PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu says no to second chances: "Bakit mo ako iniwan, di ba?"

Kim: "Sa pagmamahal, ilalaban mo naman talaga."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 22, 2024
Kim Chiu says no to second chances
Kim Chiu on giving second chances in love: "Ako kasi yung taong kapag iniwan na ako... Bakit mo ako iniwan, di ba? So hindi na."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Hindi naniniwala si Kim Chiu sa pagbibigay ng second chance sa isang relasyon.

Paninindigan ng actress-TV host, wala nang balikan kapag siya ay iniwan ng taong mahal niya.

Ito ang ibinahagi ni Kim sa segment na "EXpecially For You" sa It's Showtime nitong Miyerkules, February 21, 2024, nang tanungin siya ng co-host na si Vhong Navarro tungkol sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa naging karelasyon.

Ang tanong ni Vhong kay Kim ay mula sa naging sagot ng isang searchee sa naturang segment.

Ayon sa searchee, kung sakaling palayain nito ang taong mahal niya, naniniwala siyang kung sila ang para sa isa't isa ay babalik at muli silang pagtatagpuin ng tadhana.

Mabilis namang ibinaling ni Vhong ang naging sagot ng searchee sa katabi niyang si Kim.

Hirit ni Vhong, "Nag-a-agree ka rin ba dun, Kim, na kung para sa iyo, e, babalik siya?

"Di ba, nilaban mo naman, tapos nawala? Pero kapag gusto pang bumalik, papayagan mo pa bang bumalik?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Kim, "Sa pagmamahal, ilalaban mo naman talaga.

"[Pero] ako kasi yung taong kapag iniwan na ako...

"Bakit mo ako iniwan, di ba? So, hindi na."

Read: Kim Chiu cries while talking about moving on

Pero paglilinaw ni Kim, magkakaiba naman ang pananaw ng tao pagdating sa usaping ito.

Hindi rin daw ibig sabihing dahil hindi siya naniniwala sa second chance ay ganoon na rin ang iba.

Paliwanag niya, "Hindi naman sa ano, iba-iba naman kasi yan. Saka kapag nandun ka na, hindi mo talaga masasabi.

"Wala talagang makakapagsabi kung ano ang magiging desisyon mo kapag nandun ka na [sa sitwasyon].

"Today iba ang sagot mo, kahapon iba, bukas iba rin, di ba?"

Read: Kim Chiu on failed relationships: "Wala akong pinagsisihan."

Marami sa fans ng aktres ang ikinonekta ang sagot niya sa hiwalayan nila ng long-time boyfriend na si Xian Lim.

Ito'y kahit wala namang nabanggit na pangalan si Kim ukol sa naging karelasyon niyang hindi na nito binigyan ng second chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda teases Kim Chiu about finding new love

Noong December 23, 2023, ay kinumpirma nina Kim at Xian ang kanilang paghihiwalay matapos ang labindalawang taong relasyon.

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Maliban kay Kim, natanong na rin si Xian tungkol sa usaping second chances.

Noong January 8, nakausap ng PEP Troika si Xian, at dito natanong siya kung naniniwala ba siya sa second chance.

Walang binanggit na pangalan ang PEP Troika, ngunit mahihinuhang patungkol ito sa pagmamahalan nila noon ni Kim.

Ayon sa Love. Die. Repeat. leading man, naniniwala siyang ang lahat ng bagay sa buhay ay nangyayari na may dahilan.

Ani Xian, “I think, in life, everything happens for a reason. Yun lang naman po yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.

“Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.

"Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”

Read: Xian Lim: "Everything happens for a reason."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang isinasapublikong dahilan ang dating magkasintahang Kim at Xian kung bakit sila naghiwalay.

Samantala, sa ngayon ay nananatiling single si Kim matapos sabihin sa isang interbyung hindi muna priority ang paghahanap ng bagong iibigan.

Read: Kim Chiu gets candid about finding "the one" after breakup with Xian Lim

Habang ang ex-boyfriend niyang si Xian ay nauugnay naman ngayon sa film producer na si Iris Lee.

Read: Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on giving second chances in love: "Ako kasi yung taong kapag iniwan na ako... Bakit mo ako iniwan, di ba? So hindi na."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results