PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee got 'bonus' from Vilma Santos post 'Anak' success

National Artist Ricky Lee gives back to film, TV industry.
by Jerry Olea
Published Feb 27, 2024
ricky lee vilma santos claudine barretto anak
National Artist Ricky Lee (left) attends the special screening of the 2000 film Anak with lead stars Vilma Santos (center) and Claudine Barretto (right) at St. Paul University-Quezon City on February 23, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi na ikinunsidera ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sina Ricky Lee at Nora Aunor sa kanilang Parangal ng Sining dahil National Artists na sila.

Naghimutok ang ibang Noranians dahil kasama si Vilma Santos sa mga pinagpugayan last year, at ligwak si Nora.

Read: Is FDCP snubbing Nora Aunor, Ricky Lee in Parangal Ng Sining?

“Hindi ko alam yan!” natatawang sabi ni Sir Ricky sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Pebrero 23, 2024, Biyernes, sa Sampaguita Hall ng St. Paul University-Quezon City.

Pinakamataas na karangalan na sa larangan ng Sining iyong pagiging National Artist. May reaksiyon pa ba siyang ligwak siya sa Parangal ng Sining, o tatawanan na lang niya iyon?

“In a way, nakakatawa na rin. Because hindi naman siya talaga big deal,” katuwiran ni Sir Ricky.

“Hindi dahil minamaliit ko yung karangalan. Bawat karangalan naman, malaking bagay yan, e.

“In the end, nagtatrabaho naman tayo lahat. Gumagawa tayo ng so-called Sining…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang feeling ko kasi ngayong isa ako sa napili na National Artist, parang… parang obligasyon ko na mas mag-create, mag-produce, tumulong, kumonekta sa mga tao.

“Kaya madalas ako ngayong uma-attend na ng mga events, affairs to support. Parang yun man lang, magawa ko. Simple lang ang kapalit ng ibinigay na honor.”

Ang sabi ni Direk Jose Javier Reyes sa recent mediacon ng FDCP, nakasalalay ang kinabukasan ng Philippine cinema sa mga bagong manunulat at direktor.

Tumango si Sir Ricky, “Yes! Pero kinakailangan silang suportahan, palakasin ang morale nila. Kasi, ang hirap gumawa ng pelikula.

“Ang hirap-hirap gumawa ng pelikula. So they need all the support.

"And mostly sa amin manggagaling yun, and lalo na ako, sa posisyon ko ngayon, andami kong maitutulong. I hope.”

ANAK SPECIAL SCREENING

Nasa St. Paul University-Quezon City si Sir Ricky para sa screening doon ng pelikulang Anak (2000), na bahagi ng Cine Icons program ng CCP Film, Broadcast and New Media Division ng Cultural Center of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present din sa screening ng Anak ang mga bidang sina Vilma Santos at Claudine Barretto.

Read: Vilma Santos may isiniwalat tungkol sa sampalan scene nila ni Claudine Barretto sa 'Anak' movie

Pagbabalik-tanaw ni Sir Ricky, “Hindi ko alam kung mas marami akong nagawang pelikula with Vilma kesa kay Guy [palayaw ni Nora Aunor].

“Kay Vilma, may Haplos, may Miss X. Alyas Baby Tsina, Hahamakin Lahat, Relasyon, Dolzura Cortez, et cetera. Baka 10 na ang pelikula naming nagawa.

“Pero memorable sa akin itong Anak, kasi nung kumita siya ng malaki, binigyan ng Star Cinema si Vilma ng bonus.

“And then palihim inabutan niya ako ng sobre na merong PHP20,000 I think, at may note, para daw sa workshop ko na libre na binibigay.

“So na-touch ako dun sa gesture niyang yun, at na-touch ako na alam niyang nagwo-workshop ako.”

May bonus din ba siyang natanggap mula sa Star Cinema na producer ng Anak?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko na matandaan. I suppose. Ang natatandaan ko, yung binigay ni Vilma!” natatawang bulalas ni Sir Ricky.

“Kasi, yung meaning, e.”

SCRIPTWRITING WORKSHOP

Hopefully ay matuloy na sa Abril ang libreng scriptwriting workshop ni Ricky.

“Face-to-face siya,” sambit ni Sir Ricky.

“Pero ang haba-haba ng listahan. Dapat, 30 participants lang. E, more than a hundred yung nasa listahan. So, ang hirap piliin.”

Read: National Artist Ricky Lee speaks up about "hawi" incident with Pia Wurtzbach at book fair

Iti-trim down ba into 30 ang kalahok?

“Kailangang i-trim down. Baka maging next batch na lang yung iba,” tugon ng septuagenarian na si Sir Ricky.

“Hindi kasya sa library yung ganun karami.”

Iyong kasunod na batch, sana raw ay this year din. Kakayanin ba niya iyon, considering his health condition?

“OK naman ako. I’ll get some workshoppers to help me… so at least, mas madali,” sabi ni Sir Ricky.

“Yun, ang busy ko ngayon, e. Andami kong ginagawa. Sinusulat ko yung nobela ko ngayon na bago. And then yung pelikula para sa GMA, sinusulat pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May balak na ituloy yung pelikula based sa buhay ni Guy [Nora Aunor]. Nag-uusap-usap about that.

“Magmi-meeting pa kami, most likely kay Joel Lamangan. Matagal nang balak yun, e.”

Balak din ni Direk Adolf Alix Jr. na maisapelikula ang buhay ng National Artist na si Nora, na tatlo hanggang limang installment. Plano noong gawan muna iyon ng mga aklat.

“I’m sure mata-traffic siya in a way na hindi magkaka-overlap-an. Puro kaibigan naman, e,” pakli ni Sir Ricky.

“At close naman kay Guy pareho sina Joel at Adolf.”

RICKY LEE'S NEW NOVEL

Sabay-sabay ang mga proyektong sinusulat ni Ricky. Kabilang diyan ang kanyang memoirs.

Read: National Artist Ricky Lee, ganado sa pagdalo sa Book Fair dahil napapalibutan ng book lovers

“Pinostpone ko muna yung memoirs. Inuna ko yung nobela. So after that, diretso sa memoirs,” sabi ni Sir Ricky.

Tungkol saan ang bago niyang nobela?

Napangiti ang most awarded scriptwriter ng local movie industry, “Gay novel. Period ng 50 years sa buhay ng isang pamilya, na may mga gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mula 70s hanggang present.”

May social commentary siyempre ang nobelang ito, na sasakop mula sa Marcos regime hanggang sa pamamalakad ng isa pang Marcos.

“Usually naman, yung mga nobela ko, hindi naka-in your face yung political situation,” pagmamatuwid ni Sir Ricky.

“Nakapalibot lang. Kinalalagyan lang ng characters.”

RICKY LEE MOVIE AND TV PROJECTS

May forthcoming films ang Vivamax na si Sir Ricky ang scriptwriter.

Sa Marso 22, Biyernes, ang streaming ng Rita, na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng, mula sa panulat ni Sir Ricky.

Creative producer nito si Mac Alejandre, at tampok dito sina Christine Bermas, Victor Relosa, Gold Aceron, at Josh Ivan Morales.

“Si Mac, nagsyusyuting ngayon ng Isang Gabi with Diego Loyzaga. Matatapos na siya, mga two days na lang yata siya,” saad ni Ricky.

“May kontrata ako sa Viva. I have three more pictures. And then, consultant pa rin ako sa GMA.”

Consultant si Sir Ricky sa Kapuso historical drama series na Pulang Araw, kung saan bida sina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee (left) attends the special screening of the 2000 film Anak with lead stars Vilma Santos (center) and Claudine Barretto (right) at St. Paul University-Quezon City on February 23, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results