PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baliwag Mayor Slams 'Abot Kamay' Show; GMA-7 Acts

"Kinokondena namin ang iresponsableng pagsusulat ng iskrip..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 17, 2024
Baliwag Mayor calls out Abot Kamay Na Pangarap
Baliwag Mayor Ferdie Estrella (left circle) calls the attention of GMA-7 afternoon drama series Abot Kamay na Pangarap, which allegedly made fun of the city’s name.
PHOTO/S: Ferdie Estrella Facebook/GMA Network YouTube

Dismayado si Mayor Ferdie Estrella, ang alkalde ng lungsod ng Baliwag (o Baliuag) sa Bulacan, sa Kapuso afternoon prime drama na Abot Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan ni Jillian Ward.

Ito'y matapos niyang hindi magustuhan ang isang episode na umere sa GMA-7 noong February 14, 2024, kunsaan ginawa raw katatawanan ang pangalan ng kanilang lungsod.

Read: Jillian Ward: "Minsan nakakalimutan ko na artista ako."

Ang tinutukoy ni Estrella ay ang eksena sa bilangguan kunsaan makikita si Moira Tanyag, ang karakter ni Pinky Amador, na nasiraan ng bait matapos itong makulong.

Isa sa kasamahang preso ni Moira ay si Madam Lotus (Jackie Lou Blanco), ang nakasaksi sa animo'y pagdedeliryo ni Moira.

Nasa eksenang ito ang linyang hindi nagustuhan ni Estrella.

"Nagdedeliryo na [si Moira], akala mo may kaaway. Papunta na ito sa Baliwag, Bulacan," ani ng karakter ni Jackie Lou, kasunod ng halakhakan ng iba pang inmates.

Ang salitang "Baliwag" ay ginagamit bilang balbal na salitang pamalit sa salitang "baliw" o nasisiraan ng bait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok ni Estrella, kalapastangan ito sa kanilang lungsod dahil nagpapakita raw ito ng kakapusan sa kaalaman at kawalan ng sensibilidad sa usaping may kinalaman sa mental health.

Agad namang umaksiyon ang production team ng Abot Kamay na Pangarap sa himutok ni Mayor Estrella.

ESTRELLA DEFENDS CITY'S LEGACY

Sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas nitong Biyernes, February 16, nanawagan ang mayor sa production ng serye.

Aniya, hindi tama na ikonekta ang kanilang lungsod sa isang balbal na salita na may hindi magandang kahulugan. Dahil higit pa raw rito ang magandang kuwento sa kasaysayan ng Baliwag na maaaring hindi alam ng karamihan.

Mababasa sa kanyang pahayag (published as is), "Ang Baliwag (o Baliuag) ay isang lungsod sa lalawigan ng Bulacan na lunduyan ng kasaysayan at hitik sa kultura at tradisyon.

"Kilala ito dahil dito nagmula ang mga bayaning sina Mariano Ponce at Col. Antonio Buenaventura (Pambansang Alagad ng Sining Musika), mga pamana tulad ng paglalala ng sumbalilong buntal at mga muwebles na may imbute, at gayundin ang pinakamahabang prusisyon tuwing Mahal na Araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami ang itinuturing na pinagmulan ng pangalan ng Baliwag ngunit hindi isa rito ang salitang baliw.

"Ang baliuag ay isang matandang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay malalim (deep, profound sa Ingles; hondo, profundo sa Kastila). Ito ay nailathala noong 1800 bilang isang salita sa Vocabulario Lengua Tagala at makikita sa pahina 33 ng diksyunaryo. Ito rin ay matatagpuan sa pahina 115 ng Diksyunario Tesauro ni Jose Villa Panganiban (Villacorte, 2001).

"Kung ating dadalumatin, maaaring ang lungsod ay pinangalanang Baliwag dahil ito ay kinakitaan ng katangian ng pagiging malalim: una, dito ay dumadaloy ang malalim na ilog, at pangalawa ay maaaring ang mga taal na nakatira rito ay malalim kung mag-isip."

Read: Afternoon Prime dramas ng GMA-7, patuloy ang pamamayagpag sa ratings

ESTRELLA CALLS OUT production team

Buwelta pa ni Estrella, hindi dapat ginagawang katatawanan ang isang taong may pinagdadaanan sa pag-iisip.

Hindi rin daw ito mapapalampas ng kanilang lungsod na nagsusulong at nagtataguyod ng adbokasiya patungkol sa mental health.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Estrella, "Bago gamitin ang ngalan ng isang lugar, nararapat lamang na isaalang-alang ang kasaysayan nito para akmang mailapat sa konteksto ng isang palabas.

"Isa pang punto sa usaping ito ay ang pang-iinsulto at gawing katatawanan ang kalagayan ng isang baliw.

"Ang Lungsod ng Baliwag ay isa sa mga nagtataguyod ng adbokasiya sa mental health kaya naman hindi rin kami sumasang-ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at ikinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapangpahiya ng sinuman.

"Ang isang palabas sa telebisyon bilang isang sining at bahagi ng industriya ng libangan ay may responsibilidad na makapagbigay ng tamang impormasyon, makapagpapahayag nang walang natatapakan, at makapagbigay ng kasiyahan na may respeto sa kapwa, kultura, at lipunan."

Kinondena rin ni Estrella ang scriptwriter ng nabanggit na serye, na tinawag pa niyang "iresponsable."

Saad ng alkalde, "Kinokondena namin ang iresponsableng pagsusulat ng iskrip at pagpapalabas nito.

"Nawa ay hindi na ito maulit, magsilbing aral, at makalikha ng kamalayan para sa mga susunod pa na palabas at iba pang pagtatanghal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GMA-7'S RESPONSE

Agad namang umaksiyon ang pamunuan ng top-rating drama series.

Ayon sa text message na ipinadala ni Angel Javier-Cruz, ang vice president ng GMA Corporate Affairs and Communications, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, February 17, 2024 (published as is): "Asst Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria has reached out to Mayor Ferdie Estrella on behalf of the writer and the program and they will also meet with him on Monday to deliver the apology letter personally. All’s well that ends well. Thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jillian Ward's biggest takeaway from Abot Kamay na Pangarap role

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baliwag Mayor Ferdie Estrella (left circle) calls the attention of GMA-7 afternoon drama series Abot Kamay na Pangarap, which allegedly made fun of the city’s name.
PHOTO/S: Ferdie Estrella Facebook/GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results