Muling pinabulaanan ng Kapamilya actor na si Enrique Gil na hiwalay na sila ni Liza Soberano.
Sa panayam niya sa TV Patrol nitong Huwebes, February 1, 2024, sinabi ni Enrique na sila pa rin ni Liza at masaya sila sa kanilang relasyon.
Tanong ng TV Patrol anchor na si Gretchen Fullido, "So, tinatanong nga ng lahat, kayo pa ba [ni Liza]?"
Natatawang sagot ng aktor, "Yeah, yeah, we're happy. We're just really busy.
"I think we just realized na, in life, parang we shouldn't always be centered around each other.
"We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better."
Hirit pa ni Gretchen, "Grabe, ang healthy ng relationship niyo. All graces with each other."
Saad dito ni Enrique, "Super, super. Thank you so much."
Read: Enrique Gil pens sweet birthday greeting for ex-girlfriend Liza Soberano
Natanong din ang aktor kung sino ang date niya sa papalapit na Valentine's Day.
Ani Enrique, sa ngayon ay ang kanyang ina muna ang ide-date niya dahil busy pa si Liza sa pagpo-promote ng upcoming Hollywood movie nitong Lisa Frankenstein.
Read: Liza Soberano tells how she landed role in Hollywood movie "Lisa Frankenstein"
"For Valentine's, it's gonna be my mom.
"Sadly, Liza is going to be in the U.S. for Lisa Frankenstein. But hopefully, if she gets back in time, she said she was gonna go and support me."
Hindi ito ang unang pagkakataong nagsalita si Enrique tungkol sa estado ng relasyon nila ni Liza.
Noong April 2023, itinanggi ni Enrique ang tungkol sa kumakalat na espekulasyon sa kanila ni Liza.
"We’re good, we’re good,” sagot niya nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ng aktres.
Dagdag pa ni Enrique, “She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.
“Because Hope [totoong pangalan ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”
Read: Enrique Gil addresses breakup rumors with Liza Soberano: "We’re good, we’re good."
Tila sinakyan din ni Liza ang pahayag ni Enrique dahil sa isang interbyu noon, hindi rin niya inaming hiwalay na sila.
Sinabi ni Liza na magkaayos at nagkikita pa rin sila ni Enrique.
Read: Liza Soberano, walang birthday greeting kay Enrique Gil; break na ba sila?
Hanggang noong December 1, 2023, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sa isang unreleased interview ni Liza ay inamin nitong wala na sila ni Enrique noon pang October 2022.
Nakiusap lamang si Liza na huwag ilabas ang panayam sa kanya kaya hindi ito napanood ng publiko.
Read: Liza Soberano inaming break na sila ni Enrique Gil sa isang unreleased interview
Hindi malinaw kung nagkabalikan ba sila ni Enrique matapos sabihin ng aktor ngayon na sila pa rin at maayos ang relasyon nila ni Liza.
