Matutuloy na ang pag-alis ng American actor na si Lee O'Brian sa Pilipinas, ayon mismo sa kanyang estranged partner na si Pokwang.
Isiniwalat ito ni Pokwang sa pakikipagsagutan niya sa bashers na nagkomento sa Instagram post ni Lee noong Valentine's Day, February 14, 2024.
Read: Pokwang: Through heartbreaks, hardships, happiness
Binati ni Lee ang anak nila ni Pokwang na si Malia O'Brian.
Mensahe ni Lee sa caption, "Happy Valentines Day to you, my Malia!! You’re always in MY heart and I love you!!"
View this post on Instagram
Kahapon, February 20, 2024, mukhang nabasa ni Pokwang ang nasabing post ni Lee at ang mga komento ng ilang bashers na binanggit pa ang kanyang pangalan.
Hindi nangimi si Pokwang na sagutin ang ilan sa mga ito.
Tanong ng isang netizen, "Asan si pokey? Hahahaha"

"Pokey" ang palayaw ni Pokwang sa showbiz.
Tugon ng TikToclock host (published as is), "Nasaan ako? eto nag pa file ng another case VOWC hahahhahahaa ready kayo?"
"VAWC" o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Republic Act No. 9262) ang ibig tukuyin ni Pokwang sa "VOWC."

Obserbasyon ng isang netizen, "Nabura na ata…nawala na eh"

Paglilinaw naman ni Pokwang, "nandito pa ako nag re ready ng another case VAWC ready na ba kayo nabipagtanggol yan?"

Isang netizen naman na walang profile picture ang tumawag kay Pokwang na "chaka" o pangit.
Komento nito, "Ang chaka ng ugali mo kasing chaka ng itsura mo, bakit ngaun ka lng mag file ng kung ano ano dapat nuon pa. Dapat isa ka rin sa makasuhan dahil kinupkop mo xa at knows more na nag wowork xa ng hnd nmn work visa ang visa nya. Epokrita. Kaya ka cguro iniwan dahil sa ugali mong yan."

Hindi ito pinalampas ni Pokwang.
Buwelta niya sa netizen: hoy UL*L bago mo ako tawahing chaka ipakita mo muna mukha mong t*e! ni wala ka ngang picture hahahaa ul*l ka! troll!!! Sipsep buto! lawyer ka pala edi tulungan mo yang kapwa mo ul*l!"

Tanong naman ng isang netizen kay Lee, "How about Pokwang? is she still in your heart"

Sagot dito ni Pokwang, "wala naman puso yang user nayan hahaaha"

"LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND DAW..."
Ang nasabi ring netizen ay nagtanong muli kay Pokwang tungkol sa pagbabalikan.
Ayon dito, "Paano kung suyuin ka uli ? paano kung marealize nya na mahal ka nya talaga ? would you give him another chance? love is lovelier the second time around daw…"
Tugon ni Pokwang, "hindi kasi kung mahal nya talaga ako sa simula palang di nya ako sasaktan at di nya ako papipiliin, ipaglalaban nya ang makasama kami kahit anobpa nangyare samin bilang tao, pero nangarap sya ng buhay sa pinas na gusto nya pero hindi pala kami kasama sa pangarap nyang iyon, at ang buhay na gusto pala nya ay, PARTY PARTY SA BGC!!!! Woohoooo EXPAT NA EXPAT YAYAMANIN WOOHOOO"

Komento ng isang netizen, "nandito na naman aswang nang di maka move on"
Birada ni Pokwang, "kasi nandito kayong mga kapwa nya DEMONYO HAHAHHAAA"

"I'M SO HAPPY..."
Sabi naman ng isang netizen, kahit may hindi pagkakaunawaan ang mga magulang, nararapat lamang na hindi masira ang bonding ng mag-ama.
Aniya, "No matter what animosity exists, father and daughter bond should never be destroyed."

Tugon dito ni Pokwang, "ask him who destroyed his bonding and relationship with his own daughter? ASK HIM WHO??????"

Sabi pa ng isa, "Pokwang will be triggered again"

Sinagot ito ni Pokwang.
Saad niya, masaya na siya dahil aalis na si Lee ng Pilipinas sa susunod na buwan.
Aniya, "im so happy kasi lalayas na sya next month dahil kung hindi naka abang na si Tulfo at VAWC hahhahahhaha HAPPY!!!"

Sa panayam kay Pokwang nitong nakaraang February 9, nakarating daw sa kanyang naghahanda na si Lee na umalis ng bansa.
Aniya, “Nakarating na sa akin na nagliligpit-ligpit na. Para sa kanya, para sa akin din ito, para sa kapayapaan naming pareho."
Read: Pokwang sinabing "nagliligpit-ligpit" na ang ex-partner na si Lee O'Brian
