Mula pa lamang nang ipaglihi ni Jessy Mendiola si Baby Peanut hanggang sa ipanganak ito at ngayon ay isang taong mahigit na, walang mapagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Vilma Santos lalo't kapansin-pansin ang malaki nilang pagkakahawig.
Kamakailan nga ay marami ang natuwa sa cute na video ng mag-lola kung saan naglalaro sila.
View this post on Instagram
Sa panayam namin kay Vilma nung nakaraang February 5, 2024, via messenger, nagbiro pa sa amin ang When I Met You In Tokyo lead actress na darating ang panahon na magti-TikTok daw sila ng apo.
"Yes nagkikita kami ni Peanut, nagiging busy lang si Momsie and sila rin pero we see to it na nagkikita kami every week or every two weeks we see each other and they stay here sa bahay. Dito namin ginagawa ang mga bonding namin."
Momsie ang palambing na tawag sa kanya ng anak na si Luis Manzano at gusto rin niyang itawag sa kanya ng apong si Peanut.
"I love Peanut, palaki na nang palaki. Abangan nyo soon, sasayaw kaming dalawa ng TikTok."
VILMA ON HUSBAND RALPH'S NEW GOVERNMENT POSITION
Kamakailan ay pinuwesto ang asawa ni Vilma na si Congressman Ralph Recto bilang Secretary of Finance ng kasalukuyang administrasyon.
Hiling ng aktres ay magampanan ng asawa ang bagong tungkulin na nakaatang sa balikat nito lalo't alam niyang mabigat ang responsibilidad nito ngayon.
"Definitely I feel happy for him kasi he's an economist and I believe in him. Alam ko na kakayanin niya. Hindi madali pero alam ko rin ang kakayahan niya.
"Sana lang mabigyan siya ng positibong tulong ng mga tao around him. Yun ang dinadasal ko sa Panginoon, for him to make good sa trabaho niya ngayon.
"To help our country when it comes to economy and makabawi naman tayo nang kaunti. I'm praying for that and I'm proud of Ralph too."
what's next from vilma?
Sa ngayon ay mukhang pahinga muna si Vilma lalo't di biro ang binigay niyang commitment at sipag para sa promotion ng When I Met You In Tokyo nung nakaraang taon.
Marami mang proyekto ang inaalok ngayon sa Star For All Seasons ay pinipili nitong mabuti ang susunod na proyektong gagawin.
"May mga scripts ako dito, pero hindi pa, wala pa. I'll try to see kasi di naman kasi lahat kakayanin kong magawa.
"Maybe one this year or two the most, yun na lang the one that will challenge me. Yun na lang, yun ang maganda, yun na lang ang gagawin ko, pag nandito na talaga yung right script for me."
