Parang teleserye ang pagmamahalan nina Phuong Hien, isang office worker, at Chuong, isang delivery rider.
Nagsimula ito four years ago sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Sa ilang Asian websites, “beauty queen” ang pagtukoy kay Hien bagamat walang detalye tungkol sa mga sinalihan niyang pageants.
Pero batay sa mga larawan, kapansin-pansing taglay ni Hien ang mga katangian ng isang beauty queen.
Nabanggit sa Vietnamese news site na VNExpress.net na si Hien ay isang “shopaholic” kaya mahilig siyang mag-order ng mga gamit online.
Sa kaka-order at kakapa-deliver ni Hien, nakilala niya si Chuong.
At sa dalas ng kanilang delivery encounters, nagkapalagayan sila ng loob at naging magkaibigan.
Read: Love on Tinder: Mae and Joseph find each other after a heartbreak
Nagkaroon sila ng mga batian sa tuwing magde-deliver si Chuong.
Nagsimulang i-follow nila ang isa't isa sa social media, kung saan nila natuklasang pareho silang mahilig sa online games.
Eventually, nagkayayaan silang maglaro online.
Hangad ni Chuong na mas makilala pa si Hein kaya isang araw ay niyaya nito ang dalaga na mag-coffee.
But Hien politely declined. Likas kasi sa pagkatao ng dalaga ang pagiging mahiyain.
Gayunpaman, hindi maipagkakailang unti-unti nang nahuhulog noon si Hien sa kabutihang loob at sinseridad na ipinapakita ni Chuong sa kanya.
Read: College student sends out almost 500 internship applications; gets accepted after four months
LONG-DISTANCE RELATIONSHIP DAHIL SA PANDEMIC
Pero mapagbiro ang pagkakataon, dahil kung kailan nagkakamabutihan na sina Hien at Chuong, saka naman nagkaroon ng pandemic.
Ang naging paraan ng pag-uusap nila ay sa pamamagitan ng text at phone calls.
At bagamat hindi sila nagkikita, naging consistent si Chuong sa kanyang pagpapahayag ng pagmamahal para sa dalaga.

Ang pre-wedding pictorial nina Chuong at Phuong Hien bago sila ikinasal noong January 2023.
THE WEDDING
Hindi nagtagal, nagbunga ang panunuyo ni Chuong: sinagot siya ng matamis na oo.
Bagamat may mga pag-aalinlangan lalo na sa pamilya ng babae, sigurado sa Hien sa kanyang naging desisyon.
Kampante siya na sa tiyaga at sinseridad ni Chuong ay makukuha rin niya ang loob ng mga magulang ni Hien.
At noong January 2023, ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa kasal, na dinaluhan ng pareho nilang mga pamilya.
Ang kanilang love story ay patunay na walang pagsubok na hindi malalampasan ng dalawang taong nagmamahalan.