Tila may pahiwatig si Dominic Roque na may hindi magandang nangyayari sa relasyon nila ng fiancée na si Bea Alonzo nitong pagpasok pa lang ng buwan ng Pebrero 2024.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A relationship timeline
Noong February 2, nagkomento siya ng tatlong yellow faces with closed eyes, frown, and a bead of sweat dripping from its forehead emojis sa post ni Tyler Glass.
Ang meaning nito ay “moderate degree of sadness, pain, frustration, or disappointment.”

Si Tyler Glass ay isang photographer at writer na ipinanganak at lumaki sa Louisville, Kentucky, sa USA.
Sa kanyang Instagram noong unang bahagi ng Enero 2024, nag-post si Tyler ng Instagram Reel tungkol sa pagli-let go at hiwalayan.
Ayon sa narration ng video na binosesan ng isang babae:
“I need you to do something for me
“I need you to let me go
“You have to let me let you go
“In another life
“Maybe it was you and me
“Maybe there, we love each other right
“And we were happy together
“Maybe in that life we did all the things we said we would
“But we got this one instead
“You were my friend
“My love
“And now a stranger
“But you'll always be my favorite memory.”
View this post on Instagram
Caption sa post ay ang huling linya ng Reel na: “But you'll always be my favorite memory.”

Sobrang lungkot ng emoji comment ni Dominic at maraming netizens ang nakisimpatiya sa kanya.





Ilang linggo mula huling bahagi ng Enero ay pinag-uusapan na ang umano’y hiwalayan nina Dominic at Bea.
Matapos nito, kinumpirma ni Boy Abunda sa programa niyang Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7, noong February 6, na hindi na matutuloy ang kasal nina Bea at Dominic.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Samantala, ngayong Huwebes, February 8, 2024, binasag na ni Dominic ang kanyang pananahimik.
Kasunod nito ang pakiusap na wala sanang "hate/bashing/negative things" laban kay Bea at sa kanya.
Read: Dominic Roque breaks silence amid breakup with Bea Alonzo
Hindi pa rin nagbigay na opisyal ng pahayag ang dalawa. May mga nagsasabi ring baka sinasalba pa ng dalawa ang kanilang relasyon.
