Kasabay ng selebrasyon ng Valentine's Day, ipinakilala na ng Kapamilya actress na si Karina Bautista sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend — ang Philippine men's ice hockey team captain at coach na si Manny Billones.
Sa episode ng Magandang Buhay noong February 14, 2024, ikinuwento nina Karina at Manny kung paano nagsimula ang mahigit isang taon na nilang relasyon.
Pagbabahagi ng Pinoy Big Brother alumna na si Karina, dahil sa interes niya sa paglalaro ng hockey ay nakilala niya si Manny.
Si Manny raw ang nagsilbi niyang coach noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang training sa hockey.
Kuwento ni Karina, "Siya ang coach kasi ng national team, siya ang captain.
"So, yung women's team, siya ang nagte-train sa amin before that time. Tapos nagwa-warm up kami. So, noong nagha-hockey ako, doon ko na siya nakilala sa ice rink."
Hindi naman daw inaasahan ni Karina na mauuwi sa totoong relasyon ang noo'y pagtuturo at pakikinig lang niya kay Manny.
Saad ng aktres, "[Noong una hindi naman ako attracted sa kanya] natatakot nga ako sa kanya, akala ko kasi snob siya.
"Tinanong ko pa nga yung friend ko na, 'Mabait ba yan? Kasi parang natatakot ako mag-hello kasi baka hindi ako pansinin.'"
Read: PBB housemate Karina breaks up with boyfriend; Christian joins StarStruck VII
Kabaliktaran naman ito ng naramdaman ni Manny kay Karina.
Pag-amin ni Manny, unang beses pa lamang niyang makita si Karina ay nagandahan na siya rito.
Hindi rin daw niya alam na artista ito kaya naman nakasisiguro raw siyang totoo at tapat ang pagmamahal niya sa dalaga.
Sabi niya, "I was, like, 'Wow, she's pretty. Why she's playing hockey?'
"Because I didn't know what she did before. She could be a model or something.
"Coz I don't know anything about her at first."
Makalipas ang ilang buwan, naglakas-loob na raw si Manny na pormal na yayain si Karina na maka-date niya.
"Couple months later, I asked her for a date.
"It's a funny story because that time I didn't have any nice clothes so I had to go to the store so I was late to get her," pagbabalik-tanaw ni Manny.
Dagdag naman ni Karina, "Na-late siya sa [first] date namin kasi wala daw siyang susuotin. Kaya ang tagal-tagal niyang dumating.
"Pero in the end naman, kumain kami sa labas and yun, parang nag-snacks muna and then nag-dinner."
Manny praises Karina for being an independent woman
Ibinahagi rin ni Manny kung gaano siya ka-proud sa nobya dahil sa pagiging independent nito sa buhay.
Nagpapasalamat din daw siyang naiintindihan ni Karina ang pagiging busy niya sa training. Maging si Manny ay nauunawaan din ang sitwasyon ni Karina bilang artista.
Aniya, "I'm proud of her because she's so independent that I don't have to always be with her because I'm busy as well.
"She's really strong and she can take care of herself. But I'm always there if she needs me too."
Read: PBB Otso housemate Karina on being called malandi: "Siyempre as human, masakit po talaga yun."
challenges they encountered
Aminado sina Karina at Manny na ilang beses na sinubok ang kanilang relasyon.
Kaliwa't kanang pambabatikos daw kasi ang ibinabato sa kanila na ultimo ang pagmamahalan nila sa isa't isa ay kinukuwestiyon.
Sabi ni Karina, "Feeling po nila I am after Manny's wealth sa comments because his name is Manny Billones.
"Ayun lang, may nagko-comment na I am after his money and I am after whoever is richer than him.
"Pero naman, I always remind him naman and alam naman niya yun na hindi totoo."
Mensahe pa ni Karina kay Manny, "Even na ganon yung nababasa mo sa comments, huwag mong isipin na totoo, kasi minsan mapu-persuade ka.
"Huwag na huwag kang makikinig at saka magre-react na rin kapag alam mong hindi naman totoo."
Unang nakilala si Karina nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother noong 2018.
Simula nito ay nabigyan na siya ng mga proyekto sa ABS-CBN, kagaya ng Viral Scandal (2021), Hoy, Love You! (2022), at The Iron Heart (2022).
Sa ngayon ay kasama si Karina sa cast ng Kapamilya primetime series nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na Can't Buy Me Love.
Read: Anthony Jennings addresses "sapawan" issue with DonBelle in Can't Buy Me Love
