PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

UNTOLD: Lolit Solis' Secrets on Manila Film Fest Scam

After the scam, ang naisip niya, "Naku, sleep na lang ako forever!"
by Jerry Olea
Published Feb 25, 2024
Lolit Solis
Sa taong 2024, saktong 30 years na ang nakalilipas mula noong naging sentro ng kontrobersiya si Lolit Solis dahil sa pagiging "mastermind" niya sa Manila Film Fest scam.
PHOTO/S: Gerry Olea; File; Design Elements from Canva

Humigit-kumulang dalawang dosenang Valium ang nilaklak ni Manay Lolit Solis noong Hunyo 1994 matapos sumambulat ang Manila Film Fest Scam.

"Hahahaha," halakhak ni Manay Lolit noong Pebrero 22, 2024, Huwebes ng tanghali, sa Oriental Palace restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Hindi nabilang ni Manay Lolit kung ilang Valium iyong isang dakot na ininom niya. “Sabi ko noon, ‘Naku, sleep na lang ako forever!’”

Paano siya nadala sa ospital?

“Sino ba nagdala sa akin? Si Rudy Fernandez ang nagdala sa akin, e. Nung ininom ko yata yun, nandun ako sa bahay nila ni Lorna [Tolentino],” tugon ng septuagenarian manager na siyang nagmanage ng career ni Rudy at siya pa ring nagma-manage ng career ni Lorna.

Kasama rin sa stable of talents niya si Bong Revilla

"Tapos nakita nila ako ni Rudy na nakahandusay. Dinala ako sa hospital ng pot*h. Tapos, e, balak niya noong kumandidato, silang dalawa ni Bong, kaya kaaway na kaaway ko sila noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasira sa kandidatura nina Bong at Rudy sakaling friend-friend sila noon kaya minabuti ni Manay Lolit na makipag-away sa dalawa.

MFF 1994 SCAM: QUICK BACKTRACK

Hunyo 22 ang awards night ng Manila Film Festival 1994. Ini-announce ng presenters sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez bilang best actor at best actress para sa pelikulang Loretta, na idinirek ni Mel Chionglo at prinodyus ng OctoArts Films.

Ang tunay na winners ay sina Edu Manzano para sa pagganap niya sa Zacarias at Aiko Melendez para sa Maalaala Mo Kaya: The Movie.

Si Manay Lolit ang talent coordinator ng nasabing awards night, kaya siya ang kumuha ng presenters. Alaga niya noon si Gabby.

Sina Gretchen Barretto, Miss Mauritius 1994 Viveka Babajee, at Rocky Gutierrez, ang nakababatang kapatid ni Ruffa, ang naging presenters ng Best Actress award.

Habang umaakyat sa stage si Ruffa para tanggapin ang trophy, narinig sa microphone si Viveka na nagsasabi ng, “Take it, take it!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sinasabihan ni Viveka ng "Take it, take it!" ay si Rocky, at inuutusan niya itong kunin ang papel na naglalaman ng pangalan ng nanalong Best Actress.

Si Gretchen naman noong mga sandaling iyon ay halatang gulat na gulat.

Ayon sa ulat ng Chicago Tribune noong June 27, 1994, nang umalis sa event sina Gabby at Ruffa ay naglaho rin ang cue cards kung saan nakalista ang mga nanalo.

Ang nag-anunsiyo naman ng Best Actor ay sina Ruffa at ang alaga ni Lolit Solis na si Nanette Medved. Pareho nilang binanggit ang pangalan ni Gabby.

THE AFTERMATH: Manila Film Fest Scam

BASHING

Kataku-takot na bashing at pang-aalipusta ang natanggap ni Manay Lolit. Pero hindi pa noon uso ang internet sa Pilipinas. Hindi pa laganap ang social media.

Minamani na lang ni Manay Lolit ang online bashers at haters nowadays.

"Wala na iyon, naku! Saka hindi, alam mo, sa bashing talaga, affected ka lang talaga kapag kilala mo ang nag-bash sa iyo. Pero kapag hindi, so? Kilala ba kita? Bakit? Anong karapatan mo?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Idinemanda si Manay Lolit ng mayor noon ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim.

“Kaloka-loka! Ang vice mayor noon ng Maynila, si Lito Atienza, na kinuha akong PR pagkatapos! Hahahaha!"

COURT HEARING

Muntik nang iwan si Manay Lolit ng paboritong abogado niya na si Atty. Noel Malaya nang umamin siya sa hearing ng MFF Scam.

“Di ba, lagi kaming nag-aaway ni Atty. Malaya? Hahaha! Gaya noon, nung sinabi ko na guilty ako, talagang muntik na siyang mag-resign sa akin, di ba?” pagbabalik-tanaw ni Manay Lolit.

“E, di ba, talagang in-admit ko na guilty ako, na nag-scam ako. Naku! Kamuntik nang mag-ano si attorney, ha, muntik na akong iwanan dun sa korte, ha.”

Handa ba siya noon na maging Bulaklak ng City Jail?

Mabilis na sagot ni Manay Lolit, “Ano pa nga?! Yun na nga, kinabahan ako. Hahahaha.

THE AFTERMATH: KEY PEOPLE REMEMBERED BY MANAY LOLIT

Matapos ang tatlumpong taon, andito pa rin si Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang beses kada linggo ay nagda-dialysis siya, pero alive and kicking pa rin siya.

Pumanaw si Rudy Fernandez noong Hunyo 7, 2008, dahil sa kanser.

Ang isa sa mga sangkot sa MFF Scam na si Viveka “Take it! Take it!” Babajee ay nagbigti noong Hunyo 25, 2010 sa Mumbai dahil sa depression.

Read: Former Miss Mauritius Viveka Babajee commits suicide in India

Si Mayor Alfredo Lim ay na-COVID-19 at pumanaw noong Agosto 8, 2020.

“Isa lang ang naano ko talaga, yung malaki rin talaga ang nagagawa nung nakikisama ka,” lahad ni Manay Lolit.

“Di ba? Yung even yung kahit na… kasi, honest naman ako sa feeling ko. Pag kaaway ko, kaaway ko. Siguro it’s better than yung fake ka.

“I mean, sa akin, kung ano ang masasabi mo dun sa talikod nung tao, puwede mong sabihin sa harapan niya. Hindi ka matatakot dapat, di ba?”

Ipinagdiinan ni Manay Lolit na siya ang mastermind sa Manila Film Fest Scam. May bago pa ba siyang isisiwalat, idadagdag, o lilinawin kaugnay rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa muli si Manay Lolit, “Hahaha! Wala na! Hahaha! Wala na. Ako naman ang nag-isip, I have to shoulder the ano.”

Andiyan pa rin si Nanette Medved, na ngayon ay misis ng business tycoon na si Cris Po at isa nang pilantropo.

Dinalaw siya ni Nanette ospital habang nagpapa-dialysis siya.

“Alam mo, ano, hindi ko pa nga maa-appreciate yung pagdalaw ni Nanette kung kagaya pa rin siya ng dati na p*k*h-p*k*h, di ba?

“E, sa lahat ng naging alaga ko, ang iniisip kong magiging prostitute, si Nanette. P*t*ng ina, Mrs. Po ngayon, di ba?! Napaka-socialite. Na isa siyang babaeng punung-puno ng charity work.”

Sa Hulyo ay magdadalawang taon nang nagpapa-dialysis si Manay Lolit. Dinalaw na ba siya ni Ruffa Gutierrez sa ospital?

“Hindi… si Ruffa, p*kp*kengkay naman yun, di ba?” napangiting sabi ni Manay Lolit.

E, si Viveka Babajee, “nagparamdam” ba ito sa kanya? Sumagi ba ito sa kanyang panaginip?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malakas na humalakhak si Manay Lolit.

Mayo 21, 1994 ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas. Kinatawan ng Mauritius si Viveka. Mag-aartista na sana si Viveka sa local showbiz sa ilalim ng management ni Annabelle Rama.

Umalis agad ng Pilipinas si Viveka matapos sumabog ang MFF Scam.

“Si Babajee! Si Babajee! Dumalaw siya, pumunta siya dito. Ewan ko kung sino ang kasama niyang dumalaw,” sey ni Manay Lolit.

“Bumalik siya. Hindi ko lang maalala kung sino ang kasama niya nang dumalaw noon.”

GABBY AND LOLIT THEN AND NOW

Pagkatapos ng MFF Scam ay nagsaulian ng kandila sina Lolit at Gabby.

Nagtungo sa Amerika si Gabby at iniwan ang showbiz.

Nagkaroon daw sila ng chance encounter taong 2006 sa Las Vegas, sa victory party ni Manny Pacquiao para sa laban niya kay Mexican boxer Erik Morales.

Read: Gabby Concepcion on seeing Lolit Solis again: "Time has its way of curing and healing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2008, after 13 years of staying in the U.S., ay bumalik sa Pilipinas si Gabby at nag-artista itong muli, pero iba na ang manager.

Nagkakausap pa rin ba sila?

"Si Gabby kasi, iba ang personalidad. Yung ano, matatakutin,” pagmamatwid ni Manay Lolit.

"Kung si Bong siguro iyon, after na magkabati kayo, yun bang hindi matatakot approach-in ka.

"Si Gabby, natatakot yun. ‘Ay! Baka tarayan ako pag kinausap ko siya.’ Napansin ko iyon.

"Eto nga ang very grateful ako kay Bong, di ba, nag-birthday ako, nakakulong siya?

“Di ba, sabi niya, dun ako mag-lunch sa Crame? Bibigyan niya ako ng ano. Day! Ginawan niya talaga ng paraan na makapunta dun si Gabby.

“Akala niya, yun ang makakapagpaligaya sa akin. Talagang si Gabby, andudun na pero parang yung mga salita niya, parang guarded. ‘Ay! Kumusta ka na ngayon?’ “Yun bang ganun.

"Ako kasi si Gabby, hindi kamukha ng… ano ba yung ganun? Yung hindi open?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW IS MANAY LOLIT?

Dapat ay three times a week na ang dialysis ni Manay Lolit pero tumanggi siya.

Katwiran niya, “Hoy! Hindi, no. Biro mo kasi, may mga bad day na dialysis, may good day naman. May bad day na pag nagpa-dialysis ka, parang ang lungkut-lungkot mo. Nakaka-depress. ‘Ano ba ‘to?!’ Parang gusto mo nang matsugi. Ganun ang ano ng dialysis, e. Merong good day naman na energetic ka.”

For life na ang pagda-dialysis.

Sinabihan si Manay Lolit ng doktora niya na posibleng ma-extend ang buhay niya nang 20 years basta huwag siyang papalya sa dialysis. Napabuntong-hininga si Manay Lolit, “Merong ano pa roon pag natutulog ka habang nagda-dialysis, ginigising-gising ng nars. Kasi kung minsan, naaatake na pala.

“Eto pala talaga, ang next talaga, maaatake ka.”

Mahigit singkuwenta ang mga alagang aso dati ni Manay Lolit. Merong isang buwan na ang binayaran niya para sa dog food ay PHP120,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naisip ko, impractical na ito. Pero naisip ko, baka naman nagpe-pray ang mga dog ko, my God!” saad ni Manay Lolit.

Baka “sinasalo” ng mga aso ang sakit niya, at pinapahaba ang kanyang buhay?

Napatango si Manay Lolit, “Saka baka nagpe-pray sila na, ‘Magkaroon ng pera ang Lola Lolit namin,’ parang ganun kasi. May emotional attachment talaga sila sa iyo.

“Alam mo, na-feel ko, halimbawa may sakit ako, may ano… tahimik sila, hindi sila nagba-bark. Talagang behaved sila.

“Pero pag energetic ako, nag-aanuhan sila dun. Naglalandian.”

Bago mag-dialysis si Manay Lolit, dalawang dosena pa raw siguro ang mga aso niya. Ngayon ay labing-apat na lang ang natira.

“Nung sabihin na meron akong acute kidney trouble, iyong isa kong dog na pinakapaborito ko, natsugi agad,” pagbubunyag ni Manay Lolit.

“At sinabi ng vet med, ang ikinamatay niya… kidney.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa taong 2024, saktong 30 years na ang nakalilipas mula noong naging sentro ng kontrobersiya si Lolit Solis dahil sa pagiging "mastermind" niya sa Manila Film Fest scam.
PHOTO/S: Gerry Olea; File; Design Elements from Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results