala, sa panayam ni Carla sa 24 Oras noong January 29, 2024, sinabi nitong hindi niya alam na nagbalik-bansa na si Tom.
Gayunman, nakahanda raw siya sa posibleng pagkikita nila lalo na't pareho silang artista at nasa bakuran ng GMA-7.
"I didn't even know, ngayon ko lang nalaman [na nasa Pilipinas na si Tom]," ani Carla sa 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.
Dagdag niya, "I don’t feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon.
"Of course, artista siya may obligation siya. He's a Kapuso, dadating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho.
"Hindi naman maiiwasan yan. I've thought about it many times, expected naman yan, nobody just knew when."
Read: Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.”
Kung saka-sakaling magkasalubong at magkita sila ni Tom, nakahanda na ba si Carla na harapin ang dating asawa?
Sagot niya, "I think naman okay lang. Ready naman ako.
"Hindi naman ako yung type na 'Ay, ayoko,' or avoidance or what. It's inevitable, ika nga."
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana ipa-finalize na ang divorce sa pagbabalik ng aktor
