PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda more comfy doing intimate scenes with Beauty Gonzalez

Kelvin Miranda happy to work anew with Beauty Gonzalez.
by Arniel C. Serato
Published Feb 19, 2024
Kelvin Miranda tells how he prapare for a love scene
Actor Kelvin Miranda thankful to GMA management: "Ako, hindi ko naman masasabi na ako yung paborito. Pero laking pasasalamat ko na pinagkakatiwalaan ako ng Sparkle, ng GMA, ng management. Kumbaga, araw-araw ko siyang pinagpapasalamat. Ginagawa ko siyang inspiration, motivation to move forward."
PHOTO/S: Arniel Serato

May maseselang eksena sina Kelvin Miranda, 25, at Beauty Gonzalez, 32, sa pelikulang After All.

Sa pagkakataong ito ay komportable na raw si Kelvin kapag kaeksena si Beauty.

Ito ang ikalawang pagkakataong nagkatambal sila pagkatapos ng teleseryeng Loving Miss Bridgette ng GMA-7 noong 2021.

Pahayag ng Kapuso actor, "Siyempre, dahil na rin yun sa direktor, yung sa mga nakatrabaho, ganun na rin kay Beauty, siyempre mas nakikilala namin ang isa’t isa.

"Mas nagkaroon kami ng bonding, ng time sa isa’t isa. Mas naging magkaibigan kami in real life.

"On and off cam, masasabi kong sobrang komportable ko ka na sa kanya.

"Kasi before, I was very intimidated, kasi siyempre Beauty Gonzalez, nag-i-start pa lang ako."

Dahil sa tagumpay ng tambalan nila sa Loving Miss Bridgette ay ginawan sila agad ng follow-up project, ito ngang pelikulang After All. Pero tatlong taon ang hinintay nila bago ito maipalabas.

Parehong si Adolf Allix Jr. ang direktor ng dalawang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, tuloy ang love team sa After All

Kelvin Miranda, Beauty Gonzalez love team After All

Saad pa ni Kelvin, "Almost nag-i-i-start pa lang ako ng karera ko nung ginagawa ko sa industriya. Kaya nung unang pagkikita namin, nahihiya talaga, Loving Miss Bridgette pa yun.

"Inaaral kong mabuti, pinanood ko muli yung mga eksena, tiningnan ko kung ano yung mga kakulangan ko sa Loving Miss Bridgette, tapos pupunan ko sa After All.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko naman sinasabi na pareho sila ng tema o istorya, pero maaring makatulong yung pag-aaral ko sa ginagawa na materyal namin, para mas ma-develop ko nang mas maganda o mas mailayo ko, hindi kami maging parehas kung ano yung ginawa namin sa Loving Miss Bridgette.

"Para meron kaming mas maihain pa. Malaking tulong yung tiwala namin sa isa’t isa."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kelvin sa presscon ngAfter All na ginanap sa Eastwood Richmonde Hotel, sa Eastwood, Quezon City, noong February 16, 2024.

ON DOING INTIMATE SCENES

Paano siya naghahanda sa intimate scenes nila sa pelikula?

Paliwanag ni Kelvin, "Hindi ko yun iniisip, e. Kumbaga, nung nabasa ko na yung script, 'Ay, eto yung mangyayari.'

"Even Beauty and I, hindi na namin siya napagkuwentuhan. Kumbaga, nandun na lang sa set gagawin na namin, dun na lang kami nag-usap.

"Wala nang pag-overthink. Kumbaga, mag-jive kami kung ano yung mapagkasunduan namin during that time, yun lang yun, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kukunin na lang namin yung tiwala namin sa isa’t isa."

Bilang isang lalaki, nadadala ba siya sa intimate scenes?

Ayon kay Kelvin, "Kumbaga sa akin, hindi ko naman nilalahat, ito lang ay perspective ko lang naman to, opinion ko lang naman to.

"Opinyon ko lang na masasabi ko, pagdating sa ganun na madadala ka, kumbaga, once na nandun ka na sa karakter mo at naintindihan mo yung script, kung saan galing at saan mapunta, kailangan mo talagang mapunta dun.

"Pero hindi naman kasi ikaw yun, e, hindi naman ako si Kelvin during that moment, e.

"Kumbaga, yan yung karakter, e, kung ano ang hinihingi ng script, kung ano ang hinihingi ng istorya. Kailangan ko pa ring hanapin kung papano ko... paano ako maka-relate dun para mai-deliver ko kahit papano.

"Okay, relatable siya. Ito pala yung masasabi ko na nadadala ako. Naka-relate ako pero hindi ko masasabi na nadadala ako sa eksena in a 'bastos way.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-usap kami, kumbaga, once na mataas yung respeto niyo sa isa’t isa, lalo sa sarili mo, hindi ka aabot sa punto na yun, e."

GMA MANAGEMENT's FAVORITE?

Inusisa rin ng PEP.ph si Kelvin kung sa tingin niya ay paborito siya ng management ngayon.

Sunud-sunod kasi ang kanyang proyekto sa GMA-7. Paparating ang seryeng Sang'gre, sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matulis Na Misis, at paminsan-minsan ay guest din siya sa Bubble Gang.

Nakangiting sagot ni Kelvin, "Ako, hindi ko naman masasabi na ako yung paborito. Pero laking pasasalamat ko na pinagkakatiwalaan ako ng Sparkle, ng GMA, ng management.

"Kumbaga, araw-araw ko siyang pinagpapasalamat. Ginagawa ko siyang inspiration, motivation to move forward."

Bukod kina Kelvin at Beauty, kasama rin sa cast ng After All sina Teejay Marquez, Devon Seron, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Juan Carlos Galano, Tart Carlos, Kiko Ipapo, Bella Thompson, at ang beauty queens na sina Dindi Pajares, Katrina Llegado, at Riana Pangindian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsu-showing na ito sa February 28, 2024.

Read: Kelvin Miranda uncomfortable talking about “brilyante ng tubig” viral photo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Kelvin Miranda thankful to GMA management: "Ako, hindi ko naman masasabi na ako yung paborito. Pero laking pasasalamat ko na pinagkakatiwalaan ako ng Sparkle, ng GMA, ng management. Kumbaga, araw-araw ko siyang pinagpapasalamat. Ginagawa ko siyang inspiration, motivation to move forward."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results