Ilang araw matapos makumpirmang break na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, binasag na ng aktor ang kanyang pananahimik.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Ito ay sa gitna ng batuhan ng mga akusasyon at espekulasyon ng publiko kaugnay sa pinag-uusapang paghihiwalay ng dalawa.
Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Huwebes ng umaga, February 8, 2024, nakiusap si Dominic na wala sanang "hate/bashing/negative things."
Idiniin din ni Dominic na si Bea ay "a beautiful person inside n out."
Kalakip ng Facebook post ni Dominic ang Instagram reels na ibinahagi niya noong October 21, 2023 bilang pagbati sa kaarawan ni Bea. Naglalaman ito ng video clips ng mga biyahe nila sa abroad.
Magmula nang kumpirmahin ni Boy Abunda sa programa niyang Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7 noong Martes, February 6, na hindi na matutuloy ang kasal nina Bea at Dominic, kung anu-ano nang isyu at espekulasyon ang lumalabas.
Read: Who is Bea Alonzo's road manager alluding to in cryptic post about "manipulative sad boi"?
Read: Dominic Roque's brother clarifies his cryptic post is not about Bea Alonzo
Ito marahil ang dahilan kaya nagdesisyon si Dominic na basagin na ang kanyang pananahimik.
Na-engage sina Bea at Dominic noong July 18, 2023.
Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”
Pero pagpasok nitong January 2024 ay lumabas ang usap-usapang hindi na matutuloy ang kasal ng dalawa dahil nag-break na sila.
Iba-iba ang lumalabas na dahilan ng desisyon nina Bea at Dominic na tapusin na ang kanilang relasyon at hindi na ituloy ang kanilang kasal, ngunit wala pang direktang pahayag ang dalawa tungkol dito.
