Pangatlong Vivamax film na ng male star na si Anthony Davao ang Room Service, ang sumunod sa pelikula niyang Purificacion na sinundan ng Tayuan.
Nakagawa naman siya ng dalawang Vivamax series, ang Lovely Ladies Dormitory at An/Na.

Nagpaseksi ba si Anthony nang husto bilang si Benjo sa Room Service?
Tugon ni Anthony, “Hindi naman siya totally sexy. Ano lang ako dito like medyo naughty guy na gusto ko si Carol.
"Makulit ako sa kanya then may scene na ni-rape ko siya, pero attempt lang, hindi natuloy.”
Available for streaming sa Vivamax ang Room Service.
Lead female star dito si Shiena Yu na gumaganap bilang si Carol, kasama sina Angelo Ilagan bilang Michael at Nathan Cajucom bilang si Arvin, sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Read:
Vivamax sexy actor Ali Asistio napagkamalang teenager sa Europe
Angeli Khang huling pelikula na sa Vivamax ang Salawahan
STAR-STUDDED FAMILY
Isang freelance gym instructor si Anthony na nakabase sa Parañaque City.
Sa mga hindi nakakaalam, maituturing na isang showbiz royalty si Anthony dahil lolo niya ang dating character actor na si Charlie Davao, tiyuhin niya sina Bing at Ricky Davao, at tiyahin naman niya ang dating aktres na nakabase na ngayon sa Amerika na si Mymy Davao.
Ang ama ni Anthony ay ang dating child actor na si Charlon Davao na cast member ng sikat na '80s sitcom na Eh, Kasi Babae nina Gloria Diaz, modelong si Bessie Badilla, Janice Jurado, at sina Maria Teresa Carlson at Tiya Pusit na kapwa yumao na.
May advantage o disadvantage ba na galing siya sa pamilya ng mga artista?
Lahad ni Anthony, “Actually, meron pong advantage kasi simula bata ako, I see them, I go with them, I watch them.
"Nakita ko kung paano nila ginagawa and inaaral yung script and all, so I had the vision and the idea on how actors do their work.
“And at times we talk about it, di ba ganun naman sa family, ‘Gusto mo bang mag-artista?’
“At first I was like hesitant kasi bata pa ako, hindi ko pa sigurado kung gusto ko ba. Puwede, parang masaya kasi.
“Pero when I reached this age, sabi ko if given the opportunity, I want to, decided na ako.”
Kaya naman labis raw ang pasaalamat ni Anthony na binigyan siya ng Vivamax ng pagkakataon na maging artista.
Read:
Albie Casiño, next Vivamax King?
Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
NO TO FRONTAL NUDITY
Nagkaroon na ng butt exposure at pumping scene si Anthony sa Tayuan at sa An/Na.
Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya na nagpapaseksi siya sa mga proyekto niya sa Vivamax? May nagulat ba?
Aniya, “Wala naman. They just congratulated me, they said they’re proud of me. Wala namang, ‘O, sexy star ka?!’
“Wala namang questions na ganoon, siyempre they’re all professionals naman.
“Ang hinihiling lang nila is their restriction na walang frontal, and depende rin sa akin, yung male-to-male restrictions.”
Ayaw ni Anthony ng love scene sa kapwa niya lalaki, ayaw rin daw niya ng BL o Boys Love na proyekto.
Hanggang pagpapakita lamang ng puwet sa kamera ang kaya ni Anthony.
Napanood raw ng parents niya ang butt exposure niya sa An/Na at Tayuan, at wala naman raw negatibong reaksiyon ang mga ito.
Kuwento ni Anthony, “Si Auntie Mymy nakuwento ko lang, hindi pa niya napapanood.
"Okay naman, nagbigay lang siya ng mga advice about the restrictions na if I’m going to do butt exposures, okay. But yung frontal, don’t do it.”
Kahit raw naman mismo si Anthony ay hindi nga kayang mag-frontal nudity.
Hindi rin daw niya kaya na mag-portray ng gay character sa isang proyekto.
“I only wanna be seen in a manly na character, I wanna be known as a sexy actor na manly,” deklara pa ni Anthony.
Paano kung pang-award pero gay role?
“It doesn’t end here naman,’ sambit ni Anthony, na puwede pa raw naman magbago ang isip niya kung sakali.
“I’m open to possibilities naman.”
Paano siya nagpipigil na ma-arouse kapag gumagawa siya ng love scene kapareha ang isang magandang VIvamax actress?
“For me, it’s just being professional. Kahit gaano ka-attractive yung girl, hindi naman natin maitatanggi na kapag maganda yung partner mo, ma-appreciate mo yun, maa-arouse ka.
“But for me, honestly, pag nasa set ako and I’m acting, I don’t actually get aroused by it.
"I’m just acting, I’m doing what I need to do and show them that I’m being aroused.”
Pinsan ni Anthony si Rikki Mae Davao, ang anak nina Ricky at Jackie Lou Blanco, na kailan lamang ay naisulat rin ng awtor na ito dito sa PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) tungkol sa pagiging lesbian nito.
ON COUSIN RIKKI MAE DAVAO
Close sina Anthony at Rikki Mae Davao noong mga bata pa sila pero ngayong malalaki na sila at pareho ng busy ay hindi na masyadong nagkikita.
Aniya, “I’m close to Ate Rikki Mae, we talk and we chat and nagkukumustahan but we don’t get together anymore kasi nag-pandemic and then now busy na rin pareho.”
Ano ang reaksyon ni Anthony sa pag-out ni Rikki Mae bilang miyembro ng LGBTQ community?
“At first I was shocked kasi hindi ko nakita, I didn’t see it coming!” pag-amin niya.
Noong mga bata raw sila at madalas magkakasama ay babaeng-babae si Rikki Mae.
“Then dumating sa point na may reunion kami, parang short hair na siya, doon parang na-feel ko na, ‘Baka si Ate Rikki Mae, lesbian.’
“But wala naman akong... if that’s who you are, don’t be ashamed, wala namang nakakahiya doon, kung ikaw iyon, let it be,” ang nakangiting pahayag pa ni Anthony.
Nakausao ng PEP.ph si Anthony noong January 19, 2024, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
