Lalong nagpakinang sa Rivermaya reunion concert ang pagdalo ng bigating mga artista na nakinood kasama ng multitude of fans ng sikat na '90s OPM band.
Ang Rivermaya ay binubuo nina Bamboo Manalac, Rico Blanco, Mark Escueta, at Nathan Azarcon.
Una na rito si Daniel Padilla, na kasamang dumalo sa concert ang nakababatang kapatid na si Magui Ford.
Ito ang isa sa bihirang public appearance ni Daniel ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng girlfriend of 12 years na si Kathryn Bernardo.
Paborito ni Daniel na kantahin "Hinahanap-Hanap Kita," isa sa mga sikat na love songs ng band, na ni-revive ng Kapamilya star sa kanyang debut EP noong 2012.
All-out support din ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa Rivermaya.
Malapit si Sarah sa original lead vocalist ng band na si Bamboo, dahil ilang-beses silang naging kapwa coach sa dating editions ng The Voice reality show franchise ng ABS-CBN.
Kasama ni Sarah sa concert ang mister na si Matteo Guidicelli.
Proud girlfriend naman si Maris Racal na nagdala pa ng banner na "RICO MY OPPA!" bilang suporta kay Rico.

Soundcheck palang ng banda ay nanood na si Maris.
Sabi ni Maris sa caption ng kanyang Instagram post (published as is): "RIVERMAYA THE REUNION WAS [FIERY HOT].
"What an experience! Witnessed GREAT chemistry on stage. and they played Sunog during soundcheck (THANK YOU)."
Ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal ay proud wife naman sa mister na si Mark.
Bitbit ni Jolina sa concert ang dalawang anak na sina Pele at Anika.

Nakasama rin ni Maris ang mga kapwa Kapamilya stars na sina Kaila Estrada, Darren Espanto pati na ang magkasintahang Jane Oineza at RK Bagatsing.

Spotted din sa concert sina Judy Ann Santos, Dominic Roque, at Bella Padilla.
Napiktyuran sina Dominic at Judy Ann, na best friend ng tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo.
