Engaged na ang social media personality na si Christian "Xian" Albert Gaza.
Sa Facebook post ni Xian ay makikita itong nakaluhod habang isinusuot ang singsing sa isang babae na nakasuot ng white dress.
Nagsilbing background ng dalawa ang tanyag na Marina Bay Sands sa Singapore.
Caption ni Xian (written as published), "kung palagi na lang akong matatakot sa mga nangyayaring hiwalayan eh 'di hindi ko na mararanasan ang tunay na kaligayahan."
Nag-post din si Xian ng video na kuha on the same day ng kaniyang proposal.
"I thought marriage is just a paper, 'til I met you," sabi ni Xian.
on BORROWING MONEY
Sa separate post ni Xian ay sinabi nito na nanghiram siya ng malaking halaga para may pambili ng engagement ring.
"Hindi ako liquid ngayon kaya umutang ako ng PHP100,000 kay Boss Toyo pambili ng singsing," kuwento ni Xian.
Si Boss Toyo ay isang rap artist at businessman na nakilala rin bilang content creator at social media star.
Pagpapatuloy ni Xian (published as is), "Kahit naghihirap na ko at walang pera eh gagawan ko ng paraan kasi naniniwala ako na walang babae ang may deserve ng 299 ring mula sa Shopee."
Ang tinutukoy ni Xian ay ang naging viral na usap-usapan matapos na magbigay ang isang binata ng mumurahin na engagement ring sa kasintahan.
Read: HOT TOPIC: Dalaga, may himutok tungkol sa PHP299 engagement ring mula sa nobyo
"Kung hindi ko kayang diskartihan ang isang decent engagement ring, paano pa kaya yung kinabukasan naming dalawa at ng magiging anak namin?" tanong ni Xian.
Read: Celebrities weigh in on viral engagement ring worth PHP299
GRAND GESTURES
Nakilala si Xian nung 2017 matapos siyang magpalagay ng billboard ad para sa aktres na si Erich Gonzales.
Paraan daw ito ni Xian para maihatid ang kanyang mensahe kay Erich na nais niya itong yayain magkape.
Si Xian ay isa ring self-confessed scammer, na nakulong noong 2018 dahil sa usapin tungkol sa pera.
Self-confessed lalaking “Marites” o tsismoso rin siya.
Nung 2021 ay muling lumikha ng ingay si Xian matapos magrenta ulit ng billboard sa South Korea para naman yayain kumain sa labas ang member ng sikat na all-girl group na Blackpink na si Jennie.
Read: Xian Gaza asks BlackPink's Jennie out for dinner through a billboard in Seoul