Muling bubuhayain ni Pokwang ang gourmet business nila ng dating estranged partner na si Lee O'Brian.
Sa Instagram ngayong Biyernes, February 23, 2024, nag-upload si Pokwang ng short video kung saan ipinakita niya ang tila commissary ng dati nilang PokLee business ni Lee.
Sabi niya sa background, "Malapit na, konti na lang. Magbabalik na muli ang aking Mamang Pokwang's Gourmet—tuyo, laing, bagoong, aligue, suka.
"Kung natatandaan niyo, ito po ang dating PokLee, ibabalik ko na po nang ako na lang.
"This time ako, ako lang. Ako lang naman ang nagmahal. Chos! Ang iba nanggamit lang. Ay, chos!
"Konti na lang, ibabangon ko ulit yan."
Mensahe niya sa caption, "Mga suki konting hintay nalang po at muling babalik ang @mamangpokwangs_gourmet mas matatag, mas malawak mas bongga"
View this post on Instagram
Sa comments section, nagtanong ang isang follower kung wala na bang paraan upang mabawi ni Pokwang ang access sa YouTube account nila ni Lee.
Ayon dito, "Wala po bang paraan na ipaglaban din sa court na makuha mo rin access ng youtube mo na ikaw naghirap po? yong sa business nyo? Mabigay rin sayo ang name na mas marami followers po nun eh.. good luck mamang, im proud of you kasi pnaglalaban mo ang dapat"
Tugon dito ni Pokwang, "ask mr. @leeobrian when is he planning to give back that youtube to us? and when he’s gonna stop exploiting me and @malia_tisayngmasa18 ask him."

Sabi naman ng isa, "For sure he won't stop kc wala sya pera eh.hayaan mo nlng mamang Di natulog c LORD nkita nya paghihirap mo"
Pagsang-ayon ni Pokwang, "Oo at iyon ang ginagastos nya pang party kasama mga pokpok hahahaha sarap buhay."

"AKO LANG NAMAN ANG NAGMAHAL..."
Ilang beses nang sinabi ni Pokwang na "user" si Lee.
Kaya naman nasabi niyang siya lang nagmahal sa relasyon nila at ang isa ay nanggamit lamang.
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Komento ng isang follower, "Ako lang naman nagmahal yung iba nang gamit lang“ MAMANNNG ANG AGA AGA"
Sagot niya, "true naman hhahhahahhahaa"

Sumang-ayon dito ang isang netizen na tila kaibigan ni Pokwang.
Aniya, "Totoo yan!! Ikaw lang naman ang nagmahal!!!"
Ayon kay Pokwang, "alam mo yan marse...."

Sabi ng isa pang follower, "Sinayang ka ni Papang nasa bed n sya biglang Potong na harrr
Sabi ng TV host-comedienne, "ginising ako ng langit hahahaha tama na daw si user mga anak ko naman daw."

Suportado naman siya ng isang follower.
Mensahe nito, "Yes mamang kayong tatlo ng mga anak mo. Ipaglaban ang mga kababaihan, with the help of God kaya mo yan kahit wala kang asawa, and naexperience mo na rin so you’re really blessed. Keep up the good job"
Pagsang-ayon ni Pokwang, "mas palalawakin ko ang negosyong nagamit lang sa pansariling kapakanan hahhahaha"

Payo ng isang follower, "And mamang take as much as time to heal, speak out and let it all out. Hayaan mo mga bashers and insecure na mga wala naman ambag and bilang! Hahaha LABAN!!! I love you mamang!"
Saad niya, "true at deserve nila ang pang babarubal ko sakanila bwahahahahaha mga dark souls"

Sa ngayon, looking forward si Pokwang sa susunod na buwan dahil nabalitaan niyang aalis na ng Pilipinas si Lee.
Read: Pokwang claims ex-partner Lee O’Brian will finally leave the Philippines "next month"
