Matagal-tagal na rin mula nang huling nagdaos ng solo concert ang singer na si Pops Fernandez.
Para sa isang binansagang "Concert Queen" ay tama lang na muling mapanood si Pops at marinig nang live ang kanyang mga pinasikat na awitin.
Nung nakaraang taon ay ipinagdiwang ni Pops ang kanyang 40th anniversary sa showbiz.
And what better way to celebrate the milestone than by having a big concert?
Read: Pops Fernandez recalls growing up while dad Eddie Fernandez was in prison
Sa February 9 and 10, 2024, ay muling sasampa si Pops sa entablo para sa pre-Valentine's Day concert na pinamagatang Always Loved, na gaganapin sa The Theatre At Solaire, sa, Parañaque City.
"I want everyone to enjoy with me. So it's going to be one huge party," bulalas ni Pops nang mag-guest ito recently sa PEP Live.
"And yeah, there will be touches of a Pops Fernandez concert. Because kung ano yung naging tatak ko, gusto ko naman ibigay yun."
WARMING UP
Hindi man diretsahang inamin ni Pops ay bakas na nakaramdam ito ng kaba sa umpisa matapos hindi mag-perform sa harap ng publiko ng ilang taon.
Read: Pops Fernandez, nagbago ang isip magretiro dahil sa concert kasama sina Kuh at Jaya
Nakatulong nang malaki ang shows na ginawa ni Pops kasama ang ilang kaibigang singers, kagaya ng ex-husband niyang si Martin Nievera at ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, para bumalik ang tiwala nito sa sarili at kagustuhang muling mag-perform.
Read: Pops Fernandez recalls healing journey after separation from Martin Nievera
Read: Kuh Ledesma opens up about failed marriage: "I was so broken."
Paliwanagnsi Pops, "Show-show muna kami sa abroad and here just to gain my confidence back. Kasi natagalan bago ako nag-solo [concert ulit]."
Matindi ang ginagawang preparasyon ni Pops para sa kanyang upcoming concert.
Ang sikat na choreographer na si Georcelle Dapat-Sy ang nagtuturo kay Pops ng dance moves na kanyang gagawin sa concert.
Si Georcelle, kilala sa tawag na Teacher Georcelle, ay ang choreographer ng dance group na G-Force.
Nakilala rin siya bilang choreographer ng iba't ibang celebrities sa kanilang dance numbers, kabilang ang singer-actress na si Sarah Geronimo para sa dance moves nito sa kanyang music videos at concerts.
Read: Teacher Georcelle at Sarah Geronimo, nagkaayos na ba?
Read: G-Force's Teacher Georcelle breaks silence on alleged rift with Sarah Geronimo
Kuwento ni Pops, "I've been working out on my own, trying to get in shape, which is the hardest thing to do. Ang hirap, ha!"
Wala namang sinusunod na strict diet si Pops bagamat maingat siya sa mga kinakain ngayon para mapanatiling fit ang kanyang katawan.
"We have started dance lessons para nga ma-practice ko rin," sabi ni Pops.
"Ako kasi rin kailangan, sabi ko sa sarili ko na kaya ko, kailangan kayanin ko. Kung hindi, ayaw ko naman na pinipilit ko rin."
Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang rehearsals ni Pops hindi lang para makabisado niya ang mga sayaw kundi para mapalakas din ang kanyang resistensiya.
"Because it's all about breathing and stamina. So I'm praying that I do have all of that, and that's the goal for all of these rehearsals," paliwanag niya.
Isa rin sa maiging tinututukan ni Pops ay ang pag-aalaga sa kanyang singing voice lalo na't may paparating siyang concert.
"Nawalan nga ako ng boses," prangkang pahayag ni Pops.
"So I'm being very, very careful also now. Hindi na ako basta-basta kumakanta na.
"Now, I really have to make sure that I vocalize para tama yung placement ko, para hindi ko ginagasgas rin yung throat ko."
IT STARTED WITH A SONG
Samantala, binalikan ni Pops kung ano ang naging papel ng bago niyang kanta sa ideya ng upcoming concert niya.
Nglabas ng bagong awitin si Pops last year na may pamagat na "Always Loved."
Nilapitan daw ni Pops ang prolific songwriter, record producer, at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo para magpatulong sa kantang iniisip niyang isulat at i-record.
Balak na noon ni Pops na muling mag-concert ngunit nais niyang gumawa muna ng kanta bago sumabak sa stage.
"When we discussed, sabi ko kasi sa kanya, 'Jonathan, I have not done a new song in a long time, and I'm preparing for a concert,'" pagbabalik-tanaw ni Pops.
"Sabi ko, 'Ang weird naman na out of nowhere gusto ko lang mag-concert.' Parang gusto ko, I want to come up with a new song, something new."
Nagustuhan naman ni Jonathan ang ideya ni Pops.
Tinanong daw ni Jonathan si Pops kung anong klaseng kanta ang nasa isip niyang gawin.
Read: ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo vouches for Moira dela Torre’s character
Bagamat tungkol sa pagmamahal ang awitin na gusto ni Pops ay iwas siyang maging tungkol sa pangkaraniwang paksa na kadalasang tinatalakay sa pop songs.
"Pero for a change, ayoko na nung the usual na isinusulat about love," sambit ni Pops.
"Heartbreak? I've sung that already.
"Falling in love? I've sung that already.
"And all sorts of love, nakanta ko na."
Katuwiran ni Pops kay Jonathan, "Sabi ko, gusto ko naman for a change, for my listeners, gusto ko when they hear it, it will remind them of feeling good about themselves, which is always love."
Self-love ang gustong iparating ni Pops para sa kanyang bagong awitin.
"Taking care of yourself, don't be afraid to decide on something else because it's your decision. It's you and you're always loved," ani Pops, na credited as co-writer ng "Always Loved."
"In a way, very inspirational kasi, yun na nga, even though I'm single or alone or by yourself, you have to always remind yourself that someone up there loves you, 'di ba?
"That's why it's 'Always Loved.'"
Lumabas ang "Always Loved" nung July 28, 2023, at tinawag itong comeback single ni Pops bilang pagdiriwang na rin ng kanyang 40th anniversary sa showbiz.