PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arvin and Dianne Dizon love story : From colleagues to couple

"It's worth giving it a chance."
by Bernie V. Franco
Published Feb 14, 2024
Arvin Dizon and Dianne Dizon
Here's the love story of Dianne Suegay and Arvin Dizon, an office romance that leads all the way to the altar.
PHOTO/S: Arvin Dizon and Dianne Dizon
Article Summary

Seven years ago, Valentine’s Day, nang magsimula ang love story ng officemates na sina Dianne Suegay, 40, at Arvin Dizon, 31.

Pareho silang employees sa Summit Media—si Dianne ay revenue growth lead ng sales team at si Arvin ay lead designer ng digital operations.

Bagamat nasa iisang kumpanya, never silang nagkatrabaho para sa isang project dahil magkaiba ang kanilang department.

Pero nakakatrabaho ni Dianne ang teammates ni Arvin, kaya nakakasama niyang lumabas ang mga ito kapag meron silang successful project o pitch.

One time in 2016, inimbitahan daw ni Dianne ang teammates ng tech team, na isinama naman si Arvin.

Ani Dianne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think yun yung talagang parang close encounter.”

Pero nangyari ang kanilang proper introduction a few months later, sa isang Christmas party noon ding 2016.

Sa mismong Valentine’s Day naman in 2017, nagkayayaan ang magkaka-officemates—ang tech team ni Arvin at ang sales team ni Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na nagsimula ang friendship nila.

Sabi ni Dianne, “Single naman tayo lahat. So, iyan. Tapos dun siguro, Like, getting to know."

Pagsang-ayon ni Arvin, “Yun yung parang first how we met and how we got to know each other. Tapos from there, it developed na lang.”

Read: Love's Happy Ending: Wedding proposal bashed as "so poor"; companies pitch in for grand wedding

ARVIN AND DIANNE: HOW THEIR FRIENDSHIP BEGAN

Di nagtagal, naging komportable sila sa isa’t isa.

Sumasabay pa minsan si Arvin kay Dianne sa pag-uwi.

Sa pagpapatuloy ni Dianne, “So, naging ganon yung pattern tapos, eventually, he started giving me mga pagkain."

Sabi naman ni Arvin, “Parang ako, natutuwa lang akong na bibigyan siya. Pero hindi ko inaalis sa isip ko na baka may gusto rin ako.”

Pero sumagi na raw sa isip ni Dianne na baka may gusto sa kanya si Arvin, pero hindi umabot sa point na tinanong niya tungkol dito ang binatang officemate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Dianne, “Ayaw kong mag-assume na, ‘Nililigawan ba niya ako?’ Parang ganon."

Dianne Dizon and Arvin Dizon

Dianne Dizon and Arvin Dizon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ARVIN'S ADMISSION

Isang araw, mula sa office, nakisabay si Arvin sa kotse ni Dianne, at bababa siya sa nearby mall.

Ani Arvin: “Tapos, merong garbage truck dito sa, in front nung sasakyan. Parang, in my mind, ‘Paano kung biglang may tumapon na basura dito tapos maaksidente kami?’”

Doon daw napagtanto raw ni Arvin na malalim na ang nararamdaman niya para kay Dianne.

That moment, naisip din niyang kung may mangyaring masama sa kanila sa oras na iyon, hindi niya maipagtatapat ang tunay na nararamdaman kay Dianne.

Nagkataon ding may bagong hire sa department nina Dianne na itinutukso sa kanya.

Naging factor ito kay Arvin para tiyakin ang nararamdaman para sa kanyang officemate. Kaya bago bumaba ng kotse, nagtapat na si Arvin.

Lahad niya, “Tapos sabi ko naman sa kanya, ‘Di mo naman kailangan sumagot kaagad. Take your time.’ Tapos, hindi rin siya makasagot.”

Sabi naman ni Dianne, “Medyo na-surprise ako. Nung umamin siya, parang nagbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang feeling ko lang, yung mga efforts na nagawa niya, nag-count na noong time na friends kami.”

Aminado si Dianne sa pagkakaroon niya ng reservation dahil sa nine-year age gap nila ni Arvin.

But she chose to take it in stride.

Aniya, “Parang, ako, kung mag-work siya, since, ano pa lang naman, parang girlfriend-boyfriend, it's not like magpapakasal tayo.

“And from there, we'll check kung okay. Kung hindi, e, di, hindi…”

Binigyan ng chance ni Dianne ang relasyon nila ni Arvin dahil marami silang similarities pagdating sa values, tulad ng pagiging family-oriented at pagiging mabuting tao.

Malayo rin daw sa katotohanan ang sinasabing magkakasawaan kapag magkatrabaho ang magkarelasyon.

Unang-una, dahil magkaiba sila ng department, hindi naman nila directly nakakatrabaho ang isa’t isa.

On the contrary, naging hamon pa nga sa kanila ang pagkakaroon ng time together pagdating ng lunch time dahil may mga field work si Dianne.

Ang naging isa pang hamon sa kanila ay noong tumama ang pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong lumuwag ang lockdown, tuwing weekends, nagba-bike si Arvin mula Bulacan papuntang San Mateo, Rizal, para madalaw si Dianne.

Supportivedrin ang kani-kanilang officemates sa kanilang office romance.

Sabi ni Dianne, “Sa Summit naman, [by] nature, very welcome yung colleagues na nagiging couples. Parang andami na rin namang naging couples.

“So, hindi siya parang something na tinataasan ng kilay here in Summit.”

Pagpapatuloy niya, “And then, in terms of relationship, I wouldn't say na just because I'm older, I'm more expert when it comes to relationships. Kasi, isa lang naman din yung naging ex ko before him.

“So parang, in a way, parang it's something na both namin siya in-experience nang sabay.”

Read: Love At The Right Time: Content creator's selfie captures future husband before they met

Arvin Dizon and Dianne Dizon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAKING IT A NOTCH HIGHER

Nag-propose si Arvin kay Dianne noong March 5, 2022. May overnight trip noon sina Dianne, at sumunod si Arvin.

Bitbit na noon ni Arvin ang singsing para sa surprise-proposal kay Dianne.

Kinausap muna ni Arvin ang mga magulang ng girlfriend.

“Nagpaalam ako, sabi ko, ‘Magpo-propose po ako ngayong weekend.’ Naiiyak yung mom niya.

“Tapos, ‘Sige, basta, ano, huwag mo lang papaiyakin yung anak ko.’ Papa niya, yun din.”

Binigyan siya ng go-signal ng ina ni Dianne.

Makalipas ang isang taon, ikinasal ang dalawa noong March 4, 2023.

Hanggang ngayon, patuloy ang office romance ng dalawa. Ang pinagkaiba lang ay kasal na sila ngayon.

Sa iisang bubong na rin sila nakatira na malapit sa opisina.

Read: Love In The Time Of AI: Man finds "perfect match" in dating app using ChatGPT

ADVANTAGES OF AN OFFICE ROMANCE

Malaking advantage na sa iisang kumpanya nagtatrabaho sina Arvin at Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Demanding sa oras ang trabaho ng huli.

Sabi ni Dianne, “I guess it helped na I ended up with someone na nasa same company, kasi naiintindihan niya. Kasi ano, e, medyo maraming time yung kailangan sa work ko.

“Unlike, siyempre, kung hindi mo nakikita first-hand kung ano yung work and ginagawa, di ba, parang mahirap maintindihan na bakit ganito lang yung oras mo for me.”

Sang-ayon din si Arvin.

Aniya, nagku-complement sila, at natutulungan din siya ni Dianne na ma-improve ang kanyang designs.

Sabi ni Arvin, “Advantageous din siya kasi lalo sa line of work ko na designer. Kasi may time pag designer ka, you look at things na matagal, parang sa iyo, okay na.

“So minsan, tinatanong ko siya [Dianne], ‘Love, tingnan mo naman ito kung okay na sa iyo.’

“Tapos doon niya napapansin na, ‘Ano, ah, kailangang improve ito.’ Lalo, yung mga ibang kailangan kong gawin na work is for clients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, alam niya rin yung opportunities.”

Arvin Dizon and Dianne Dizon

ADVICE WHEN IT COMES TO OFFICE ROMANCE

Based on experience, walang masama at all sa pag-iibigang umusbong sa opisina. Huwag daw pipigilan.

“If you're available naman, parang, go push for it,” payo ni Arvin.

“Pero kung hindi ka available and yung inaasar sa iyo hindi naman din available, dapat huwag na, kasi parehas niyo lang sasayangin yung oras ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, if you're available and yung opposite na guy or girl na inaasar sa iyo is okay din naman sa kanya, then might as well try.

“Kasi, parang wala naman kaso kung magka-work kayo. Kasi, paano kung one time, mag-resign yung isa, tapos lalabas na siya?”

May paalala naman si Dianne: “You make things work. Kasi, yun naman yung kailangan talaga in general sa couples in life.

“You make things work for problems or challenges, or kung ano ba yung goals niyo. Yun, pag-usapan niyo. Lalo, kung mag-office nga kayo.”

Dagdag ni Dianne, case-to-case basis sa preference ng isang tao kung magwo-work ang office romance or not.

Pero sinabi niyang, “It’s worth giving it a chance.”

Dagdag pa niya, “May advantages naman yung having an office romance.

“What's important is just that you know the boundaries of being a couple inside the office. Kasi siyempre, when you're in the office, professional pa din, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga taong aprubado sa office romance at mayroon din namang hindi.

Pero katulad din ito ng iba pang sitwasyon. May mga taong ayaw makipagrelasyon sa isang kaibigan. Meron din namang nagsasabing ideal ito bilang foundation.

Isyu rin para sa iba kung makikipagrelasyon sila sa ex ng isang kaibigan. Pero may ibang nangangatuwirang valid ito kung magustuhan ng ex mo ang iyong kaibigan.

May mga pros and cons sa lahat ng sitwasyon. Depende na lang kung paano mo ito titingnan.

Gaya ng lahat ng relasyon, may mga maaaninag na problema o pagsubok, pero hindi naman kailangang matakot dahil sa mga ito.

Sabi nga ni Dianne, "If you're really determined to make it work, then it can work."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here's the love story of Dianne Suegay and Arvin Dizon, an office romance that leads all the way to the altar.
PHOTO/S: Arvin Dizon and Dianne Dizon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results