Wala nang balak pang bumalik sa Pinoy Big Brother (PBB) bilang host si Toni Gonzaga.
Ito ang direkta niyang inamin nang maitanong ang tungkol sa pagbabalik ng bagong season ng PBB ngayong taon.
Read: Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino to star in PH adaptation of It’s Okay Not To Be Okay
Sa panayam ni Toni sa FM radio station show na The Baklitas nitong January 30, 2024, natanong siya ng mga host na sina Kapitana Sisa at Tita Cory kung may plano ba siyang bumalik sa paghu-host sa PBB.
Ani Toni, hindi na niya ito naiisip dahil sapat na ang labing-anim na taong pagiging host niya sa Kapamilya reality show.
Nais daw niyang bigyan ng tsansa ang iba na magningning bilang main host ng programa.
Saad niya, "Feeling ko, may mga bagong magagaling na hosts and it’s their time to shine.
"Feeling ko, the sixteen years that I’ve given sa PBB, parang ano na yon, that was special and memorable in my heart."
Read: Toni Gonzaga "voluntarily" leaves Pinoy Big Brother; entrusts main hosting job to Bianca Gonzalez
Pinuri rin ni Toni ang naiwang hosts at dating mga kasamahan sa PBB na sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Kim Chiu, at Enchong Dee.
"Sobrang gagaling na ngayon ng mga host ng PBB and I’m sure they will continue the legacy ni Kuya," aniya.
Read: Kim Chiu waxes emotional over PBB family reunion
Sundot na tanong pa sa dating TV host, "Hindi mo ba nami-miss na mag-TV?"
Sagot ni Toni, "Nakaka-miss yung dati kong ginagawa [sa TV]. May miss factor.
"But ngayon, intentional ka na every time you take a project, so mas excited ka nang mag-work.
"Dati kasi, para kang autopilot — guesting dito, guesting doon... lagarista to the max."
Naging kontrobersiyal si Toni noong 2022 elections nang maging host siya sa malalaking campaign sorties ng noo'y presidential candidate pa lamang na si Ferdinand Marcos Jr. at vice-presidential candidate na si Sarah Duterte.
Read: Toni Gonzaga: a household name, a meme, and more!
Pinag-usapan nang husto ang paghu-host na iyon ni Toni dahil ilan sa mga senatoriable na nasa tiket nina Marcos at Duterte ay may malaking kinalaman sa pagsasara ng ABS-CBN, ang home network ng TV host-actress.
Dahil dito, nkatanggap ng matinding batikos mula sa Kapamilya supporters.
Sinundan ito ng pagre-resign niya bilang main host ng PBB noong February 9, 2022.
Read: Toni Gonzaga officially steps down as Pinoy Big Brother main host
Sabi noon ni Toni, isang pribilehiyo para sa kanya ang maging host ng PBB at sabihin ang mga katagang "Hello Philippines" at "Hello World."
Ito kasi ang madalas na opening spiel ni Toni simula nang ilunsad ang PBB noong 2005.
Nagpasalamat din siya kay Kuya at sa mga nakasama niya sa paggawa ng programa.
