Hindi nakaligtaan ni Daniel Padilla na magpaabot ng pasasalamat sa dating nobya at ka-love team na si Kathryn Bernardo, sa kabila ng masalimuot na kinahantungan ng labing-isang taon nilang relasyon.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Sa ginanap na contract renewal ni Daniel sa ABS-CBN at Star Magic nitong Lunes, February 12, 2024, isa si Kathryn sa pinasalamatan ng aktor dahil sa malaking bahagi nito kung anuman ang narating niya ngayon.
Mensahe ni Daniel, "Hindi ko puwedeng makalimutan si Kathryn.
"Maraming-maraming salamat, Kathryn, sa ating maraming taon na pinagsamahan."
Sabi pa ni Daniel, nagkahiwalay man sila ni Kathryn ay hinding-hindi niya makakalimutan ang mga alaala nilang magkasama.
Sabi niya, "Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories, at ang ating mga adventures at journeys na pinagsamahan.
"Thank you very much."
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
Maliban kay Kathryn, pinasalamatan din ni Daniel ang mga tagahanga ng tambalan nila ni Kathryn—ang KathNiel.
Saad niya, "[Sa] lahat ng KathNiel fans, maraming-maraming salamat sa lahat ng taon ng pagmamahal at pagsasama natin.
"Hinding-hindi mawawala sa puso ko at sa aking memories ang ating masasayang pinagsamahan.
"All good memories for me at walang-walang makakatalo doon sa mga memories na yon.
"And for me, wala pa ring fans club na makakatalo sa KathNiel. Sorry, but it's true."
Read: Vietnamese girl linked to Daniel Padilla issues statement
DANIEL'S MESSAGE TO ABS-CBN, FAMILY, AND FRIENDS
Pinasalamatan din ni Daniel ang ABS-CBN, kanyang pamilya at mga kaibigan na nanatili raw kasa-kasama niya simula umpisa hanggang sa ngayon.
Saad niya, "Unang-una, gusto ko po magpasalamat sa aking mga bosses [sa ABS-CBN] sa tiwala pong ibinibigay niyo. Hindi lang po sa tiwala para sa trabaho kundi doon po sa pagmamahal na ibinibigay niyo.
"At siyempre sa buong pamilya ko. I have a very, very big family, everyone knows, di ba?
"Mama [Karla Estrada], thank you very much, paborito ng ermat ko sa akin na padalhan ako ng late night messages, napakahaba at sobrang makata.
"Thank you, Mama, hindi man ako nakakapag-reply, I always appreciated that.
"To my sister Magui, Kuya JC, kay Carmella, noong mga panahon na magulo, ako e nanahimik at namundok muna, kasama ko po yung mga kapatid ko. I had the best time."
Read: Daniel Padilla delights fans with "free concert" in Siargao
Walang ibang binanggit si Daniel, pero mahihinuha na ang pinatutungkulan niya ay ang pagiging MIA o missing in action niya matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Kathryn.
Paliwanag niya, "Lumayo muna ako sa harap ng mga cameras. Ako naman, everyone knows, yeah, it's work. I have friends in my work, but this is not my life.
"Malaki ang mundo ko sa labas ng industriya. Ayun yung nagpaparamdam sa akin na tao pa rin ako at hinding-hindi ako puwedeng lumayo doon.
"I just appreciate the time na ibinigay sa akin ng mga kapatid ko noong namundok kami."
Dagdag pa niya, "Pati yung mga kaibigan ko, hindi ko na maisa-isa pero you know who you are.
"Yung mga kasama ko mula umaga hanggang umaga."
Ang muling pagpirma ni Daniel ng kontrata sa ABS-CBN ay katapusan rin ng haka-hakang lilisanin na niya ang Star Magic at humahanap na siya ng bagong talent management na hahawak sa kanyang showbiz career.
Bagamat mariin na itong pinabulaanan ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN noong January 24.
Read: Daniel Padilla remains a Kapamilya; set to renew contract in February
Samantala, bago mangyari ang inaabangang contract renewal ni Daniel ay nauna nang pumirma ng exclusive contract sa Star Magic si Kathryn noong February 2.
