Tuloy na tuloy na sa April 13, 2024 ang BLVCK Summer Festival na na-postpone noong una itong ianunsiyo.
Ang BLVCK Summer Festival ay inorganisa ng BLVCK Entertainment at ng Rekta Sa Kalye.
Layunin ng festival na lalo pang palakasin ang local artists.
Nasa 30 artists mula sa OPM, hip-hop, at P-pop genres ang magsasama-samang mag-perform sa SM Mall of Asia Grounds simula 9 a.m.
Kabilang dito sina Rico Blanco, Sandwich, Franco, December Avenue, at Flow G.
Read: Review: Rivermaya brings joy, nostalgia in highly-anticipated reunion concert
Ayon sa mga boss ng BLVCK Entertainment na sina Engineer Louie and Engineer Grace Cristobal, isa sa hangarin nila sa summer festival ang makatulong sa OPM scene.
"Ang BLVCK Summer Festival po ay produced ng BLVCK Entertainment Productions, Inc. kaya po BLVCK Summer Festival.
"Ang vision namin dito, in-cooperation with Rekta Sa Kalye, alam naman po natin na ang kalye is street.
"We’re giving opportunity lalo na po sa mga bagong sibol pa lang sa industriya ng rap, hip-hop. And we’re also giving opportunity dito sa mga tao na ito.
“Lalo na po ang mga bagong artists na gusto rin naman pong pumasok sa industriya ng mainstream.
"Itong event na ito, pinakahihintay po natin na maipakita ang iba’t ibang klase ng talents, na minsan, galing lang din sa streets."
Read: December Avenue members reveal juggling day jobs despite having viral hit songs
WHY THE CONCERT GOT POSTPONED
November 2023 pa sana ito naganap ngunit nagkaroon ng problema sa unang producer, sabi ng CEO at director ng festival na si Mong Feliciano.
Nagmula pa ang concept sa kumpanyang Drop Out.
Hanggang sa nabuo ang partnership ng BLVCK Entertainment at Rekta Sa Kalye.
"But right now, sila ang naging resolution. It’s aligned with their vision," ani Engr. Grace.
"Meaning, yung vision nila, pareho kami ng tinitingnan na ruta. And right now, hayan na, mangyayari na talaga siya.
"Ang Rekta Sa Kalye, isa yan underground movement na naging festival.
"Naging sobrang diverse, may mga natulungan kaming tao, and so far, may pumalit din sa amin.
"Yung ginawa namin noon, tinulungan naman kami ngayon."
WHERE TO BUY THE TICKETS
Sa mga gustong bumili ng tickets, available ito sa Shopee at Lazada.
Available rin ito sa SM Ticket Net at online site ng Rekta Sa Kalye.
Ang ticket prices ay PHP3500 (VIP), PHP2000 (Gold) at PHP1000 (Gen Ad).
